Angel
Nagising ako nang may marinig akong mahihinang boses na para bang nag-uusap. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napangiti nang mabungaran ko sila.
“Ma?” mahinang tawag ko.
Napatingin agad sila sa ‘kin. Nakangiting lumapit si Mama sa tabi ko.
“Anak, may mga bisita ka.”
Tiningnan ko sila isa-isa. “Oh? Bakit ngayon lang kayo dumalaw?” I said pouting. Kunwari ay nagtatampo ako.
Agad silang nagsilapitan sa kama at pinalibutan ako.
“Maiwan ko na muna kayo, ha?” paalam ni Mama at lumabas na.
“Teka, girls! Selfie muna tayo!” singit ni Cherry.
Inilabas niya ang phone niya at monopod atsaka itinaas sa ere.
Nanlaki ang mga mata ko. “Anong selfie?! Kita mong hindi pa nga ako nakakapag-retouch! Ang haggard-haggard pa ng mukha ko!” reklamo ko.
“Okay lang ‘yan, Angel! Hindi naman mahahalata dahil camera 360 ‘to,” natatawang sabi ni Iyah.
“Grabe! So kapag hindi camera 360, pangit talaga ako?” nakangusong sabi ko.
Grabe talaga ‘tong mga babaeng ‘to! Mga kaibigan ko ba ‘to?
“Joke lang naman! Maganda ka kaya, Angel! Pangalan mo pa lang, tamang-tama na sa ‘yo. Because you look like an angel,” nakangiting sabi ni Riz, ang dakilang bolera.
Napataas bigla ang kilay ko. Parang may nakapagsabi nga sa ‘kin na hindi raw bagay sa ‘kin ang pangalan ko, eh. Ganito pa nga ang pagkakasabi, eh:
“Ang ganda sana ng pangalan mo, but it doesn’t fit you. Alam mo kung ano ang bagay na pangalan sa ‘yo?”
I raised my eyebrows. “Ano?”
“Debbie, short for devil!”
Napailing-iling na lang ako.
“Anong maganda? Maganda ba itong nanlalalim ang mga mata ko at namumutla ang labi ko? At kung tatanggalin ko pa ang wig ko, mapagkakamalan pa kaya akong tao? Baka akalain nila, alien ako.”
Napatingin silang lahat sa ‘kin at kitang-kita sa mga mukha nila na parang maiiyak na sila.
“Hoy, mga babae! Walang iiyak dito! Wala pang namamatay. Hintayin niyo na munang—”
“Angel! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Para kang sira ulo!” putol sa ‘kin ni Rio.
“Sa pagkakaalala ko, may sakit nga ako sa utak pero hindi ako sira ulo.”
“Hindi! Sira ulo ka! At sino ba ang nagsabi sa ‘yong may iiyak? Hoy! Sa tingin mo ba may iiyak para sa ‘yo?” sabi ni Renelyn.
Natahimik ako bigla. Nagkatinginan naman sila sa isa’t isa.
“Hoy, Rene! Below the belt na ‘yung nasabi mo!” Cherry hissed.
“Ikaw ang sira ulo dyan, eh!” dagdag naman ni Rio.
“Eh ito kasing si Angel, eh! Nakakainis!” naiiyak nang sabi ni Renelyn.
Nanlaki lahat bigla ang mga mata namin sa biglaan niyang pag-iyak.
“Sino ba kasing may nagsabi sa ‘yong iiyak kami? Alam mo, hindi lang kami iiyak, hahagulgol pa kami para sa ‘yo! Forever girlfriends tayo, eh!” she said sniffing.
“Oo nga. Kaya, please lang, Angel, magpagaling ka, ha?” teary-eyed na sabi ni Iyah.
Pinigilan ko ang mapa-iyak nang dahil sa kadramahan ng mga babaeng ito. Sila ang mga kaibigan ko. Ang dahilan kung bakit kahit anong hirap ng buhay o ng kapalaran ay nakukuha ko pa ring ngumiti. Eh kasi naman, laging nagse-selfie! Alangan naman na magse-selfie kami ‘tapos nakasimangot ako dahil sa problema ko. I might as well smile. Smile lang ng smile sa kahit anong problema.
“Hoy, mga bruha! Tama na nga ‘yang drama. Nakakaloka! Nagpunta ba kayo dito para lang dramahan ako?” sabi ko.
“Hindi. Pumunta kami dito para makasama ka namin sa selfie. Tagal na kasing kaming lima lang ang laging nagse-selfie,” sabi ni Cherry.
Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Si Selfie Lord talaga, oh!
“We missed you, girl,” malungkot na nakangiting sabi ni Riz.
“Eh kasi naman. Pwedeng dumalaw, di ba?”
“Huwag ka ng magtampo, Angel,” sabi ni Iyah.
“Oo nga. Dumalaw muna kasi kami ni Nick sa Papa niya. May sakit din kasi ang byenan ko,” sabi ni Cherry.
“Ako naman, busy sa trabaho. Ayaw pa nga akong ipag-day off ng boss ko kung hindi ko lang sinabi na magre-resign ako kapag hindi niya ako pinayagang makadalaw sa ‘yo,” sabi naman ni Riz.
“Wow. Iba na talaga kapag excellent employee. Siya ang hinahabol-habol ng boss niya,” natatawang sabi ko.
“Uy, hindi ah!” nahihiyang sabi ni Riz.
Natawa na lang ako. Nag-deny pa!
“Anyway, naiintindihan ko naman na may sari-sarili na kayong buhay. Hindi naman ako nagtatampo. At least, nandito na kayo. Nagkasama-sama na ulit tayo.”
“Magpagaling ka na kasi! Nami-miss na namin ‘yung may binu-bully. De joke lang!” Rio said jokingly.
“Hindi, seryoso na. Nami-miss ka na talaga namin, Angel. You’re a fighter, remember? Hindi ka umaatras sa kahit anong problema ang dumating sa buhay mo. Sana sa pagkakataong ito, hindi ka susuko,” sabi ni Renelyn.
“Huwag mong kalimutan na lagi kaming nandito sa likod mo. Kaming lima pati na rin ang Mama at mga kapatid mo. Nandito lang kami, naka-suporta sa ‘yo,” sabi ni Iyah.
“Huwag mong isipin na mag-isa ka lang sa laban na ito, okay?” sabi naman ni Rio.
“We love you so much, girl,” sabay-sabay nilang sabi.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kainis kasi ‘tong mga ‘to, eh! Ang lakas magpa-iyak! Ang lakas maka-drama!
“Mahal ko rin kayo,” umiiyak kong sabi. “Forever girlfriends?”
“Forever girlfriends!” they said in unison as they hug me.
Sabay-sabay din kaming napatawa kahit na puro luha ang mukha namin.

BINABASA MO ANG
Thirty Days of Angel
General FictionShe only has thirty days to live. Marami pa siyang gustong maranasan at maabot. Pero nang dahil sa sakit niya, nawawalan na siya ng pag-asang makamtan lahat iyon. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang lalaking mamahalin niya, eh. Paano na?