Chapter 9

18 1 0
                                    

Angel

Tulala lang ako nang sabihin niya ang mga katagang iyon. I didn’t know what to say. It rendered me speechless.

“My wife had breast cancer.”

Paulit-ulit iyon na nagpe-play na parang sirang plaka sa utak ko. Hindi ko na nga maintindihan ang mga sumunod niyang sinabi. Para kasing tumigil ang utak ko sa pagproseso ng mga impormasyong sinasabi niya at nanatili na lang iyon doon. It’s like the information he said was too much to handle.

“Angel? Are you still listening? Am I boring you?”

Napatingin ako sa kanya at gusto ko sanang sabihin na, “You’re not boring me. You just gave me information I can’t handle well.” Instead, I just shook my head.

“But you seemed disappointed. Did I say something wrong?”

Disappointed? Am I disappointed? Of what? Bakit naman ako madi-disappoint? Ano naman ngayon kung may asawa na siya? Eh sa itsura ba naman niyang ganyan, magdududa talaga ako sa sexual preference niya kung wala siyang girlfriend o asawa.

Aminin mo na lang kasi na na-disappoint ka talaga, a voice in my head said.

Of course, I’m not disappointed. Why would I? Sino ba siya? He’s just someone whose name is Eduard Marquez. Ni hindi ko nga kilala ang buo nitong pagkatao! At higit sa lahat, hindi ba ay galit ako sa kanya?

Bakit nga ka nga ba galit sa kanya? The voice said again.

Napaisip ako bigla. Bakit nga ba? Napabuntung-hininga na lang ako.

“No. Uhm… kumusta na nga pala ang asawa mo ngayon? Magaling na ba siya?”

Biglang lumungkot ang mga mata niya. “Actually—”

“Good morning, Angel

Napalingon kaming dalawa ni Eduard sa nagbukas ng pinto. Si Liza pala at ang doctor ko.

“Hi, Liza. Hi, Doc,” I greeted.

Ngumiti lang ang doctor ko at si Liza bago tuluyang pumasok.

“Nandito ka pa rin pala, Eduard. Hindi ka talaga umalis, ha,” Liza said.

Eduard smiled. “I promised I will look after her.”

Napatingin ako sa kanya. So meaning, dito siya natulog kanina? At binantayan niya ako? Pero bakit?

Liza smiled. But I knew better. Halatang may ibang pakahulugan ang ngiti niyang iyon. Naku, Liza. Kung alam mo lang. May asawa na siya.

“Ang bait naman pala ng new nurse mo, Angel,” my doctor said. “Mukhang kapag lumabas ka na dito ay may mag-aalaga na sa ‘yo, hindi na si Liza,” he chuckled.

Ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko. Ano ba ‘to?!

Tumawa lang si Liza. Napatingin naman ako kay Eduard to know his reaction. Apparently, he seemed to be enjoying it. Nakangiti pa ang loko. Parang walang pakialam sa panunukso nila.

“Sure! I can be her nurse once she gets out,” sabi pa niya.

Pinangunutan ko siya ng noo nang lingunin niya ako. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Kasasabi lang niya kanina na may asawa na siya, ah?

“Pero sa ngayon, babalik na muna ako sa room ko. Mukhang may mahalaga kayong pag-uusapan, eh. Don’t worry, you’re future nurse will come back later,” he said winking.

Aba! Nasasanay na yata ang lalaking ito sa pagkindat-kindat sa ‘kin, ah? Atsaka akala niya ba siya lang ang may lakas ng loob na magbiro? Makikita niya.

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon