Angel
See you later, Debbie? ;)
Saulado ko na ang nakasulat sa papel. Ultimo handwriting ng nagsulat noon kabisado ko na. I can’t help but smile and keep on staring at the paper Clark gave me. Kanina pa kami nakasakay sa taxi na pinara nina Mama papuntang bahay pero parang naiwan ang diwa ko sa ospital.
Ano na ba ang nangyayari sa ‘kin? Dapat ay mainis ako dahil Debbie ang itinawag sa ‘kin ng sira ulong lalaking iyon. Pero bakit hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa mga labi ko? Bakit parang natutuwa pa ako na iyon ang pet name niya sa akin? O baka naman dahil sa sinabi niyang “See you later”? Dahil ba sa ibig sabihin noon ay magkikita pa rin kami? Pero paano?
“Ate!”
Napatingin ako kay Nina na katabi ko sa likod ng taxi. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Alexis. Habang si Mama na kalong si Margaux naman ay naka-upo sa passenger’s seat ng taxi katabi ng driver.
“May sinasabi ka?” I asked raising my brows at her.
“Kanina pa akong nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig,” she said pouting.
I smiled and patted her head. “Pasensya na. Ano na nga bang sinasabi mo?”
“Nako, ate. Ipinagmamalaki lang naman niya ang boyfriend niyang lampayatot. Parang hindi nga siya kayang ipagtanggol nun kung saka-sakali, eh,” Alexis supplied.
My brows furrowed at her. “May boyfriend ka na, Nina?”
She blushed like a fangirl who saw her idol. “Yes, ate. Pero ‘wag kang maniwala dyan kay kuya. Hindi naman kasi lampayatot si Rojann. He’s lean but muscular,” she said and stuck her tongue out to Alexis, who in return, rolled his eyes.
“Muscular na ba ‘yon? Eh parang isang piga ko lang dun, durog na!” Alexis blurted out which made Nina almost cry.
“Ikumpara mo ba naman sa katawan mo, kuya, eh talagang madudurog ‘yon sa katabaan mo!”
Alexis scowled. “Hoy, bata! These are not fats, okay? These are muscles. Iyan kasi, inuuna ang pagbo-boyfriend. Muscle at fats lang hindi alam ang pagkakaiba.”
Narinig ko namang tumawa si Margaux mula sa harapan. “Si kuya talaga, patawa! May muscle ba na umaalog?”
Ako, si Mama at Nina ay napatawa naman sa tinuran ng nakababata kong kapatid.
“Sige lang. Pagkaisahan niyo lang ako,” kunwaring nagtatampong sabi naman ni Alexis. I just patted his shoulder.
“Don’t worry, Alex. For me, you’re the brawniest and hottest guy in the world.”
Taas-noong tumingin siya sa akin. “And you are the most beautiful, smartest, nicest, supportive and ever reliable sister in the world.”
“Ang lakas mong maka-boost ng confidence, kapatid!”
He smiled sheepishly. “Ganun ka rin naman, ate, eh.”
Nagkatawanan lang kaming lahat. Maya-maya, nagpatuloy sa pag-aasaran sina Nina at Alexis matapos kong paalalahanan si Nina na okay lang ang mag-boyfriend basta huwag pababayaan ang pag-aaral. She promised to me na studies pa rin ang first priority niya. Ngumiti na lang ako at lumakad ulit ang diwa pabalik sa sulat na kanina ko pa ring hawak.
BINABASA MO ANG
Thirty Days of Angel
General FictionShe only has thirty days to live. Marami pa siyang gustong maranasan at maabot. Pero nang dahil sa sakit niya, nawawalan na siya ng pag-asang makamtan lahat iyon. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang lalaking mamahalin niya, eh. Paano na?