19th

90 14 2
                                    

***

Vince's POV

•••

Nagluluto ako ng longganisa nang biglang tumunog ang phone ko na nasa bulsa ko.

Tiningnan ko ito.

Si Ate pala kaya sinagot ko na yung tawag kaagad.

"Hello, Ate? Bakit po?" magalang kong panimula.

["Nasaan na kayo? Nandito na ako."]

Ay! Oo nga pala! Ngayon ko nga pala ipapakilala si Nixie kay Ate. Sayang, hindi miya makikilala kasi nagkakasakit itong si Nixie.

"Sorry, Ate. Nagkakasakit kasi yung ipapakilala ko sana sayo." paghingi ko ng paumanhin.

["Ahh~... Eh nasaan ka ngayon? Wala naman pa lang magaganap na meet up."]

"Ate... nasa bahay po ako ng kaibigan ko. Kailangan niya ako ngayon." sagot ko sa Ate ko.

["Ahh~... sige, mag-iingat ka d'yan ah. Umuwi ka ng maaga."]

"Ate, baka hindi na ako umuwi sa bahay. Mag-i-stay ako dito sa bahay ng kaibigan ko. Pwedeng huwag mo ng banggitin ito kina Mommy?"

["Eh paano kapag hanapin ka nila sa akin? Anong sasabihin ko?"]

"Ate naman, ngayon lang 'to. 'Gawan mo na lang ng paraan. Baka hindi na nga ako mabanggit o maalala nila Mommy dahil sa sobrang busy sila sa trabaho nila."

["Pero, Vince..."]

"Ate, may ginagawa pa ako. Mamaya na lang siguro tayo mag-usap through video call. Bye." putol ko sa sasabihin niya saka pinatay ang tawag.

Itinuloy ko na ang pagluluto. Buti na lang at hindi nasunog yung longganisang piniprito ko. Nakakakaba kayang pagsilbihan ang taong kasama kong bubuo ng sariling pamilya.

Baka ma-disappoint siya sa niluluto ko at baka hindi na ako sagutin. Kaya ingat na ingat ang bawat galaw ko.

Nang matapos akong magluto, pumunta na akong kwarto ni Nixie para gisingin siya at pakainin ng mga niluto ko.

Well, hindi lang naman longganisa ang niluto ko kanina. May itlog at may hotdog din. May chopsuey din naman para hindi panay karne ang kainin niya. May kasama na ring gamot ang dala kong tray. May isang baso ng tubig rin para kung sakaling mabulunan siya nang dahil sa sarap ng pagkain, eh may iinumin siyang tubig.

Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto niya, kumatok ako ng tatlong beses at tinawag ang pangalan niya. Chine-check ko lang kung gising na siya o hindi pa.

Hindi siya sumasagot kaya pumasok na ako. Nakita ko siyang nakahilata pa at tulog na tulog.

Sinubukan ko siyang gisingin pero ayaw pa rin magising. Kaya ang ginawa ko ay...

Hinalikan ko ang mga labi niya at sinabing "Baby, Niks? Gising na. Oras na para makainom ka na ng gamot mo." bulong ko sa kanya saka hinaplos ang buhok.

Medyo lumayo ako ng kaunti nang maramdaman kong gumagalaw na siya. Nag-inat siya at binuksan ang mga mata. Kinusot ang mga ito sabay sabing...

"Nand'yan ka na pala."

WTF?!? Gumana yung galawan kong 'yon! Sa susunod nga, ganoon ko na lang siya gisingin. KAPAG, naging totoong kami.

Baka hindi na nga maulit ito na mangyari.
Baka last na yung kiss na 'yon. Kasi malaki ang posibilidad na hindi ako sagutin ng taong mahal ko.

Sana lang, hindi ako dumating sa point na susuko na lang bigla. Sana hindi dumating sa point na magsasawa na akong manligaw. Oo, mahal ko siya pero hindi ko naman maitatanggi na pwede ring mapagod na lang ako ng hindi ko namamalayan.

Kaya hanggang may nakikita pa akong pag-asa sa mga mata ni Nixie, ipagpapatuloy ko ang panliligaw ko sa kanya.

Umupo siya at humarap sa akin. "Ano 'yan? Ang bango naman."

Umupo ako sa isang edge ng kama niya at inilapag sa mini table niya sa kwarto niya ang tray. Malapit lang kasi sa kama niya ang mini table.

"Umagahan mo 'yan. Alam ko kasing gatas at isang piraso lang ng cheese bread ang kinain mo kanina kaya naisipan kong magluto para sayo." sabi ko saka siya nginitian.

Mukhang wala naman siyang natatandaan sa ginawa ko kanina. Ayos! Nakaisa ako doon ah!

"Wow! Longganisa, hotdog 'to di ba?" nagulat ako sa naging reaksyon niya.

"Oo. Bakit?"

"Favorite ko kasi ito lalo na sana kung may ketchup." kaya pala abot hanggang tenga ang naging ngiti nito.

Tiningnan ko ang plato. Totoong nakalimutan ko ngang lagyan ng ketchup. Nang dahil siguro sa excitement na ipakain kay Nixie ang niluto ko, nakalimutan ko na ang sawsawan. Pssh!

"Ay! Sorry, Nixie. Nakalimutan ko pa lang lagyan ng ketchup. Kung gusto mo, bababa muna ako para kuhanan kita." tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kaliwang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Huwag na. Okay na ako sa ganito. Laking pasasalamat ko nga at nandito ka. Thank you, Vince. Sa susunod, ako naman ang babawi sayo." sabi niya saka ako nginitian.

Nginitian ko siya. Umupo ako sa kinauupuan ko kanina. "Hindi mo naman kailangang bumawi sa lahat ng mga ginagawa ko ngayon para sayo. Sa totoo nga niyan, masaya na ako kasi nakasama kita ng isang araw kahit na may sakit ka. Tsaka masaya rin ako na pagsilbihan ang taong nagbibigay ng saya sa akin araw-araw." sabi ko saka yumuko.

"Bakit ganyan ang trato mo sa akin? Bakit parang sobrang espesyal ko para sayo? Bakit mo ako minahal? Samantalang ako, palagi kitang nasasaktan." hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magiging masaya sa mga sasabihin ko.

"Kasi nga... mahal na mahal kita. Sobrang espesyal mo sa akin kasi ikaw ang nagpabago sa akin." sagot ko.

"Eh ano namang nagbago sayo? Ugali? Tss! Asa ka." sabi niya saka ngumisi at sumubo ng pagkain.

"Nagbago ang paniniwala ko na ang love ay isang kasinungalingan lang. Sayo ko lang naman naramdaman ito eh. Noong una, nagtaka pa ako kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Pero noong nagtagal na, naintindihan ko na kung anong gustong ipahiwatig ng nararamdaman ko ngayon para sayo." seryoso akong nagpapaliwanag sa kanya habang nakayuko.

Nakita ko siya na nakatitig lang sa akin kaya binanggit ko ang pangalan niya para bumalik siya sa kanyang katinuan. Alam kong naguguwapuhan na siya sa akin ngayon. Baka mamaya, umamin na rin siya nang dahil sa mga sinabi ko sa kanya.

"Nixie? Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon