Chapter 42

1.4K 52 31
                                    

Ria's POV

"Ma?"


Napalingon si Mama sakin, at mukhang nagulat sa pagdating ko. "Ria, anak? Hindi ba dapat magkasama kayo ni Jessey ngayon?"


Si Mama talaga oh. Inassume naman niya na ako ang pinili ni Jessey. Haaay.


"H-hindi po ako ang p-pinili niya, Ma......" nakayuko kong sabi.


"HA?!" biglang sumulpot si Papa at Ate Bing.


"Sigurado ka ba, anak?" tanong ni Papa.


"Baka naman na-late lang ng ilang segundo? O minuto? Baka pag-alis mo, saka siya dumating." dagdag pa ni Ate.


Napaisip ako. Paano kung ako nga talaga yung pinili niya?


Paano kung ako pa rin talaga yung mahal niya?


Inalis ko ang idea sa isipan ko. Ria, ano ba. Kung ikaw talaga ang pinili niya, edi sana hinabol niya ako o sinubukan man lang hanapin. Pero wala, wala eh. Kaya wag ka nang umasa at magisip ng kung ano ano diyan.


"Sa totoo kang, nakita ko siya."

"Oh 'yun naman pala eh?!"

"Kasama si Rex." sagot ko naman at ngumiti ng malungkot. "Maybe we were meant to be together, but we did it wrong."


Binatukan ako ni Mama. Aray naman. "Kadramahan mo, Ria! Ang dami mong alam, anak. Ano ba yan."


Hinimas ko naman ang batok ko. "Aray ko naman, Ma. Ang brutal."


Ngumiti lang si Mama saka seryosong bumaling sa akin. "Pero seryosong usapan, anak....."


Bago pa niya maituloy ang sasabihin niya, naunahan na siya ng mga luha ko. Napayakap ako sa kanya. "Ginawa ko naman ang lahat, Ma. Pero bakit ganun? Wala pa rin eh. Tsaka hinayaan ko lang siya na magbigay ng oras kay Rex, kasi childhood best friend niya yun at matagal silang hindi nagkita kasi ganun kalaki yung tiwala ko sa kanya. Akala ko talaga hindi magbabago ang nararamdaman niya. Akala ko talaga ako lang."


Tumigil ako sandali.


"Akala ko lang pala yun...."


"Shhh. Tahan na, anak. Alam kong nasasaktan ka, pero kailangan mong mag-move on. Wala ka nang magagawa, kasi siya yung pumili eh. Naiintindihan naman kita, kaya iiyak mo lang ang lahat sa ngayon pero wag mong patatagalin yan. Masakit man, pero kailangan mo siyang pakawalan, kasi hindi ka pwedeng maghintay lalo na't alam mo namang naghihintay ka sa wala." sabi ni Mama habang hinahaplos ang buhok ko.


Napangisi ako at napailing. "Ganito pala pakiramdam niya dati nung nagpanggap akong may amnesia ako. Yung ginagawa niya ang lahat para maalala ko ang dating kami at naghihintay siya. Now I know. Karma ko siguro 'to."


"Anak, wag mo nga sabihin yan. Masyado mo kasi siyang mahal. Pero kasi pag nagmahal ka, dapat matutunan mo munang mahalin ang sarili mo. Hayaan mo, tutulungan ka naming makalimutan ang lahat ng 'to. Dito ka muna sa bahay kahit mga dalawang linggo lang, pero papasok ka pa rin. Sigurado akong na-miss mo na yung luto kong Kaldereta." sabi ni Mama at tinaas-baba ang kilay niya.


Napangiti ako at tumango. Alam niya talagang paborito ko yun. "Oo naman, Ma. Miss na miss ko na kaya yun."


**


Jessey's POV

Nandito kami sa sala ng teammates ko habang hinihintay nilang magkwento ako. Pero mukhang hindi na nakatiis si Mela kaya nagsalita na siya.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon