Chapter 4

16 1 0
                                        

 Angel

"You know it has no effect on me anymore. Drinking these or having chemotherapy will just delay my death but still... that is my ending. Mamamatay pa rin ako."

Sunud-sunod siyang umiling. "Alam mong hindi lahat ay ganyan ang nagiging kalabasan. You know that there are people who are able to survive. You just have to be brave enough to fight. Ako mismo ang nagsasabi sa 'yo na may pag-asa ka pa, Angel. So please, don't lose hope."

I smiled as I hold her hand. "Liza, I'm just being realistic. Ayokong paasahin ang sarili ko. Pero alam mo, masaya akong makilala ka. You're so patient and good to me. Pasensiya na kung nasungitan kita dati. Bitter lang talaga ako noon. Masaya ako na kahit nagkaroon ako ng ganitong sakit, nagkaroon naman ako ng kaibigan na tulad mo."

"K-kaibigan?"

"Hmm... ayaw mo ba?"

She shook her head vigorously. "Syempre, gusto ko. I know deep in you, mabuti kang tao. Sana maging matapang ka rin para labanan ang sakit mo." She smiled. "Masaya rin akong maging kaibigan ka, Angel."

"Thank you."

Tiningnan niya ang hawak kong gamot. "Sige na. Huwag mo na akong dramahan. Inumin mo na 'yang gamot mo, okay?"

"Just one thing."

She raised her eyebrows. "Ano 'yun?"

"Pwedeng lumabas tayo? Gusto kong maglakad-lakad."

Umiling siya. "I'm sorry but it's a no. Umuulan kasi sa labas, Angel."

I pouted. "Kahit sa loob lang ng ospital. Gusto ko lang talagang makalabas ng kuwartong ito. Umay na umay na ako sa kabibilang sa mga butiki dyan sa kisame, eh."

Natawa naman siya. "Okay, okay. Sige na, lalabas na tayo."

Involuntarily, napapapalakpak ako na parang bata. Tatawa-tawang nailing naman siya. Mukha nga naman kasi akong tanga.

Tulad ng dati, lumabas kami ng kuwarto ko habang hila-hila niya ang dextrose ko.

"Liza?"

"Yes?"

"Kailan ba ako pwedeng lumabas sa ospital na ito?"

Nilingon niya ako. "Akala ko ba, okay lang sa 'yo na dito lang tayo sa loob ng ospital maglibot?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin," I said, shaking my head.

"Eh ano?" kunut-noo niyang tanong.

"Ano... K-kailan ako pwedeng bumalik sa dati kong buhay? Sa labas ng ospital? Alam mo kasi, hindi naman kami mayaman, eh. Habang tumatagal ako dito sa ospital, tumataas din ang mga gastusin namin dito. Naaawa na ako sa pamilya ko. Nami-miss ko na rin sila."

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon