It was two years ago when I was diagnosed with brain cancer. Syempre, hindi ako naniwala. Hindi ko tinanggap ang sinabi sa ‘kin ng doctor na may taning na ang buhay ko. Na ilang taon na lang ang itatagal ko.
Bakit? Sino ba siya sa tingin niya? Diyos?! Anong karapatan niyang sabihin sa ‘kin na may sakit ako, eh ang lakas-lakas at ang sigla-sigla ko. Bulag ba siya para hindi makita iyon? Huh!
Until one day… Bigla na lang sumakit ang ulo ko na naisip kong parang mamamatay na ako sa sobrang sakit. Hindi ko naisip na… ito na pala ‘yun. Na totoo nga ang sinabi sa ‘kin ng doktor ko. Siguro dati nararamdaman ko na ang mga sintomas ng sakit ko pero hindi ko masyadong binibigyan ng pansin.
Now, I only have thirty days to live.
Paano na ang buhay ko? Paano na ang pamilya ko kapag nawala ako? Paano na SIYA? Paano ako?
Hindi ko yata kayang umalis nang ganito. Marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong malaman sa pagkatao ko. Marami pa akong gustong masaksihan na mangyayari sa buhay ko.
Pero paano na? Nang dahil sa sakit na ito, hindi ko na magagawa ang mga bagay na gusto kong gawin. And worst, may mga taong masasaktan kapag nawala na ako. Ayokong saktan sila.
Pero may magagawa ba ako?
--
A.N.
Keep this in your mind, readers; don’t expect that there would be such a miracle to happen in this story. It’s a warning for you. :)
Oo nga pala. I’m no good in medical terms or whatsoever lalo na sa kung anong ginagawa sa mga taong may sakit na katulad ng kay Angel. So if ever na may mali, kindly correct me. Hindi ako magagalit or anything basta in a good way ang pagkakasabi dahil aminado naman akong hindi ako dalubhasa pagdating sa mga medikal na termino. Yun lamang po. Salamat. :)
BINABASA MO ANG
Thirty Days of Angel
Ficción GeneralShe only has thirty days to live. Marami pa siyang gustong maranasan at maabot. Pero nang dahil sa sakit niya, nawawalan na siya ng pag-asang makamtan lahat iyon. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang lalaking mamahalin niya, eh. Paano na?