Chapter 10

11 1 0
                                    

Eduard Marquez

 

Agad akong napatayo nang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Angel. Hindi totoong bumalik ako sa kuwarto ko. I just waited for her doctor to come out and ask for her condition. Kahit ako man ay naguguluhan sa sarili ko kung bakit bigla-bigla ay may umusbong na pag-aalala sa systema ko nang masaksihan ko ang dinanas niyang sakit kaninang madaling araw.

“Doc,” I greeted him immediately when he came out of Angel’s room. Tinanguan ko naman si Liza.

“You need anything?”

I looked at him straight in his eyes. “Doc, I just wanted to ask about Angel.”

He looked at Liza and gave her the records he’s holding. “Liza, mauna ka na muna.”

“Yes, Doc.”

Nang makaalis na si Liza ay naglakad-lakad siya. Sumunod lang ako.

“You know it’s very confidential,” I heard him say after a few minutes.

I nodded. “Yes, I know. But I really want to know. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa sakit niya.”

“Why? Why would you want to know?”

I sighed. Hindi rin talaga ako sigurado sa dahilan ko kung bakit gusto kong malaman. Kung bakit nagkakaroon ako ng pakialam kay Angel ngayon. Hindi ko alam. Basta, gusto kong malaman ang tungkol sa kanya.

“I admit I care for her. Nang makita ko siya kanina na namimilipit sa sakit, I realized that I care for her.”

“What do you want to know about Angel?” he asked after a few seconds.

I inhaled deeply. “Angel has brain cancer. Stage four. How delicate is that, Doc? Alam kong malubha na iyon. But I want to know if there’s still a chance for her.”

He sighed. He looked at me worriedly. “To tell you honestly, araw na lang ang binibilang kay Angel ngayon. Her medicines aren’t working anymore. It resulted for the cancer cells to spread to all parts of her body.”

“How long is she…” I trailed off.

Nag-aalangan siyang tumingin sa ‘kin. “Thirty days… at most.”

I gasped. Thirty days? Ganoon kabilis? “Doc, kung magke-chemo siya…?”

“The chances are very low. And besides, it is very too late to do the chemotherapy.”

“Pero, Doc, at least may chance pa rin na gagaling siya kahit maliit lang 'yun.”

He shook his head. “’Yun ay kung papayag siyang magpa-chemo. Ilang beses na namin siyang kinumbising ituloy ang chemotherapy niya. Pero matigas ang ulo ng batang iyon. We are still convincing her. Pero matigas din ang pagtanggi niya.”

I don’t know what got into me but I looked at him determinedly and declared, “Kukumbinsihin ko siya.”

He patted my shoulder and smiled a bit. “Good luck then.”

--

Angel

 

I looked at myself in the mirror and smiled appreciatively.

            They insisted that I should wear the bonnet they gave me because according to them it looks good on me. Pero nung una, ayoko. Naisip ko kasi na magmumukha akong may sakit kapag sinuot ko ‘yon. May sakit na nga ako, eh, ipapangalandakan ko pa.

But when I saw myself wearing it at the mirror, I was pacified. Bagay naman pala talaga sa akin. Nagmukha pa akong bata ng ilang taon.

“Oh? Di ba, bagay sa ‘yo, ate?” said Margaux and I nodded at her smiling.

“Are you ready?” Mama asked beside me.

“No, ‘ma. I’m excited!”

Ngayong gabi na ako idinischarge ng mga doctor ko. Dapat nga ay kaninang umaga pa. Pero nagpumilit sila Mama na ngayong gabi na lang daw. Excited na akong umuwi!

“Kami rin, ate, excited nang makasama ka sa bahay ulit,” sabi naman ni Alexis at inalalayan akong tumayo sa hospital bed ko at pinaupo sa wheelchair.

Ah, hindi ko na pala ito hospital bed ngayon since aalis na ako. Napatingin-tingin ako sa paligid. This room will no longer be my room. And I won’t miss it for sure. Lahat ng sakit na naranasan ko, nasaksihan ng kuwartong ito. Kaya hinding-hindi ko mamimiss ang kuwartong ito. But the people I met here, surely, I will miss them.

“Teka, why do I need to ride this wheelchair? Hindi naman ako lumpo, ah?”

“Ate, ‘wag nang makulit, okay? Protocol ng ospital ito,” Alexis said. I just frowned.

“Let’s go?” untag ni Mama sa ‘kin at ngumiti.

I nodded. Pagkalabas namin ng kuwarto ay napatingin ako sa kuwartong katabi ng dati kong kuwarto. Sa kuwarto ni Eduard. Nasaan kaya siya ngayon? Nasa loob kaya siya ng kuwarto niya? Ano kayang ginagawa niya? Hindi man lang ba niya ako—Haay… Ano ba ‘tong mga iniisip ko? Ano nga naman sa kanya kung aalis na ako? Baka nga masaya pa siya ngayon dahil wala ng asungot sa buhay niya. Ito na siguro ang way niya ng paghihiganti sa ‘kin. Ang guluhin ang systema ko.

Hindi naman kasi ako ganito dati. Tahimik lang ang buhay ko. Tahimik at tanging ang sakit ko lang ang iniintindi ko. Pero simula kahapon, nang magkadikit kami at parang may kuryente o kuryente nga ba ‘yun na dumaloy sa buong katawan ko, pati ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko tuwing naririnig ko ang pangalan niya, nakikita ko siya at bigla-biglang sumasagi siya sa isip ko ay iniintindi ko na.

Ano na nga bang nangyayari sa ‘kin? Bakit nga rin ba bigla-bigla ko na lang siyang naiisip? Bakit ko ba siya iniisip> Sino ba siya sa buhay ko?

I shook my head vigorously. Epekto ba ‘to ng mga gamot na iniinom ko at kung anu-anong agiw na ang pumasok sa utak ko? Nakakainis ka, Eduard Marquez!

Nagsimulang umandar ang wheelchair nang itulak iyon ni Alexis. Napalingon na ako sa harapan at naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Why do I feel like this? Iyong pakiramdam na parang may isang tao akong iiwan at hindi ko na makikita ulit? Iyong pakiramdam na parang ayoko pang umalis? Na parang ayoko muna siyang iwan? Hindi pa naman ako mamamatay, ah? Uuwi lang ako sa amin. But why am I feeling this pain?

“Okay ka lang, ate? Bakit parang maiiyak ka?” tanong ni Margaux na kanina pa pala nakatunghay sa ‘kin.

I straightened my face and smiled at her. “Wala ‘to. Excited lang talaga akong umuwi sa atin.”

She smiled and clasped my hands with hers.

“Angel! Angel!”

Agad akong napalingon sa tumatawag ng pangalan ko para lang makita si Clark, ang nurse ni Eduard, na tumatakbo palapit sa ‘min.

“Mabuti na lang at naabutan ko kayo,” hinihingal niyang sabi. “Nakalimutan ko kasi na ngayon nga pala ang labas mo, Angel.”

I smiled at him. “Bakit, Clark? May kailangan ka?”

He showed me a piece of paper and handed it to me. “May nagpapabigay sa ‘yo.”

Kumunot ang noo ko. “Sino?”

Para namang hindi niya ako narinig because he just smiled and waved at me. “Mag-iingat kayo, Angel.”

Itinulak nang muli ni Alexis ang wheelchair. Binasa ko ang nakasulat sa papel.

See you later, Debbie? ;)

There’s only one person called me in that name. Napangiti akong bigla. I looked back at Clark and said, “Thank you, Clark.”

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon