***
Nandito kami ngayon sa living room ng isa kong kaibigan. Nakapatong ang ulo ko sa may tuhod ko habang yakap-yakap ang mga paa ko. Nang biglang pumasok sa eksena ang isa ko pang kaibigan.
"Anong meron at bakit kayo nakasimangot d'yan?" tanong ng isa sa mga kaibigan ko.
Siya si Daphnie Macaraeg. Ayaw niya yung tipo ng taong pakialamera. Yung tipong nangingialam sa usapan kahit na hindi naman kausap.
Maganda si Daphnie. May kasingkitan ang mga mata. May matangos na ilong, may magandang mga labi, at may kabhabaan ang buhok na umaabot sa kanyang bewang. Wavy ang buhok niya. Hindi siya katangkaran, sakto lang. May maputing balat at magagandang ngipin. Medyo makapal ang kanyang kilay.
"Wala bang pwedeng mapuntahan ngayon? Yung tahimik, yung tayong tatlo lang?" tanong ko sa kanila.
"Baliw ka ba? Magiging masaya ba yung araw na'tin doon kung tayong tatlo lang? Ha! Baka wala pang isang araw, mag balak na kayong umuwi. Tsk!" Porque matalino, nagmamagaling ang bruha!
Charot!
May point naman itong isa ko pang kaibigan. Hindi nga magiging masaya kung hindi kami marami. Tama naman kasi.
Siya naman si Thea Angelica Alejo. Mabait pero may pagka-mataray ang bruha. Matalino, mayaman, may sariling condo at may sarili ng banko sa edad na seventeen years old. Well, okay na rin naman na kasi mage-eighteen na rin naman na siya this year. Isa siyang laki sa probinsya kaya mas mahal niya ang manirahan sa lugar na may preskong hangin kaysa manirahan dito sa Maynila.
"Ang alam ko lang na may tahimik na lugar ay sa—"
"Sa probinsiya ninyo?" sabay naming putol ni Daphnie sa sinasabi ni Thea saka humalukipkip at umayos ng upo.
"Hahahahaha! Sabi ko na nga ba't alam niyo na yung sasabihin ko eh," ani 'to.
"Eh, ikaw pa. Wala ka naman yatang ibang lugar na i-sinuggest kun'di 'yang probinsiya niyo," reklamo nitong si Dap-dap.
"Joke lang naman. Ahm... may alam akong lugar na kahit tayong tatlo lang ang pumunta, magiging solve na yung biyahe natin." ani Thea.
"At saan naman 'yon?" tanong ko.
"Sa beach ng Daddy ko? Or kung ayaw niyo doon, sa langit na lang kayo pumunta. Kahit huwag niyo na akong isama. HAHAHAHA!" bwisit ka talaga, Thea! Nanggigigil ako sa mukha mo!
"Nakalimutan mo na ba'ng marami na tayong naapi noon? Kaya mananatili kami dito kasi makasalanan kami. Tsaka huwag ka ngang mag malinis. Baka mas malinis pa kaluluwa ko sayo. Tss!" ayan na si Daphnie. World War III na ba 'to?
"Eh 'di ikaw ng malinis. Nakakahiya naman sayo." lumalabas na ang mga sungay nitong dalawa kong kaibigan. Halina't ating pakinggan. Joke!
"Hey! Tumahimik na nga kayong dalawa d'yan!" saway ko.
"Wow naman ha? Ginawa mo kaming aso na pinapalayas mo." hay naku... napunta sa akin yung inis ng bruhang Thea.
Huminga ako ng malalim at muling nagsalita. "Fine, sorry. Pero sana naman, gusto kong matulungan niyo akong makahanap ng lugar na pwedeng tayo lang. Hindi yung mag-aaway kayo sa harapan ko na animoy mga bata." sermon ko sa kanila.
Natahimik sila na para bang wala na namang katapusan ang katahimikan na lumulukob sa amin ngayon. Buti na lang at may umagaw ng atensiyon naming lahat.
Isang ingay ang narinig namin mula sa labas ng gate. Mukhang dumating na yung i-norder ko mula sa Gaspen Food Delivery.
Exited akong lumabas ng bahay ng bestfriend ko para kunin ang i-norder ko kani-kanina lang. Sinabi ko kasing dito na lang sa bahay ng bestfriend ko i-deliver yung i-norder ko.
Nang makuha ko na yung pina-deliver ko, pumasok na ako sa loob para i-sanitize itong dala ko. Nagulat sila Thea nang makita nila kung ano yung ipina-deliver ko.
"Pagkain na naman?" bungad na tanong ni Dap.
"Hindi ka pa ba busog?" tanong naman nitong si Thea.
I sighed. "Hindi pa. Hindi pa ba obvious?" hay nako.. Hindi na naman nila pinapairal ang common sense nila.
Ibinalik ko ang atensiyon ko sa pagkaing naka plastik pa hanggang ngayon.
"Bakit ba ang sungit, sungit mo? Dinadatnan ka ba ngayon?" tanong uli ni Dap kaya nabaling ang tingin ko sa kanya.
Gutom na ako. Huhuhuhu~... Gusto ko ng kumain. Pero yan tanong pa rin sila ng tanong! Nakakainis na ah!
"Oo, bakit? May problema ba tayo doon? Gusto mong isupalpal ko sayo itong napkin ko? Ang dami mong tanong. Gutom pa ako. Kaya huwag mo akong simulan." mataray kong sagot.
"Tama na nga 'yan! Ang mabuti pa, umorder na rin tayo, Dap. Kung naiinggit ka, anong silbi ng pera mo? Eh di bumili ka. Tsk!" singit ni Thea.
"Hindi ako gutom! Kayo na lang kumain! Bwisit kayo! Ang aga-aga pinapa-iyak niyo ako!" sigaw niya sabay padabog na umakyat papuntang kwarto niya.
Luh. May pagka-isip bata talaga ang bruha. Talagang ganyan 'yan. Minsan, tinutopak. Kadalasan, tinutoyo. Parang kaming dalawa lang ni Thea. Oo, magkakapareho kami ng timplada ng ugali.
"Hayaan na nga natin 'yang si Daphnie. Lilipas din yung galit niyan. Hindi rin tayo matitiis niyan." natatawang saad nitong si Thea na nagtitipa sa kanyang phone.
"Parang tayo naman hindi ganyan kung umasta. Excuse me? Pare-pareho kaya tayo ng ugali. Kaya lang, mas masungit at mas mataray ako sa inyo." natatawa kong tugon saka sabay na nagtawanan kaming dalawa.
Hinintay kong dumating yung i-norder ni Thea bago ko kinain yung i-norder ko. Saglitan lang naman yung paghihintay. Hindi naman lumamig yung pagkain ko.
Sabay kaming kumain at sabay rin naming naubos yung pagkain namin. Well, spaghetti, burger at isang slice ng cake ang i-norder nitong kasama ko. Favorite namin ang spaghetti eh. Oo, kaming dalawa lang. Si Dap-Dap kasi, ang paborito niya ay palabok. Eh ayaw namin 'yon.
Pansin kong nagtataka kayo kung karamihan sa amin ni Thea eh magkapareho. Gano'n talaga kami. Maraming mga bagay na magkapareho kami. Sa mga paborito namin at sa mga ayaw namin, halos karamihan parehas kami. Pero, hindi ko naman siya kaano-ano. Bestfriend ko lang siya. Siguro nagkataon lang na talagang halos lahat sa amin eh magkapareho.
Teka, mukhang masyado na kayong nag-eenjoy na nagbabasa. Hindi niyo pa nga ako kilala eh. Wait, magpapakilala muna ako.
I'm Nixie Monica Delos Reyes. I'm the only daughter of the owner of Delos Reyes Group of Companies (DRGC). Kung tititigan niyo ako ng mabuti, ako ay may makinis na balat, maputi, siyempre matalino rin ako, mayaman, may sariling motor at kotse, naka iPhone 12 Pro Max at may sariling pera ako galing sa pinapalago kong negosyo ko na milk tea shop. Nasa akin na lahat. 'Yon nga lang, hindi biniyayaan ng tangkad.
Sana mag-enjoy kayo dito sa story. Huwag kayong magbabasa ng iba ha? D'yan lang kayo. Ok?
BINABASA MO ANG
LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]
Novela Juvenil[UNEDITED] BESTFRIENDS SERIES #1 Mananatili na lang ba'ng nagtatago ng nararamdaman kung pwede naman kasing isigaw na lang? Highest rank: #18 - vale (July 21, 2021) #71 - taglish (September 10, 2021) #382 - highschool (October 13, 2021) #635 - short...