14th

85 14 3
                                    

***

Vince's POV

•••

Ilang sandali pa ang nakakalipas, dumating na ang teacher naming babae at may kasama siyang isang babaeng matangkad.

Umupo na ako sa tabi ni Nixie. Nagpaalam naman na ako sa adviser namin. Pumayag ito. Walang katabi si Nixie ngayon kasi lumipat ng upuan yung dalawa niyang kaibigan.

"Nixie?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "Hmm?"

"Sino siya?" tanong ko ulit.

"Huwag mo ng tanungin sa akin. Magpapakilala rin naman siya." walang emosyong sagot nito.

"Ok." tipid kong tugon.

"Ok class, listen to me. May bago kayong magiging kaklase ngayon. Siya si Kishie Alonzo. She's from Leonardo University." kuha ng teacher namin sa atensyon naming lahat.

Tumingin siya sa katabi niyang estudyante. "Ahm.. ija. Mamili ka na lang kung saan ka uupo ah." saad nito.

"Opo." sagot ng babae. Tumingin siya sa amin sa likuran kaya nakita ko ang buo niyang mukha.

Laking gulat ko nang maalala ko kung sino siya. Agad akong tumayo sa kinauupuan at nagsalita.

"Kishie?!?" gulat kong tawag sa pangalan niya.

"Vince?!? Is that you?" nanliliit ang mga mata niyang napatingin sa akin.

"Yes! And how dare you to transfer here in our school?!" medyo napalakas ang boses ko.

Ngumisi ito. "Well, I'm here because I want to learn more lessons."

"Tsk! Don't make me fool, Shie. I know you from top to toe."

"Vince, can you please stop. I'm here in our school to learn about any things and not to start an argument with you."

"Tss. Liar."

Hindi pa din mawala sa isipan ko ang ginawa ng babaeng 'to sa akin three years ago na ang nakalilipas.

Kishie is my ex-girlfriend. She's my first love after all. But at the same time, she's the first girl who broke my heart into a pieces. She's also a lier.

Because of her, I started hating girls. Not until my fake girlfriend came into my life. Lahat nagbago noong dumating si Nixie sa buhay ko.

Napatingin ako sa katabi ko nang bigla niyang hawakan ang braso ko at sumenyas na umupo na ako.

Sinunod ko ang siya. Nag-sorry ako sa teacher nang dahil sa inasal ko kanina. Alam kong nabastos namin siya. Eh kasalanan naman 'yon ni Kishie ah.

"Just try to calm yourself, Vince. This is not the perfect time to start a fight against her." sabi ng katabi ko nang hindi man lang ako tinignan.

Galit ba siya sa akin kasi hindi ko sinabi sa kanya na nagkaroon ako ng ex-girlfriend noon? Sana naman hindi.

"I want to seat beside Mr. Valdedara, Ma'am Terrise." biglang sabi ni Kishie kaya napatingin ako sa kanya ng masama.

"No/No." sabay na sigaw ni Daphnie at Thea saka pumunta sa tabi ko. Sakto lang naman sa kanila. Limahan naman ang upuan dito sa likuran.

Ganito ang pwesto namin:

Nixie | Ako | Daphnie | Thea | Kishie

Hay... buti na lang at meron itong dalawa. Kung wala sila, paktay na!

Now I know the main reason why she transferred here. It is because she want to push me again to marry her. She find me to ruin my life again. And that's my problem now.

She cheated on me when I was in Grade 9 in Leonardo University. Pinagpalit niya ako sa mas pangit sa akin nang dahil lang sa maimpluwensiya ang lalakeng naka-isa sa kanya noong gabing magse-celebrate sana kami ng 19th Monthsary namin na nauwi sa hiwalayan.

So after what happened between us, I decided to transfer in this school. Sa inaakala kong hindi na niya ako muling masusundan pa. Pero nagkamali ako. Nasundan niya pa din ako kahit na lumayo na ako.

Alam kong nagsinungaling ako kila Thea na ang sabi kong dahilan ay pinilit ako ng mga magulang kong pag-aralin sa school na ito kahit na ang totoo ay ako lang naman ang may gusto. Ganoon din ang sinabi kong dahilan sa mga kaibigan ko.

Hindi nila kilala si Kishie. Ako lang ang nakakakilala ng buo sa kanya.

Nilingon ko ang katabi ko habang nagdi-discuss ang teacher namin sa harapan. Hindi niya kasi ako gaanong pinapansin. Kaya itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa teacher namin.

Sa tingin ko, galit talaga siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ng nang may ma-realize ako kaya nagkakaganito sa akin si Nixie. Ngayon alam ko na kung bakit. Hindi dahil sa nangyari ngayon eh.

YUNG HINALIKAN KO SIYA SA PISNGI KAGABI!

Isang katangahan ang nagawa ko kagabi sa kanya. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makabawi man lang dahil sa nagawa ko. Argh! Kainis naman!

⭐⭐⭐

Nixie's POV

•••

Maagang natapos ang klase dahil may gagawin pa daw ang teacher namin. Ang sabihin niya, makikipag-date lang siya sa nobyo niyang teacher din. May jowa kasi ang teacher naming 'yon.

Sana all. Char!

Lumabas na ako ng classroom dala ang mga gamit ko papuntang locker room nang biglang humarang sa dinaraanan ko kaya napahinto ako at napatingin sa mukha niya.

"Pwede ba akong makisabay, Miss?" tanong nito.

May katangkaran siya. Maputi, maganda ang pangangatawan at may itsura ang lalakeng nakabungguan ko.

"Hindi." singit ng isang pamilyar na boses at naramdaman ko ang mga bisig niyang pumulupot sa beywang ko. Hindi ako makagalaw sa mga panahong iyon.

"May kasabay siya, at ako 'yon." sabi niya sa lalakeng kaharap ko.

Walang nagawa yung lalake kaya umalis na lamang ito at iniwan kami ng lalakeng katabi ko ngayon.

Hinarap ko siya at kumalas sa pagkakahawak niya sa beywang ko. "Bakit mo ginawa 'yon?" bungad natanong ko at humalukipkip.

"Gusto lang kitang protektahan sa mga nagtatangkang manakit sayo. Masama ba yung ginawa ko?" tugon niya.

Concern siya? 'Yon lang ba ang dahilan niya o may motibo na siyang iba?

"Concern ka ba talaga sa akin dahil sa pinoprotektahan mo lang ako o may iba ka ng dahilan?" diretso kong tanong.

He chuckled. "Ano bang pinagsasasabi mo, Nixie? Kanina ka pa nagkakaganyan e. Hindi ko lubos maunawaan kung ano nga ba ang gusto mong palabasin."

"Tss. Just answer my question, Vince."

"Tsk. Gusto mo ba talagang malaman yung totoo?"

"Oo naman."

"Because you're my girlfriend!" agad niyang sagot at nilakasan ang pagkakabanggit niya ng girlfriend.

Nilingon kami ng mga estudyante sa paligid namin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

Huminga siya ng malalim at niyakap ako. "I'm sorry, Nixie." bulong niya sa akin at hinila na ako paalis sa lugar na 'yon.

Saan naman kaya ako dadalhin ng mokong na 'to? Ang akala niya siguro nakalimutan ko na yung ginawa niya kagabi sa akin. Nakatatak pa rin kaya sa isip ko 'yon. Hindi nga maalis e.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon