Chapter 7

13 1 0
                                    

Angel

Maganda ang naging gising ko nang umagang ito. Walang headache, pagse-seizure o pamamanhid ng katawan akong naramdaman. It seems like I’m back to my normal self. Walang dinaramdam na sakit. Sana ganito lagi. Sana nga gumaling na ako.

“Good morning, Angel! Gising ka na pala,” masiglang bati ni Liza pagkapasok niya ng kuwarto ko.

I smiled. “Good morning.”

“How are you feeling?”

“I’m unbelievably fine. I don’t feel any headache.”

Ngumiti siya at tinitigan ako. “That’s good.”

“Sana nga magtuloy-tuloy na para makalabas na ako dito.”

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. “I know gagaling ka. At once na lumabas ka na dito, I’ll surely miss you.”

I smiled even more. Masaya ako na nakakilala ako ng isang taong gaya ni Liza. I will surely miss her too.

“Gusto mong ipagbalat kita ng orange? May natira pa dyan sa ref.”

I nodded. “Yes, please?”

--

Eduard Marquez

 

Kasama ang aking nurse at mga saklay, naglakad-lakad kami sa mini-park nitong ospital. Sabi ng aking doctor, maaari na raw akong lumabas ng ospital bukas. Ang pagkirot-kirot ng paa at mga sugat ko ay normal lang at mawawala rin daw. But I will not go home not until I have extracted my revenge to that devil girl who named Angel. Humanda talaga sa ‘kin ‘yang babaeng ‘yan. Huwag niyang sabihing babae siya kaya hindi ko siya papatulan. Ininsulto niya ang pagkalalaki ko. Dapat lang na pagbayaran niya iyon.

Speaking of the devil, nandito rin pala siya. Mukhang ang aliwalas ng mukha niya ngayon, ah? Mukhang ang ganda ng gising.

Napangiti ako sa naisip. Mukhang sinasabi sa ‘kin ng panahon na ito na ang tamang araw para gantihan ang babaeng iyon. Masarap nga naman inisin ang taong maganda ang araw.

Habang tinititigan ko siya, napansin kong kahit nakangiti siya, malungkot naman ang kanyang mga mata. Bagay sana sa kanya ang kanyang ngiti kung umaabot lang sa mga mata niya. Maganda naman pala sana ang Angel na ito, eh. Kaso ang ugali naman.

“Uhm, Clark, kilala mo ba ang babaeng ‘yun?” tanong ko sa nurse ko at itinuro si Angel.

“Not really, sir. Kinukwento lang sa ‘kin ‘yan ni Liza,” sagot niya.

“Liza?”

Tumango siya. “Iyon ‘yung nurse na kasama ni Angel. Kaibigan ko kasi ‘yang si Liza. Mabait naman si Angel. Naka-usap ko na siya once.”

Mabait? Parang ang labo naman. Hindi pala parang. Totoong malabo talaga! Ano ba kasing sinasabi nito ni Clark? May gusto yata ito doon sa babaeng ‘yun, eh.

“Ah...” tumatango-tango na lang na sabi ko. “Eh, ano daw ba ang sakit ng Angel na ‘yan?”

He looked at me as if I said something weird. Na-weirduhan ata siya na nagtatanong ako nang tungkol sa Angel na ‘yun. Na-obliga tuloy akong magpaliwanag.

“Naaalala mo ba ‘yung araw na na-encounter natin si Angel? ‘Yung nabato ko siya ng saklay? Na-curious lang kasi ako sa mga sinabi niya nun.”

“Ah. Eh, may cancer kasi si Angel.”

“Cancer?”

“Yes. Brain cancer. Stage four.”

Napanganga ako sa sinabi niya. I didn’t expect na ganoon kalala ang sakit ng Angel na ‘yun. Brain cancer? At stage four na? I wonder how she accepted it. Ako nga, nahihirapan pa ring tanggapin na hindi na ako makakalakad na dalawa pa rin ang paa, siya pa kaya na ganyan pala ang pinagdadaanan? Somehow, nagi-guilty ako. Pinag-isipan ko pa naman siyang paghigantihan.

--

Angel

 

Naglalakad-lakad kami ni Liza sa favorite tambayan ko dito sa ospital nang makita ko si Eduard. Napasimangot agad ako. Makita ko pa lang siya, nasisira na agad ang mood ko. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya para hindi na lang ako mabadtrip lalo. Pero hindi ko alam na kilala pala ni Liza ang nurse ni Eduard. Sa inis ko ay tinawag ni Liza ang atensyon nila. Lumingon naman sila at ngiting-ngiting lumapit silang dalawa sa ‘min.

“Hi, Liza. Hi, Angel,” nakangiting bati ni Clark, ‘yung nurse ni Eduard.

“Hi!” bati ko. Kumaway lang si Liza.

Hindi ko maiwasan ang mapatingin kay Eduard. Nakatingin lang din siya sa ‘kin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. Parang katulad ng ekspresyon na nakita ko sa kanya nang una kaming magkita.

Napairap ako nang bigla siyang ngumiti. Anong nginingiti-ngiti ng lalaking ‘to? Akala ko ba galit sa ‘kin ‘to? Halos isumpa niya ako nang huli kaming magkita, eh. Ngayon nga hinihintay ko ‘yung paghihiganti RAW niya sa ‘kin. Pero hindi naman ako threatened. Hindi talaga. Hinding-hindi.

Okay, slight lang. Alam ko naman kasi na mali ‘yung ginawa ko. Aminado ako na napasobra ako sa pang-aasar sa kanya. Ang sarap niya kasing pagtripan. Banas, eh.

Pinigilan kong mapabunghalit ng tawa nang maalala ko ‘yung itsura niya noong pinagtripan ko siya. Nag-iwas na lang ako ng tingin. Baka kasi kapag tiningnan ko siya ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at matawa talaga ako.

Pero, in fairness, ha? Ang gwapo niya ngayon. I mean—oo na nga. Inaamin ko na. Naguguwapuhan naman na talaga ako sa kanya nung unang beses ko palang naman siyang nakita, eh. Clean-cut na buhok. Medyo singkit na mga mata. Matangos na ilong. Makinis na pisngi. Mapulang labi. ‘Tapos, ang tangkad at medyo kayumanggi pa. Pero hindi naman maitim na maitim. Sakto lang. Bagay nga sa kanya ‘yung kulay niya, eh. Mas lalo siyang nagmukhang gwapo. ‘Tapos, kung titingnan mo siya, mukhang laging mabango kasi ang linis sa katawan. Ang guwa—

“Tara na, Angel.”

Napatingin ako kay Liza. “A-ah, oh sige.”

Hala! Ano ba ‘yung pinag-iisip ko kanina? Akala ko ba inis ako sa kanya? Bakit puro magagandang adjectives ang sinasabi ng utak ko sa kanya?!

“Sige, ha? Una na kami sa inyo.”

Kay Clark lang ako nakatingin habang nagpapaalam si Liza sa kanila. I wouldn’t dare look at Eduard. Ayoko nga siyang tingnan! Baka kung anu-ano na naman ang isipin ko. Tsaka, isipin pa niya, tinititigan ko siya. Hmp!

Nanguna na akong maglakad palayo. Huwag kang lilingon, Angel. Huwag na huwag.

“Angel!”

Agad akong napalingon nang may tumawag sa pangalan ko. Pero laking gulat ko na si Eduard pala ang tumawag at ngiting-ngiti pa siyang kumaway.

“See you around!” he said winking.

Nag-iwas agad ako ng tingin. Nakanaman talaga, Angel oh! Sinabi nang huwag kang lilingon, eh!

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon