22nd

72 14 1
                                    

***

Vince's POV

•••

Nagpahangin muna ako sa labas. Iniiyak ko muna yung sakit na nararamdaman ko kanina. Pero, kaya pa naman. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit na anong mangyari, hinding hindi ko susukuan ang taong pinakamamahal ko.

Ilang saglit na pagmumuni-muni nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang screen nito. Napailing na lang ako nang makita kung sino ang tatawag.

Si Vale.

"What?" walang reaksyon kong tanong sa kabilang linya.

["Bro, may natitipuhan na akong babae. Kaya lang napakasungit naman niya. Ang hirap paibigin."] tugon niya.

"Wow! Congrats, Vale. Ano? Nakaamin ka na ba ng feeling mo?"

["Hindi pa. Eh ang sungit nga. Baka ma-busted ako."]

Torpe ang putek!

"Vale, hindi ka pa nanliligaw, busted agad ang naiisip mo. Hindi mo pa pinakita sa kanya na gusto mo siya. Ang sabihin mo, nato-torpe ka lang."

["Pinapakita ko na sa kanya. Nagbibigay na ako ng motibo pero parang wala lang ako para sa kanya."]

"Tss. Bakit hindi mo na lang kasi aminin na gusto mo siya?"

["Eh... kasi..."]

"Kasi nato-torpe ka nga. Alam mo, walang kahihinatnan ang nararamdaman ko kung hindi mo sasamahan ng lakas ng loob na umamin ng nararamdaman."

["Bro, natatakot nga ako."]

"Tsk. Kung natatakot ka at iyan ang paiiralin mo, talagang walang mangyayari. Hindi mo naman makukuha ang taong gusto nang hindi ka umaamin ng nararamdaman sa kanya. Malay mo, iisa rin pala ang nararamdaman niyo sa isa't isa."

["Pero, bro..."]

"Kaya mo 'yan. Tiwala lang. Successfull yung pag-amin mo kapag sasamahan mo ng lakas ng loob at bukal sa puso mo ang pag-amin mo."

["Sana nga, Vince. Sana same rin kami ng nararamdaman."]

"Sana nga."

May konting katahimikang lumukob sa amin na kaagad rin niyang binasag ng isang tanong na hindi ko inaasahang tatanungin niya.

["So, kamusta naman kayo ni Nixie? Masaya ba siyang maging girlfriend?"]

Ouch. Ang sakit naman. Bakit kasi naging ganito ako? Si Nixie lang naman 'yon ah. Maraming ibang babae ang nagkakandarapa na makuha ako. Oo na, aaminin ko na rin na feelingero ako. Pero pagdating kay Nixie? Nagbabago bigla yung ugali ko.

"O-oo, ang sarap niya nga magmahal eh. Sa sobrang sarap, halos makalimutan ko na kung sino talaga ako..."

"Ahmm... sige, bro. May gagawin pa ako eh. Bukas na lang ulit tayo mag-usap." dugtong ko sa sinabi ko kanina saka pinatay na ang tawag.

Bumalik na naman ako sa pag-iisip. Hindi ko pa rin ma-imagine na nang dahil kay Nixie, nagbago ako.

Kapag kasama ko kasi si Nixie? Parang siya lang yung babaeng nasa paligid ko. Kapag nandyan si Nixie? Mas nagiging matured ako mag-isip. Natanggal ko na nga rin ngayon yung pagiging feelingero ko eh.

Natanggal ko na nga ba?

Basta pagdating kay Nixie, ibang Vince ang lumalabas. Natuto na nga rin akong magkaroon ng pakialam sa paligid ko eh. Dati kasi, wala talaga akong paki sa mundo. Parang wala lang yung mga nakikita't naritinig ko sa paligid ko. In short, dinidedma ko na lang.

Hindi rin nagtagal ay pumasok na ulit ako sa bahay nila Nixie. Umakyat ako ng hagdan papuntang kwarto niya. Kumatok ako ng dalawang beses. Sa pangatlong katok ko ay bumungad sa harapan ko ang naaantok pang mukha ng taong mahal ko na ngayo'y nagkakasakit pa.

"Oh, bakit hindi ka pa natutulog? Alas dose na ng hatinggabi ah. Dapat nagpapahinga ka na para kaagad ka'ng gumaling." sabi ko sa kanya.

"Eh hindi pa nga ako naaantok. Pwede ba'ng samahan mo muna ako dito sa kwarto ko? Wala akong kasama eh."

"Naku! Huwag na." pagmamatigas ko.

"Please?" pagmamakaawa niya saka hinawakan ang bisig ko.

Ako namang si marupok, siyempre bumigay ako. Siya naman 'to eh. Kaya lahat ng gusto niya susundin ko.

Parang may lightbulb na umilaw sa tapat ng ulo ko at nakaisip ako ng malupit na ideya. Kinikilig ako tuloy habang ini-imagine ko.

"Oh sige. Pero sa isang kundisyon..."

"Ano 'yon? May pa-dubdi-kundisyon ka pang nalalaman." reklamo niya.

"Hug me tightly while we're lying together in your bed." walang alinlangan kong sabi.

"Seriously? Baka mahawaan kita ng sakit ko. Ayaw ko pa namang makakita ng taong nagkakasakit nang dahil lang sa akin."

"Kahit na mahawaan pa ako. Sayo naman galing 'yon. Kaya, walang problema." iyan na lamang ang isinagot ko saka ngumiti.

"Okay, sabi mo eh." lumapit siya sa akin at inumpisahan na akong yakapin.

Wala siyang ibang nagawa kasi iyon lang ang tanging paraan para pumayag ako sa gusto niya. Kung inyong tatanungin? Kanina pa ako kinikilig. Ewan ko ba! Basta kapag si Nixie, kinikilig ako. Palagi naman eh. HAHAHAHA!

Ganyan ko siya kamahal. Kahit na buhay ko ang kapalit, gagawin ko mahalin niya lang ako pabalik, masaya na ako.

Masyado ba'ng mababaw yung hiling ko? Kasi ganyan ako magmahal. Gagawin ko ang lahat para lang makuha ang isang bagay.

Siguro kailangan ko pa ng mas maraming effort para maging akin si Nixie ng buo. Kapag siguro naging kami, mas mamahalin ko pa siya ng sobra-sobra kaysa sa sarili ko.

***

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa tabi niya kagabi. Kaya heto ako ngayon, medyo maagang nagising.

Titingnan ko sana yung katabi ko kung tulog pa pero paglingon ko, wala na siya dito sa kama niya. Saan na nagpunta 'yon?

Lumabas ako ng kwarto. Iniikot ko ang paningin ko hangang pababa ng hagdan. Nakita ko yung isang kayulong nila na may hawak ng mga damit-pambabae. Nilapitan ko ito at nagtanong.

"Si Ma'am Nixie po ba? Nasa kusina po eh. Tinutulungan po kaming maghanda ng almusal." sagot nito saka nagpaalam na pupunta na siya sa closet ng amo niya na si Mrs. Delos Reyes at tuluyan na akong iniwan.

Dumiretso ako ng kusina at tama nga ang sinabi sa akin kanina ng isang katulong nila. Tumutulong siya sa pagpe-prepare ng almusal.

Napakasipag nga naman nitong future wife ko. Oo, alam ko sa sarili ko na nangangarao na naman ako ng gising. Wala namang masama kung mangangarap ako ng mangangarap 'di ba?

Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman masama kung mangangarap ka hangga't gusto mo.

Napalingon si Nixie sa gawi ko kaya nakita niya ako. Nakangiti niya akong binati ng good morning saka tinanong kung nakatulog daw ba ako ng mahimbing kagabi.

Ang tanging naisagot ko na lang ay simpleng tango.

Pinaupo na ako sa dinning area. Ang sabi kasi niya, buong araw ko siyang inalagaan. Ngayon naman daw, siya naman ang babawi sa mga ginawa ko.

Kahit na anong pilit ko sa kanya na okay lang iyon, hindi pa rin siya nagpatinag. Kaya hinayaan ko na lang siya.

Tinanong ko kung may nararamdaman pa sing sakit sa katawan. Ang sabi niya, magaling na daw siya. Kaagad akong naniwala dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na nagsasabi siya ng totoo.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon