13th

82 13 1
                                    

***

Nixie's POV

•••

Bagong umaga na naman ang dumating ngayong araw na 'to. Bagong araw na naman ng pagpapanggap. Haysst.. kailan ba matatapos 'to?

Bumangon na ako sa kama. Kinusot ang mga mata. Umalis ako ng kama at pumunta sa banyo para maghilamos at magmumog. Pagkatapos no'n ay bumaba na ako papuntang kusina para magpaluto sa mga maid namin ng pagkain na gusto ko ngayong umaga.

Kung mapapansin ninyo dito sa mansyon, wala na naman ang mga magulang ko. Sabi kasi nila may meeting daw sila sa Cebu. Kaya, ako lang na naman ang nandito.

Eh kung i-suggest ko kaya kila Mommy na bibili na lang kami nila Thea ng bahay at doon na lang kami titirang tatlong magkakaibigan. Para hindi boring kapag wala ang mga magulang namin. Tsaka para hindi malungkot.

Siguro naman papayag ang mga 'yon. Hati-hati sila sa bayad ng lupa at bahay. I'm so excited!

Nang matapos na akong kumain, pumunta na ulit ako ng kwarto, inayos ko ang mga gamit ko na kailangan kong dalhin sa school. Pagkatapos no'n, nagpunta ako ng dressing room. Doon ko nilalagay lahat ng damit ko. Pampasyal, pambahay at pang-school like school uniform.

Nang matapos na akong maligo at makapagbihis, dinala ko na lahat ng gamit ko at umalis sa kwarto ko na dala ang bag ko.

Pumunta ako sa garahe at dali-daling sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko iyon ng may kabilisan nang mailabas ko na ang kotse ko sa gate.

***

Nakarating naman agad ako sa school.

Ipinasok ko sa parking area ang kotse kong kulang itim at bumaba na. Tinawagan ko sina Thea para malaman ko kung nasaan sila.

Ayon kay Thea, nasa hallway sila ng main building. Ayon pa sa kanya, ang dami daw tao doon. Dahil sa curious ako, binilisan ko ang lakad ko para makarating ako doon at makita ang totoong na nangyayari.

Nang mahagilap ng mga mata ko kung nasaan sila Daphnie, pumunta ako sa pwesto nila at ito agad ang nga narinig ko mula sa mga babaeng tsismosa.

"May bago na naman tayong kaklase. Mas haliparot pa yata kaysa sakin. Hmp!"  sabi ng baklang kasama ng mga babaeng aakalain mong hinampas sa pader ang mga bibig dahil sa kakapalan ng kulay ng lip tint nila sa bibig nila.

"Kaya nga. Mukhang matatalo ka na niya, Joshua--ah este.. Joana pala. Hehehe!" sabi naman ng katabi nitong babae.

"At sa tingin ko, mukhang mas mayaman pa sayo, Joshua. Kinabog na nga ang beauty mo, pati ba naman yaman mo? Shaks! Paano ka na niyan, Joshua?"  pang-iinis sa kanya ng kasama niyang nasa likod niya.

"Manahimik ka nga dyan! Baka gusto mong sabunutan kitang bruha ka. Baka nakakalimutan mo rin na may utang ka pa sa akin na hindi mo nababayaran..."  hala! Mukhang nagalit na ang kaibigan nilang bakla. HAHAHAHA! Mas masaya pa yata silang panoorin kaysa maki-usisa dito.

Nagmumukha na akong tsismosa nang dahil dito sa dalawang kaibigan ko. Mga ayaw sa pakialamera sa buhay pero gusto nilang maging tsismosa habangbuhay. HAHAHAHAHA! Naks!

Ilang sandali pa at nagpagilid na ang mga estudyanteng nakapalibot kanina sa taong bago lang daw dito. Ulit.

"Ahmm... Hi everyone! I'm Kishie! Kishie Alonzo. I'm from Leonardo University. Sana magkaroon agad ako ng mga kaibigan dito. Nagpapasalamat talaga ako sa mainit ninyong pagtanggap dito sa school na 'to. Salamat sa gifts!" sabi niya saka nagpaalam na sa mga taong naririto at kaharap namin. Nilingon niya ang kasama niyang... Yaya niya yata iyon at ipinabuhat lahat ng mga regalo ng mga estudyanteng nagbigay kanina sa kanya.

Kung tititigan mo lang yung Yaya niya, kahit na nahihirapan siya kinakaya niya pa din. Hindi man lang naisip ng alaga niya na baka mahirapan itong dalhin lahat ng mga regalo. Naaawa tuloy ako sa kanya.

Sa tingin ko, totoo nga yung narinig ko sa mga kasama ng bakla kanina na dalawang babae. Na mas haliparot ang bagong estudyante dito kasi kung maka kindat sa mga boys, akala mo napakaganda talaga.

Pasalamat siya at mas matangkad siya sa akin. Pero mas maganda pa rin ako dyan noh. Hindi ako magpapakabog sa babaeng 'yon.

Tss. Joke lang. Hindi ko hobby ang mainggit sa kagandahang panlabas ng iba. Wala akong pake kung gaano pa siya kaganda, kung pangit rin naman ang ugali niya sa kanya na yung maganda niyang mukhang galing rin naman sa pagiging retokada.

Ilang sandali pa ang nakalilipas, biglang nag ring amg phone ko. Lumayo ako sa hallway at agad ko itong sinagot.

Si Vince po ang tumatawag.

"Ahmm... Hello, Vince? Bakit?" panimula ko.

["Di ka pa ba papasok? Male-late kayo. Balita ko nga may transferee daw tayong magiging kaklase. Excited na akong makita siya."]  sabi niya mula sa kabilang linya.

"Sige pupunta na kami." sagot ko at pinatay na ang tawag.

Ang bastos ko ba? Okay lang 'yon. Normal na sa amin ni Vince yung mga ganoong style.

Tinawag ko na yung dalawang kasama ko. Sumunod naman sila kaagad sa akin. Binilisan na namin ang lakad namin. Baka ma-late kami sa first subject class namin. Lagot na.

Ilang minuto pa ang lumipas at narating na namin ng naghihingal ang classroom namin. Buti na lang at wala pang teacher. Kaya agad kaming umupo sa mga upuan namin.

Kaagad na lumapit sa akin si Vince. "Bakit ang tagal niyo? Saan ba kayo nanggaling at pawis na pawis kayo?"

"Sa Hallway." tipid kong sagot.

"Huh? Ano namang ginawa niyo doon?" tanong niya ulit.

"Huwag ka na nang... mag..t-tanong.."  halatang hingal na hingal ako nang dahil sa ginawa namin para lang makapasok ng classroom habang wala pa ang teacher namin.

"Oh, tubig ko." sabi niya sabay abot ng tumbler na puno ng tubig.

"Bakit mo binibigay sa akin 'to?" tanong ko.

"Malamang inumin 'yan. Hingal na hingal ka kaya ibinigay ko sayo 'yan para inumin mo yung laman." sagot niya.

"S-salamat." nahihiya kong sabi saka dahan-dahang ininom yung tubig na nasa tumbler niya.

Nakalagok ako ng pitong beses bago ko inilapag sa arm chair ko.

"Huwag kang mag-alala, nilawayan ko na 'yan bago mo inumin." biglang sabi niya kaya nag-iba ang timplada ng sikmura ko.

Jusmiyo! Gusto kong magsuka!

"Joke lang siyempre. Hindi naman kasi ako dugyot. Nakakadiri kaya 'yon." dugtong niya agad.

"G*g*o ka! Peste kang hayop ka!" sigaw ko sa kanya saka pinagkukurot ang tagiliran.

Bwisit siya! Grrrr!

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon