Chapter 3

17 1 0
                                    

 Angel

“Uhm, Liza…” I called her hesitantly.

She looked at me immediately and smiled. “Yes?”

Alanganin akong ngumiti. “Ah… Ano kasi… N-nakita mo ba ‘yung lalaki kanina sa labas? ‘Yung pilay?”

“Ah, oo. Bakit?”

“D-do you know him?” nahihiyang tanong ko.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? And why am I asking Liza about that jerk guy? Tss. Kainis!

“Ah… nevermind. Kalimutan mo na lang ‘yung itinanong ko.”

Pero mukhang hindi yata niya narinig ang sinabi ko.

“Ah, siya ba? Si Eduard Marquez iyon. Sikat na car racer.”

Napakunot-noo ako. So siya pala ‘yung isinugod dito five days ago? I wonder what happened to his feet. Siguro nang dahil iyon sa pangangarera niya.

“Ah,” I said nonchalantly.

Kaya siguro bitter-bitteran ang lalaking iyon kasi hindi na siya makakapangarera ulit. Well, mahirap nga naman siguro talaga iyon. Lalo pa siguro kung buhay niya ang car racing. I understand him somehow. Naranasan ko na rin naman kasi ang mapunta sa stage na iyon. Ang stage na hirap akong tanggapin ang sakit ko. Sa case niya, hirap pa siyang tanggapin ang nangyari sa kanya. Pero alam ko, gaya ko, magagawa rin niyang tanggapin iyon at magpatuloy sa buhay.

--

Mahihinang katok sa pinto ang nakakuha ng atensyon ko mula sa pagtingin sa bintana. It was three days ago nang huli akong makalabas sa kuwartong ito. Hindi kasi ako pinayagan ng doctor ko na lumabas dahil sa inatake na naman ako ng sakit ko at nanghihina pa ako.

Si Mama at Liza lang ang naging constant companion ko sa kuwartong ito pero syempre, hindi sa lahat ng oras ay nandito sila. Si Mama, kailangan niyang umuwi para alagaan ang mga kapatid ko. Si Liza naman, marami rin naman siyang inaalagaan na pasyente bukod sa ‘kin.

“Liza, ikaw ba ‘yan?” I asked.

Bumukas ng maliit ang pinto. Sumungaw ang isang ulo. “Can I come in?”

Napaiwas ako ng tingin ng mabungaran ko si Eduard Marquez sa pintuan. I didn’t know why he’s here. Magso-sorry ba siya sa ‘kin? Haay… bahala na nga.

“Go. Suit yourself.”

Dahan-dahan niyang nabuksan ang pinto. I guess, nahihirapan pa rin siya. To think na mas sanay siyang maglakad nang diretso na walang saklay na nakasuporta sa kanya. Pero ngayon, iba na kasi ang sitwasyon.

Thirty Days of AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon