Chapter 6

30 1 0
                                    

Angel

I miss my life

Oo, buhay pa naman ako hanggang ngayon pero… parang hindi na rin, eh. Kulong na kulong ako sa ospital na ito. Hindi ko na magawa ang mga bagay na nakasanayan ko ng gawin, ‘yung mga bagay na ginagawa ko dati nung malakas pa ang katawan ko.

Ngayon, lagi na lang akong nakaratay sa hospital bed. Nakakulong sa hospital room. Pakiramdam ko, lumalala lang ng lumalala ang karamdaman ko nang dahil sa pagkukulong sa ‘kin dito. Sabi nila, kapag na-confine raw ako, ma-oobserbahan nila ang sakit ko. Malaki rin ang posibilidad na gumaling ako.

Eh, parang wala namang nangyayari. I’m just wasting my money and my time here. At least kapag nasa labas ako, I can do whatever I want to do while I still have my life. Kapag namatay na ako, wala akong pagsisisihan dahil kahit papaano ay nagawa ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Hindi ko pa nasayang ang kukunting panahon na natitira sa ‘kin.

Haay… gustung-gusto ko nang umalis dito. Gustung-gusto ko nang lumaya sa kuwartong ito at sa sakit na ito.

Kung pwede lang sana…

“Ma?” tawag ko kay Mama na naka-upo sa upuan sa tabi ng kama ko. Hinawakan ko ang kamay niya.

She looked at me, asking silently.

Nagpatuloy ako. “Ma, I want to go home. Ilabas mo na ako dito. Ayoko na dito. Lalo ko lang nararamdaman na malapit na akong mamatay kapag nandito ako,” sabi ko na parang batang nagmamakaawa na bigyan ako ng laruan.

She looked at me sympathetically. “I know. I know how tired you are from this. Kung pwede lang, anak, iuuwi na talaga kita.”

“Ma, kausapin natin si Dr. Guztavo. I really want to go home. Gusto ko kahit papaano ay makita ang paglaki ng mga kapatid ko. Gusto kong tulungan kayo sa pagpapalaki sa kanila. Gusto kong maramdaman na… buhay pa ako. Kasi kapag nandito ako pakiramdam ko, wala na akong silbi. Dagdag gastos pa ako. I’m good as dead when I’m here.”

Umiling-iling si Mama. “Don’t say that.” Hinaplos-haplos niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. “Sige, kakausapin natin ang doktor mo.”

--

Eduard Marquez

“Eduard! Will you please sit down? Kanina pa ako nahihilo sa ‘yo. Lakad ka ng lakad. Kaya lagi ring kumukirot ang sugat at paa mo ay dahil sa paglakad-lakad mo. What did the doctor tell you? Ipahinga mo ang paa mo para mapabilis ang paglabas mo dito. But you’re so stubborn!”

Napatingin ako kay Mama pero patuloy pa rin sa paglakad gamit ang mga saklay ko. Nanggigigil na napahawak ako sa mga saklay na sumusuporta sa ‘kin. Nakakainis! Nagmumukha akong inutil nang dahil sa mga saklay na ito!

“Ma, I’m doing this for me. Kailangang matuto akong maglakad na iisa na lang ang paa para hindi ako maging pabigat sa inyo. Next time, I will try walking without these crutches. Or maybe, I will try to drive. I know I can still do that.”

Biglang may kumislap sa mga mata niya. Lalo akong nainis. I don’t want her to cry because of my situation.

“Anak…” She stood up and walked towards me. I was trapped by her loving arms. “I know this is hard for you. I understand what you feel. But please, be brave. Huwag mong isipin na ito ang tatalo sa ‘yo.”

“Ma, that is why I’m doing this.”

“Anak, you don’t have to do this. Just be brave to accept the truth.”

“What truth, Ma?”

“That you can’t race anymore.”

“But I still have one leg.”

“Yes, I know. But you know better than me that you can’t do it anymore.”

Natigilan ako. Napaisip. Tama siya. I can’t race anymore just having one leg. At baka pag-drive nga ay hindi ko na rin magawa pa.

Car racing is my life. Lumaki ako na ang pangangarera na ang ginagawa ko. Masyado akong in-exposed ng Papa ko sa car racing. Madalas pa kaming manood sa ibang bansa. At isinasali niya ako nung bata pa lang ako hanggang sa paglaki ko na.

I love cars as well. Sabi ng Papa, kaya niya ako in-exposed sa car racing ay dahil sa bata pa lang ako ay mga sasakyan na ang hawak ko.

Pero ang kotse at pangangarera pa pala ang sisira sa buhay ko.

Kagagaling ko lang sa isang car racing event noon dito sa Pilipinas. And I won the first place, unsurprisingly. Pero ang hindi ko alam, hindi pala natanggap ng isa kong nakalaban iyon.

Kabababa ko lang ng kotseng paborito kong ipangarera nang isang humaharurot na sasakyan ang papalapit sa ‘kin. I was about to run away pero naabutan pa rin ako. At ang napuruhan… ay ang isa kong paa. I even heard my bones crushing. Sobrang sakit nang naramdaman ko noon. Para akong pinapatay sa sakit. Pero mas masakit pa pala ‘yung katotohanang iisa na lang ang paa ko at wala na akong karapatang tumuntong sa race track as a racer. I’m good as dead because of this.

“Wala na talaga akong kuwenta, Ma,” nakayukong sabi ko.

Umiling-iling siya. “No, that’s not true. Alam ko na mahirap, anak. Nandito lang naman kami ni Casey, eh. We are here to support you. Huwag mo sana siyang kalilimutan. Mahal ka niya. Huwag mong ipakita sa kanya na nahihirapan ka kasi mahihirapan din siya. Isang paa lang ang nawala sa ‘yo. You still have a life to live for. At mayroong umaasa sa ‘yo.”

Si Casey. Oo, siya na lang ang mayroon ako bukod kay Mama. At least, I still have a reason to live.

--

Angel

“Doc, kailan ba ako pwedeng lumabas? Gustung-gusto ko nang lumabas. Pakiramdam ko, nasasayang lang ang panahon at pera ko dito,” sabi ko kay Dr. Guztavo.

“But you’re still weak, Angel. Lalo na at pasumpong-sumpong ang pagsakit ng ulo mo at madalas ang pagse-seizure mo. If we could only do the chemotherapy on you again—”

“Doc, being here makes me feel weak already, ang pagke-chemo pa kaya?”

“We’re done with the surgery already. We need to do the chemotherapy now.”

Nagmamakaawang tiningnan ko siya. “Doc, what I want to do now is to go home. Gusto ko nang umuwi.”

Napabuntung-hininga na lang siya. “I will talk to the rest of your doctors regarding to this matter.”

Pagkalabas ng doktor ay nagmamakaawang tiningnan ko si Mama. Kitang-kita ko rin ang paghihirap sa mga mata niya. Napabuntung-hininga na lang din ako.

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon