Eduard Marquez
“Ano bang problema mong lalaki ka, ha?! Bakit ba ang bitchy mo? Bakit hindi mo na lang tanggapin na iisa na lang ‘yang paa mo?!”
Napabalikwas ako ng bangon. Tumingin-tingin sa buong kuwarto. Saan nanggaling ang boses na iyon? Paanong narinig ko ang boses ng babaeng iyon sa kuwarto ko?
I sighed exasperatedly. Wala namang ibang tao dito sa kuwarto ko maliban sa akin. Am I hallucinating things?
“Nako naman, Eduard! Inaantok ka lang,” I said to myself as I laid down again in my bed and closed my eyes.
“Alam mo, hindi mo ikamamatay kung tatanggapin mo ang katotohanang kailangan mo ng saklay na ‘yan para makalakad ka. At huwag mo ngang awayin ‘yang nurse mo! Pasalamat ka nga at may nagtyatyagang mag-alaga sa ‘yo!”
Ano ba ‘to?! Baling pakanan.
“Sorry mong mukha mo! Mabuti ka nga at paa lang ‘yang nawala sa ‘yo, eh! At least, pwede kang magpagawa ng artificial leg. Eh, ako? Gustung-gusto ko pang mabuhay ng matagal pero… wala, eh. Bilang na lang talaga ang araw ko. Alangan namang magpagawa rin ako ng sarili kong “artificial life”. Bakit, mayroon ba nun? Wala, kaya no choice ako. Pero hindi na ako nagre-reklamo! Kasi tanggap ko na! Ikaw, tanggapin mo na lang na ganyan ang kapalaran mo!”
Nababaliw na ba ako? Baling pakaliwa.
“Alam mo, nakakainis ka na, ha! Ako na nga itong gustong tumulong sa ‘yo, ang yabang-yabang mo pa rin. Ang taas pa rin ng tingin mo sa sarili mo! Hoy! Darating din ang time, luluhod ka rin sa ‘kin at magmamakaawa!”
Nakakainis na talaga ‘to, ha! Dumapa na lang ako.
“Pasalamat ka, marunong akong maawa.”
“Hindi! Kung marunong kang maawa, eh di sana pinapatulog mo na ako ngayon!” inis kong sabi at napaupo na lang sa kama.
Bakit ba ‘ko nagkakagan’to? Gabing-gabi na, hindi pa rin ako makatulog. Ilang beses na akong nagpabaling-baling ng higa pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakainis na buhay naman ‘to, oh! Kung kailang gusto ko ng matulog, hindi naman makatulog. May insomnia na ba ako? Tss.
Kailan ba ako titigilan ng babaeng ‘to? Aba! Kanina pa siya tumatakbo sa utak ko, ha! Bakit nga ba kasi naiisip ko siya? Kinulam na ba ako ng babaeng ‘yun? Kasi naman! Tinanong ko pa si Clark tungkol sa kanya. Kung hindi ko siguro siya binigyan ng pansin, kung hindi ako nagtanong-tanong ng tungkol sa kanya, hindi ako magkakaganito.
Tama. Kasalanan ng babaeng ‘yun kung bakit hindi ako makatulog ngayon! Kinulam nga yata ako nun!
Inabot ko muna ang mga saklay ko sa gilid ng kama saka tumayo. Humanda siya sa ‘kin.
--
Angel
Hirap na hirap na kinapa-kapa ko ang bedside table para hanapin ang mga gamot ko. Nag-uumpisa na namang sumakit ang ulo ko.
Ang sakit! Parang binibiyak sa sobrang sakit! Mangiyak-ngiyak na ako!
Akala ko dahil sa maganda ang pakiramdam ko kaninang umaga ay magtutuloy-tuloy na iyon. Pero hindi pala. Hindi pa rin pala ako nakakalaya sa sakit kong ito. Hindi pa ako nasanay. Lagi namang ganito. Minsan susumpungin ng sakit ng ulo. Minsan naman ay hindi. Napapagod na ako. Pagod na pagod.
“Ano? Wala na bang mas isasakit ito?! Sige lang! Para mamatay na ako!”
Grabe! Bakit kailangan pagdaanan ko lahat ng sakit na ito? Ano bang masama ang nagawa ko at pinaparusahan ako ng ganito?
![](https://img.wattpad.com/cover/25455872-288-k324956.jpg)
BINABASA MO ANG
Thirty Days of Angel
General FictionShe only has thirty days to live. Marami pa siyang gustong maranasan at maabot. Pero nang dahil sa sakit niya, nawawalan na siya ng pag-asang makamtan lahat iyon. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang lalaking mamahalin niya, eh. Paano na?