18th

78 14 2
                                    

***

Nixie's POV

•••

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit ng ulo ko tapos ang sakit pa mg katawan ko. Ito yata yung tinatawag nilang trangkaso.

At hindi ko din malaman kung anong nakain ng lalakeng nandito ngayon at sumugod dito sa bahay para lang daw alagaan ako.

Hindi ko na siya napigilan. Eh paano naman kasi, hahalikan daw ba naman ako kapag pumalag pa ako? Jusmiyo! Mas maganda ng pumayag na lang kaysa mahalikan ng gagong 'to 'noh.

"Sige, pupunta muna ako sa kusina para tulungan sa mga gawain dito si Yaya. D'yan ka na lang ba o gusto mong alalayan kita pabalik sa kwarto mo? Para makapagpahinga ka na. Hintayin mo na lang ako doon mamaya. Ano?"

"Babalik na lang ako sa kwarto ko."

"Okay." sabi niya saka tumayo at inayos ang damit niya na nagusot.

Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.

"Uyy! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.

"Mas mabuting buhatin ma lang kita kaysa sa maglalakad ka pa. Mapapagod ka lang at mahihilo. Gusto mo ba 'yon?"

Umiling ako bilang tugon.

"Tara na."

Wala rin. Napapayag niya rin akong buhatin niya ako paakyat ng kwarto. Kung hindi lang ako nagkakasakit, hindi naman ako papayag na mangyaring buhatin niya ako 'noh.

Nang makarating na kami sa kwarto ko, nagpaalam na siyang pupunta na ng kusina para tumulong sa pag-aalaga sa akin.

Feeling ko may pag-asang magustuhan ko rin si Vince. Lalo na't ganito ang mga ikinikilos niya.

Malaki ang chance niyang makuha ako. Mas lalo lang niyang pinapatunayan na karapatdapat ko siyang mahalin tulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.

Sa totoo lang, ngayon ko lang naramdaman na sobrang espesyal ko pala sa isang lalakeng tulad niya.

Never ko naman kasing naramdaman ito noong kami pa ni Lawrence. Siguro, never akong naging special para sa kanya. Dahil bisyo niya lang ang mahalaga para sa kanya.

Ilang sandali pa ang nakalilipas, nakaramdam ako ng antok kaya natulog muna ako sandali para may lakas ako mamaya na kakain. Tsaka para mabilis akong gagaling.

⭐⭐⭐

Thea's POV

•••

"Nasaan si Nixie? Nakita mo ba siyang pumasok?" tanong nitong kasama ko na kanina pa ako niyuyugyog at kanina pa ako tinatanong kung nasaan na si Nixie.

Kaya tinawagan ko na si Nixie mismo.

KRIIIIINNNNNNGGG! KRRRIIIINNNNGGG!....

Nagriring lang yung phone niya. Ilang beses kong tinawagan pero ganoon pa din. Wala ng choice kundi pumunta na sa bahay nila ASAP. Kinakabahan na ako eh. Baka binangungot 'yon. O kaya naman, nag-take ng maraming sleeping pills. Naku po!

"Tara na, Dap. Puntahan na natin si Nixie. Baka kung ano ng nangyari sa kanya sa bahay nila. Wala pa naman ngayon yung parents niya." sabi ko kay Daphnie.

"Huh? Wala na naman sila Tita? Saan ba sila nagpunta at iniwan itong si Nixie?" ang daming tanong naman ng babaeng 'to.

"Hindi ko alam. Pumasok ka na nga lang sa kotse mo. Ang dami mong tanong. Hindi ka naman nang-i-interview noh? Para kasing nagse-cencus ka na sa dami mong tanong."

"Sorry naman. Curious lang ako noh."

"Tumahimik ka na nga. Dami mong alam."

"Tss! Sungit." bulong niya sa hangin pero rinig na rinig ko 'yon.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinaharurot na ang sasakyan kong dala na kotseng pula. Kotse ng Daddy ko 'to. May lisensya naman ako eh. Kaya di nakakatakot mag-drive.

***

Sa wakas! Narating na rin namin ang bahay nila Nixie. Binilisan ko kasi yung pagmamaneho ko kaya nakapunta ako kaagad.

Pumasok kami sa loob ng mansyon nila. Hinanap namin yung Yaya ni Nixie. Nahagilap namin siya na nasa kusina na may... KASAMANG BINATANG LALAKE?!?

Ang ikinagulat pa namin ay nang biglang lumingon papaharap ang lalaking nakasuot ng apron. Siya ba talaga 'to?

"V-vince?" nauutal kong tawag sa kanya.

Nginitian niya ako. "Oo, ako nga po." sani niya saka tumalikod ulit at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Bakit ka nandito? At saka nasaan si Niks?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya. Nagpapahinga." sagot niya.

Nabigla ako kaya sinugod ko siya at pinagpapalo. "Nagpahinga?!? Anong ginawa mo sa kanya?!? Ha?!?" galit kong sabi sa kanya.

Napansin kong panay ang tawa ni Yaya Lucia—siya yung Yaya ni Nixie. Nakita rin iyon ni Daphnie kaya napakunot ang noo niya.

"Ate Lucia, bakit po ganyan yung reaksyon niyo? Hindi po ba kayo magagalit dito sa mokong na 'to?!? Pinagod niya lang naman si Nixie kaya hindi pumasok. Tama ako di ba?!?" nagagalit na sigaw ni Daphnie.

Huminto sa kakatawa si Yaya Lucia. "Mga ma'am, mali po kayo ng pagkakaintindi sa ibig sabihin ni Sir Vince..." natigilan kami.

"Ang ibig sabihin ni Sir Vince ay kaya nagpapahinga si Nixie kasi nga po, nagkakasakit siya. Buti nga medyo bumaba na ang lagnat niya. Kanina kasi sobrang taas. Eh ayaw niya rin namang pumunta ng ospital." dugtong ni Yaya Lucia.

"Thea naman, alam mo namang hinding hindi ako gagawa ng kahit na anong masama na labag sa kalooban ni Nixie." depensa ni Vince sa sarili.

"Sorry na. Aba! Malay ko bang may sakit pala si Nixie. At saka, bakit ka nandito? Sino naman nagsabi sayong pumunta ka dito?" sabi ko.

"Tinanong ko yung isang kaklase natin kung nasaan si Nixie. Ang sabi nung pinagtanungan ko, nilalagnat daw ngayon si Nixie kaya dali-dali akong pumunta dito." ang layo naman ng sagot nito.

"Ang sabi ko, bakit ka nandito? Hindi ko naman tinatanong kung paano mo nalaman na may sakit si Nixie." mataray kong sumbat.

"Ahh...sorry.." napakamot siya sa batok niya.

"So, bakit nga?" tanong ni Dap.

"Ahmm...may gusto kasi akong patunayan kay Nixie at iyon ang hindi niya alam." sagot ni Vince.

"Gusto niyang patunayan na karapatdapat siya na mahalin ni Nixie. Tama ako di ba?" singit ni Yaya Lucia kaya napatingin kami sa kanya. Sunod kaming napatingin kay Vince na ngayon ay nakayuko na habang nakapamulsa.

"Totoo ba?" kumpronta ko kay Vince.

"O-oo. Tama si Ate Lucia. 'Yon yung gusto kong maramdaman niya at patunayan sa kanya, kay Nixie. Tsaka gusto ko siyang alagaan. Masama ba 'yon?" iiyak na ba 'to? Nakakatawa naman. HAHAHAHAHAHAHA!

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon