23rd

72 14 3
                                    

***

Nixie's POV

•••

Nang dahil sa pagpapahalaga at pag-aalaga ni Vince, kaagad akong gumaling. Hindi ko alam kung anong magic ang meron siya at kaagad akong gumaling ng gano'n kabilis.

Maaga akong pumasok ng school. Hindi na muna sumabay sa akin yung dalawa. May kailangan pa daw silang gawin. Mamaya na lang daw sila sasabay sa akin. Mamayang recess, lunch at uwian ng hapon.

Mahinhin akong naglalakad sa hallway nang biglang may bumangga sa left shoulder ko. Paglingon ko, nakita ko ang pagmumukha ng ex ni Vince na nakangisi, si Kishie.

"Oh! Sorry, poor little girl. Ang akala ko kasi, hangin lang, tao pala." sabi niya at nagsitawanan sila ng mga kasama niyang tatlong babae.

Aba! Nagkaroon na kaagad ng mga alagad ang bruhang 'to ah. Isang araw lang akong nawala, ganito na agad ang trato ng iba sa akin. Baka nakakalimutan nilang kaya ko silang patalsikin dito sa school na 'to.

Kahit ang school na ito, kaya kong bilhin gamit lang ang sariling pera ko. So, bakit hindi ko ginawa? Dahil ayaw kong ipagmayabang ang kung anong meron ako. Tsaka aanhin ko naman ang buong school na 'to kung ako lang ang mag-aaral dito? Tss.

"Tsk! Ang yabang mo ah! Hoy! Kayong tatlong babae kayo, baka gusto niyong hindi maka-graduate dito?" sabi ko habang dinuduro ang mga nagmamayabang ngayong tatlong estudyanteng babae.

"Don't worry, girls. Ako ang bahala sa inyo. Well, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang Daddy ko na ang teacher natin ngayon sa Oral Communication. Kaya isang maling tapak lang o galaw ng babaeng nasa harapan natin, sisiguraduhin kong hindi siya makaka-graduate ng Senior High School." pagmamayabang niya sa harapan ko.

Nginisian ko rin siya. "Okay, gawin mo lahat ng makakaya mo para mapabagsak ako ah. Galingan mo." hindi pa rin nawawala ang ngisi ko nang talikuran ko sila at nagsimula ng maglakad papunta sa Principal's Office.

Kailangan kong malaman kung anong mga nangyari noong wala ako. Parang nagbago kasi halos lahat ng mga bagay-bagay sa paligid ko. Pansin ko rin na hindi na ako binabati ng ilang mga estudyanteng nakakasalubong ko. Feeling ko nga parang hangin na lang ako sa paningin nila.

Pagkarating ko sa Principal's Office, kumatok ako sa pintuan ng dalawang beses. Pinayagan naman akong pumasok.

"Hello, Ms. Delos Reyes. How may I help you?" sabi niya sabay upo sa black swivel chair niya.

"Ahmm... may gusto lang akong malaman..."

"At ano naman 'yon?"

"May mga napansin kasi akong kakaiba dito sa school. May nangyari ba na hindi ko alam kahapon?"

Umayos siya ng upo. "Ahmm... tatapatin na kita, Ms. Delos Reyes ah. May nangyari kasing re-election of SSG Officers sa school natin kahapon..." panimula niya at biglang napahinto.

"Oh tapos?" nagtatakang tanong ko.

"Nagtanggal kami ng officers at isa ka na doon, Ms. Delos Reyes. Kaya, I'm really, really sorry kung hindi namin kaagad nasabi sayo." dugtong ng kausap ko.

Biglang uminit ang dugo ko. "What?!? Seriously?!? Gumawa kayo ng aksyon ng hindi man lang ako kinukunsulta?!? Tss. I am the one and only President of SSG Officers for how many years! Tapos malalaman ko na lang kaagad na wala na ako sa pwesto ko?!? And who the hell took my position?!?" galit kong tanong rito.

"S-si Ms. ....si Ms. Kishie po." halatang natatakot na sa akin itong kausap ko kaya pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"That brat... Thanks, Principal. I'm sorry po kung nabulyawan ko kayo. Nadala lang po kasi ako sa emosyon ko." sabi ko sa kanya saka nakipagkamay at umalis na ng Principal's Office.

Kaya pala ang lakas na ng loob niyang labanan na ngayon ako dahil may hawak na siyang pwesto dito sa school. Well, tignan natin kung hanggang saan aabot ang pagmamayabang niya dito.

Dumiretso na ako sa classroom namin para hintayin si Vince--ah este.. sina Thea. Oo, sila Thea nga. Ano ba yan?! Bakit si Vince yung unang pumasok sa isipan ko? Hindi ko naman inasahang pangalan niya yung mababanggit ko. Pesteng bibig 'to.

Napabuntong hiniga na lamang ako habang nakapangalumbaba sa desk ng arm chair ko na nasa tapat ng bintana.

Habang nagmamasid sa labas, may naaninag ako sa di kalayuan. Kilalang kilala ko sung sino ang paparating. Mukhang napaaga rin yata ng dating.

"Hi, Nixie!" bati niya sa akin saka kumaway.

Kinawayan ko siya pabalik. "Hi!" bati ko sa kanya.

Si Vince lang naman ang kadarating lang na tinutukoy ko. Mukhang energetic at parang inspired na pumasok ngayon 'tong mokong na 'to ah.

Pagpasok niya ng classrom, tumabi kaagad siya sa akin at ibinaba ang bag saka hinawakan ang kamay ko.

"Nixie ko, tara sa tambayan natin." aya niya saka ako hinila palabas ng classroom. Hindi na ako umangal pa kasi kailangan ko rin ng lugar kung saan makakapagisip-isip ako.

Nang makarating na kami doon, kaagad akong umupo sa bench na may kahabaan sa ilalim ng mas malaking puno kaysa sa punong pinagtambayan namin dati.

Nagulat ako nang biglang humiga si Vince sa lap ko at pumikit.

"Huy! Bumangon ka nga d'yan. Baka may makakita sa atin dito." saway ko sa kanya.

"Shhh..." sabi niya saka itinapat ang hintuturo sa bibig na parang sinasabi niyang huwag daw akong maingay.

Pilit ko pa rin siyang pinapaalis sa lap ko pero kapag ginagawa ko 'yon, mas lalo lang siyang nagmamatigas.

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Napakakulit kasi ng mokong na 'to. Ang hirap sawayin. Parang bata sa ubod ng kulit.

Nabalot kami ng katahimikan. Parang wala sa amin ang may balak na magsalita. Hanggang sa hindi na siguro matimpi nitong kasama ko ang nakakabinging katahimikan kaya nagsalita na siya.

"Anong iniisip mo, Nixie?" tanong niya.

Tumitig ako sa mga mata niya. "Yung tungkol sa pagkawala ng pwesto ko bilang President ng SSG. Yung hayop kasing ex mo inagaw yung trono ko habang ako eh nasa bahay at nagpapagaling." sagot ko saka tumingin sa malayo.

Umupo siya ng matuwid mula sa pagkakahiga sa lap ko at tinitigan ako. Pansin ko 'yon kasi nakikita ko ang mga ikinikilos niya.

Salamat naman kung uupo na lang siya. Kasi nangawit na rin ang mga legs ko sa pagkakahiga niya.

"Kung gusto mo, tulungan kitang maibalik yung kinuha niya sayo. Ano? Tara?" suggest niya pero umiling ako.

"Huwag na. Hayaan na natin siya. Pero huwag na huwag niya lang akong susubukang kalabanin kung hindi, maililibing siya ng buhay." naiinis kong sabi.

"Makukulong ka naman." halata sa reaksyon niya na ayaw niyang mangyari ang sinabi niya sa akin.

"Eh kasalanan naman niya. Tsaka kapag nakulong ako, madali lang akong makakalabas." baka hindi niya pa alam na Tito ko ang isang ingliserong bodyguard dito at ninong ko ang General of Police Officers dito.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon