Chapter 22

2.1K 48 6
                                    

2 weeks later....


Ria's POV


"Babe, wala lang talaga yun. Promise."


"Anong wala? Eh kitang kita ng dalawa kong mata oh!" bulyaw niya sakin.


"Sige sabihin na nating may gusto siya sakin, pero hindi ko naman siya pinatulan eh." sagot ko.


Tiningnan naman niya ko ng masama ng para bang walang masabi. Haha. Ang cute talaga ng babe ko. "Che!"


"Jess, alam mo naman diba?"


"Ha? Na ano?" nalilito niyang tanong.


"Na ikaw lang. Kahit ano pang problema at hadlang ang dumating sa relasyon natin, ikaw at ikaw lang talaga ang mamahalin ko." ngiti ko sa kanya.


Tiningnan nanaman niya ko ng masama sabay nagtakip ng mukha. "Nakakainis kaaaaa!!" At hinampas pa ko.


"Bakit, babe?"


"Pinapakilig mo nanaman ako eh! Alam mo namang ayokong nakikita mo kong namumula diba! Huhuhu. Nakakahiya."


Kaya naman pala.........HAHAHA.


"Ayun naman pala. Lumabas rin ang katotohanan!" hagalpak ko ng tawa.


"Aba't---"


Akmang hahampasin nanaman niya ko pero nahawakan ko ang braso niya. "Pero seryoso, babe. Wag ka na mahiya, ang cute mo kaya pag kinikilig ka. Okay lang naman sakin na kiligin ka....actually okay na okay nga eh. Basta ako dapat yung dahilan." kindat ko sa kanya.


"Isa nalang talaga, Marivic Meneses!!! Ughhhhh!"


Bago pa niya ko masabunutan, mahampas o kahit anong pananakit, kumaripas na ko ng takbo. Hahaha. "Love you too babe!"


Pumasok ako sa kwarto namin pero bago ko pa masara ang pinto ay nahabol na niya ko. "Wahhhhh!! Bwiset ka talagaaaa!!!"


"Ang sweet mo naman, babe--ah, ah, aray! Arayyyy! Babeeee!" Sabunutan at paghahampas-hampasin ba naman ako? -_- Kala ko safe na ko kanina amp.


"Ayan! Matuto ka, hmp!" sabi niya at nagtampo-tampuhan pa.


"Sorry na po. Hehe." back hug ko sa kanya. "Di na po mauulit, boss."


"MAMAYA NA KAYO MAG-LANDIAN DIYAN BAKA MAKAGAWA PA KAYO NG MILAGRO! BABA NA, KAKAIN NA!" sigaw ni Ate Mela galing sa baba.


Nagtinginan kami ni Jessey at tumawa, saka bumaba na rin kami.


"Ano, magiging ninang na ba ko?" tanong ni EJ.


Namula naman si Jz kaya natawa kaming lahat. "Uy may nangangamatis oh!"


"Tumahimik ka, Pam!"


"Ay, may binanggit ba kong pangalan? Natamaan ka ata eh." sagot ni Ate Pam at nakipag-apir kay Ate Dancel.


"Uy wag niyo na i-bully ang babe ko. Baka umusok na ilong niyan, mahirap na." akbay ko kay Jessey.


"Wag mo nga kong hawakan! Magsama kayong lahat, pwe!" piglas niya.


"Uy dito ka lang kasi."


Pagkahatak ko sa kanya pabalik, napasobra ata kaya eto...napaupo siya sa lap ko habang hawak ko ang bewang niya; nakakapit naman siya sa leeg ko at sobrang lapit ng mukha namin.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon