Angel
“Good morning, Angel! Time for your medicine,” bungad ng nurse pagkapasok niya ng kuwarto ko.
“Ayokong inumin ‘yan,” I said coldly.
“Pero kailangan mong inumin ito para gumaling ka na.”
She offered me the pill pero tiningnan ko lang iyon.
“I said I don’t want to drink it. Don’t you understand? Tagalong na nga ‘yung kanina, eh, hindi mo pa ba naintindihan? Lumabas ka na nga lang! Nakakairita ka!”
Oo na. Ang bitchy ko. Simula nang matanggap kong ilang araw, buwan o taon na lang ay mamamatay na ako, naging bitter na ako. Kasi… bakit ako? Bakit hindi ang nurse na ito na lang? Bakit hindi na lang ibang tao ang nagkaroon ng sakit na ito?
You know, life is so unfair. Nagpakabait naman ako dati, ah? Hindi naman ako pasaway na anak. Naging mabuti akong ate sa mga kapatid ko. Naging mapagbigay akong empleyado at katrabaho sa opisina namin. Bakit ako pa? Ang dami-daming masasamang tao dyan na walang ibang ginawa kungdi ang magpakasama, mambiktima ng mga taong walang ibang ginagawa kungdi ang maghanap-buhay para sa pamilya niya, at pumatay ng mga taong walang kalaban-laban. Bakit hindi na lang sila ang kunin? Wala naman silang nagagawang maganda dito sa lupa. Sinisira lang nila ang mundo.
Ang masamang damo, matagal mamatay.
Tss! Kaya ito ako ngayon… nagpapakamasamang damo.
“Angel! Ayaw mo na naman daw inumin itong mga gamot mo.”
Napatingin ako sa pintong kabubukas lang at ang bumungad sa ‘kin ay si Mama. Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. Ito na naman. Ang sakit na naman.
“Eh, sa ayoko, may magagawa ba siya?”
Lumapit siya sa hospital bed na hinihigaan ko at naupo sa gilid niyon. “Paano ka gagaling kung ayaw mong inumin ang mga gamot mo?”
Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kaya ayokong tingnan siya, eh. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi alam kong siya ang pinakamalulungkot once na mamatay na ako.
“You know there’s no guarantee that I’ll over come this disease. Wala naman nang epekto sa ‘kin ang mga gamot na ‘yan, eh. Nagsasayang lang tayo ng pera,” malamig kong sabi.
“Huwag mong sabihin iyan, anak. Of course gagaling ka. Magtiwala ka lang sa Kanya.” She hugged me tight it almost broke my defenses. Isang yakap lang kasi niya pakiramdam ko makakaya ko lahat. Iyon ang isa sa mga mami-miss ko kapag nawala na ako. Ang yakap ng aking ina.
“Ma… parang ang hirap kasing gawin. Paano ako magtitiwala sa Kanya kung ‘yung isang hiling ko lang, hindi pa Niya mapagbigyan.”

BINABASA MO ANG
Thirty Days of Angel
Fiksi UmumShe only has thirty days to live. Marami pa siyang gustong maranasan at maabot. Pero nang dahil sa sakit niya, nawawalan na siya ng pag-asang makamtan lahat iyon. Ni hindi pa nga niya nakikilala ang lalaking mamahalin niya, eh. Paano na?