9th

126 17 9
                                    

***

Vince's POV

•••

Bumalik saglit ako sa hotel namin. May nakalimutan kasi akong kunin eh.

"Bro, saan ka galing?" tanong ni Vale.

"D'yan sa public comfort room." simpleng sagot ko.

"Bakit natagalan ka yata?" saad naman ni Vian.

"May inasikaso lang ako." sagot ko.

"Inasikaso? Sa CR? Seryoso?" singit ni Vale.

"Oo nga." sabi naman nitong isa.

Naku, Mag-e-explain na naman ako sa mga 'to.

"Sige na, may pupuntahan pa ako. Mamaya niyo na ako pag-kwentuhin." hindi ko na hinintay na magsalita yung dalawa at nagsimula ng maglakad.

Pumasok na ako sa kwarto at kinuha ang isang necklace na pinapabigay ni Mommy kay Thea.

Nakita kong pabalik na yung tatlo. Sina Thea, Daphnie at... si.. Nixie? Tama ba ako ng pangalang binanggit? Pssh.

Umupo na ako sa bench at hinintay silang makalapit dito sa kinauupuan ko.

"Hey." bati ko saka kumaway.

Napansin kong tulala lang si Nixie kaya nilapitan ko siya.

"Hey. Are you okay?" pabulong kong tanong.

Tumango siya.

Ngayon ko lang narealize na mas maganda pala siya sa malapitan. Bagay niya ang buhok niyang kulay blondie na may kahabaan.

"Hoy! Kayong dalawa ah. May sikreto ba kayong tinatago sa amin? Baka hindi namin alam, close na pala kayo sa isa't isa." loko talaga itong si Thea.

Haharap na sana ako at sasagot nang biglang hawakan ni Nixie ang braso ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

I mouthed "Bakit?"

Umiling lang siya. Hinila niya ang kwelyo ng damit ko at hinila papalapit pa lalo sa kanya ay hinila ang tenga ko papalapit sa bibig niya.

"Huwag mo ng sabihing tinulungan mo ako kanina. Mas lalo lang tayong tutuksuhin ng mga 'yan." bulong niya.

Ilang segundo kaming nagtitigan. Napakurap-kurap ako at napalingon sa gawi nila Thea nang bigla nila kaming tuksuhin.

Ewan ko ba kung bakit nag-iinit yung mukha ko. I hate this feeling! First time kong kiligin sa totoo lang.

"AYYIIIEEEEE!" sabay na panunukso ng dalawa.

"Ang sweet niyo namang dalawa. Kinikilig tuloy ako sa inyo!" isa pa itong... Daphnie ba pangalan nito? Nakikisabay pa sa trip ni Thea.

"Mukhang nagkakamabutihan na ah. Ano na ba'ng susunod d'yan? Label? HAHAHAHA!" tsk. Magbestfriend nga sila. Parehas ang likaw ng mga bituka.

"Alam niyong dalawa, kung umuwi na tayo ngayon eh di nakahiga na tayo kanina pa. Kung anu-anong mga pinagsasasabi niyo. Tss."

"Hay nako, Nixie. Huwag mo na kasing itago na nagkakamabutihan na kayo. Eh ano naman di ba? Tsaka, bagay naman kayo eh. Ayiieee!" panunukso ni Thea.

"Nako, tama na nga 'yan. Tara na sa hotel. Pagod na ako. Gusto ko ng magpahinga." walang emosyong sabi ni Nixie at nauna ng naglakad papalayo. Hinabol siya nung dalawa at sinabayan sa paglalakad.

Ako naman, naiwang nakatayo sa pwesto ko ngayon. Gusto kong magpahangin eh.

Ay oo nga pala! Yung napag-usapan namin kanina ni Thea. Siguro bukas na lang. Pagod 'yon ngayon.

***Kinabukasan***

Maaga akong nagising ngayon kasi excited akong bumangon. Kasi nga? Ahm... Gusto kong makita si... Nixie? Basta, gusto ko lang siyang makita.

Nagpunta akong banyo para maghilamos ng mukha at makapag-toothbush na. Oo, maaga akong nagtu-toothbrush. Ang gusto ko kasi pagbangon ko, hindi mangangamoy bulok na laway ang hininga ko.

Lumabas na ako ng banyo pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush.

TOK TOK TOK!

Mukhang may tao sa labas ng room ko. Tss, ang aga-aga nambu-bulabog.

Tinignan ko ang wrist watch ko.

7:00 AM na pala.

Baka isang food server lang 'yan dito sa  hotel. Magdadala ng pagkain dito sa room ko. Masyado kasi silang maalaga sa mga nagche-check-in dito sa hotel na'to.

Pagka-deliver ng food ko, kinain ko agad iyon. Nang matapos ako, inilapag ko na lang iyon sa mini table doon na may isang upuan malapit sa may pintuan.

Ilang minuto pa ang lumipas, may kumatok ulit. Inutusan ko siyang pumasok na lang. Kinuha niya yung pinagkainan ko at lumabas na rin kaagad.

Nang makalabas yung hotel crew, nag-umpisa na akong maghanda sa bagong araw ko kasama si Nixie--ah este si Thea. Ano ba 'yan?!

Lumabas na ako ng room ko. Kinatok ko yung dalawa sa mga kwarto nila. Pero hindi nila ako pinagbuksan ng pinto.

"Oh, ano ba? Natutulog pa ako eh." reklamo ni Vian na tulog-mantika kung natutulog.

"Oo na! Babangon na! Natutulog pa kasi ako eh!" isa pa itong Vale na 'to.

"Babangon kayo o sapak ang aabutin ninyo? Mamili lang kayo sa dalawa." pananakot ko.

"Oo na nga sabi eh! Ano ba?! Papalabas na nga ako eh." reklamo ni Vale.

"Wait lang! Magbibihis pa ako!" rinig kong nagmamadali ng kumilos si Vian.

Wait...

Nakaisip ako ng kalokohan. HAHAHAHAHA! Mukhang masaya 'to.

"Pagbilang ko ng tatlo dapat nakalabas na kayo." sabi ko.

"Ano?!?/Huh?!?" sabay nilang sigaw.

"Isa..." pag-uumpisa kong magbilang.

"Dalawa..." sunod kong sabi.

"Tat--"

"Ito na, nakalabas na./Tapos na ako." sabay nilang sabi sabay labas ng mga kwarto nila.

"Ba't ka ba nagmamadali d'yan?" takang tanong ni Vale.

"Oo nga. Ang aga-aga nanggigising ka." reklamo naman ni Vian.

"Aba! Gusto niyo bang magpaiwan sa mga events dito? Tss. Kung ang pagtulog lang pala ang gagawin niyo dito, umuwi na lang sana kayo." sabi ko sa kanila.

"Luh, ikaw naman. Siraulo ka ba? Ako? Magpapaiwan? Tsk! Ayaw ko ngang umuwi nang walang na-eexperience na kung ano man dito." saad ni Vian.

"Tsaka gusto kong makatikim pa ng mga foods dito na sa atin ay wala. Tulad ngayon, gutom pa ako." hala! Mukhang tataba dito ng husto si Vale ah.

"Hindi ka pa pala nabusog, eh di kumain ka na sa labas mag-isa mo." sarkastiko kong sabi.

"Wala akong kasamang pupunta? Ikaw, Vian? Sasama ka ba sa akin?" tanong niya kay Vian.

Umiling ito.

"Ikaw na lang kasi ang pumunta tutal ikaw lang naman ang nagugutom." utos ko.

"Oh sige na nga lang. Ang tatamad ninyo.

"Tss. Umalis ka na lang. Di ba gutom ka?" sumbat ko.

"Oo na, ito na." tugon niya at umalis na ng tuluyan.

Pinasadahan namin siya ng tingin si Vale.

Bigla siyang huminto at...

Inirapan ba naman kami? Napapaisip tuloy ako kung lalake ba talaga siya o naba-bakla na. Haysst...

Tumuloy na siya ng paglalakad habang ikinikembot ang puwet na siyang ikinatawa namin ng kasama ko.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon