Chapter 12

13 1 0
                                    

Angel

May asawa na siya. He’s already committed to someone.

            But why is he doing these things? Paano na lang kapag nalaman ito ng asawa niya? Hindi ba niya naisip na baka magalit sa kanya ang asawa niya? O sa ‘kin? Hindi ba niya naisip kung ano ang ginagawa niya?

            Bakit? Ano nga bang ginagawa niya? Baka naman nilalagyan mo lang ng malisya ang mga ginagawa niya sa ‘yo? a voice in my head said.

            Napaisip ako bigla. Nilalagyan ko nga lang ba ng malisya ang mga bagay na ginagawa niya? Ako lang ba itong mapag-imbento?

            Baka naman kasi, nai-in love ka na? Kaya kahit anong simpleng bagay ang gawin niya, may meaning para sa ‘yo?

            Nanlaki ang mga mata ko. Ako? In love sa kanya? No freaking way!

            Deny pa more! The voice laughed in my head.

            “Oh, kain ka na, anak,” sabi ni Mama at binigay sa ‘kin ang pinggan na puno ng sari-saring pagkain.

            I smiled at her. “Thanks, ‘ma.”

            Naupo kaming dalawa sa komedor habang ang mga bisita ay nasa sala. She looked at me suspiciously.

            “Nakita ko ‘yung kanina, ha.”

            Patay-malisya akong sumubo ng pagkain. “Ang alin, ‘ma?”

            “Huwag ka ng mag-deny. Alam mo kung ano ang sinasabi ko. Ano ba talaga ang mayroon sa inyong dalawa ng Eduard na ‘yon? Hindi naman ako magagalit, eh. Umamin ka lang sa ‘kin.”

            “Mama, wala, okay? Besides, may asawa na siya. Kaya kung anuman iyang iniisip ninyo sa amin, nagkakamali kayo.”

            She stared at me wide-eyed. “May asawa na pala, eh. Bakit kailangang gawin pa niya ito sa ‘yo?”

            Tinatanong ko rin sa sarili ko ‘yan, ‘ma.

            Napabuntung-hininga na lang ako. “Really, ‘ma. Wala lang ‘to. Huwag niyong lagyan ng malisya ang mga bagay na ginawa niya ngayon.”

            Tumahimik na rin si Mama at hindi na muling nag-usisa. I sighed. Ganun din ang dapat kong gawin. Huwag lagyan ng malisya ang mga bagay na ginagawa ni Eduard para sa akin.

--

Eduard Marquez

“Saan kayo nagkakilala ng girlfriend namin?”

            “Oo nga. Tsaka, bakit parang ang close-close niyo na?”

            “May asawa ka na ba?”

            “Kayo na ba ng girlfriend namin?”

            “Naglilihim na siya sa ‘tin!?”

            Natatawang tiningnan ko na lang sila habang pinasasabugan nila ako ng mga tanong. Nakakatuwa silang magkakaibigan. Ang kukulit! Pero obvious na mahal nila si Angel.

            When Angel left me and went to her mother, her friends approached me and bombarded me with questions. Halos hindi na ako makasagot dahil sunod-sunod sila kung makatanong. Hindi ko pa man nasasagot ang isang tanong ay may follow-up question na kaagad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon