EPILOGUE

1.6K 59 31
                                    

Jessey's POV


Two years have passed. At sa two years na yun, sobrang daming nangyari.


Let's start with EJ. Akalain mo ba naman, nahanap na niya ang tunay na magmamahal sa kanya. May boyfriend na siya. Yehes dalagang dalaga na talaga. HAHA.


Si Chloe, sila pa rin ni Jelo. 5 months ago, muntik na silang mag-break dahil sa isang malaking away pero buti nalang naagapan din nila at natauhan sila. Kung hindi lang para samin na kinulit at pinush talaga sila, hindi magiging ganito kasaya yang dalawang yan. Naks.


Ang FaTunay naman, staying strong. Magfi-five years na sila this year. Although may time in 2015 na muntik na rin silang maghiwalay kagaya nila Chloe at Jelo, syempre pinush din namin sila para magkabalikan.


Syempre naman, ang Team Pakwan. Kagaya ng JeChlo at FaTunay, staying strong din sila! Bangayan dito, bangayan doon, pero at the end of the day, yun lang naman yung paraan nila para ipakita yung pagmamahal nila sa isa't isa. Ang sweet diba.


At ako naman? Eto, minamahal pa rin ang taong imposibleng magbalik sa akin.


I know I said magle-let go na ako, and I did. But letting go is different from moving on. Nag-let go ako sa lahat ng sakit na naidulot ng relasyon namin, pero hindi pa rin nawawala yung pagmamahal ko sa kanya. Dalawang taon mahigit ko na siyang hindi nakikita, and it's crazy how you can go days, weeks or months without seeing or talking to someone but they still cross your mind every single day. Sabi nga nila, there's always that one person who you'll never get over. And for me? Siya yun. Si Ria yun.


Wala na akong balita tungkol sa kanya; how she's been, where she is, kung nagvo-volleyball pa ba siya, kung anong trabaho niya at kung sila pa ba ni Laine. Well kung sila pa, then I'm happy for them. But if not, then wala rin naman  akong magagawa kasi yun nga, di ko naman alam kung nasaan siya. Sa totoo lang, gusto ko siyang kamustahin. Kahit sila Mela, walang alam tungkol sa mga nangyari sa kanya o kahit contact number man lang.


Pero ngayon, balik muna tayo sa reality dahil sobrang busy ko talaga at may tumatawag nanaman sakin.


"Ma'm Jessey, na-settle na po yung meeting with the client. Date and time po is tomorrow at 9AM." sabi sakin ng secretary kong si Sam.


I'm already a professional architect, and kahit sobrang stressful, I still love my job. Buti nalang mababait at hospitable ang mga co-workers ko kaya masayang magtrabaho.


"Sige sige, thank you." pagpapasalamat ko kaya umalis na rin siya.


1 new text message


From: Bf

Bffff! What time ka pupunta?


Oo nga pala, may gimmick kaming barkada later. When we all graduated from college, hindi kami nawalan ng communication. Si Mika, Ara, Mela at Kim, naglalaro pa rin sa mga volleyball leagues. They're actually playing for Army right now. Si Chloe, focus muna sa work. Ako naman, professional architect pero napagsasabay ko pa rin yun at paglaro ng volleyball. I train with sila Mika - dahil Army din naman ako - pag kasama ako sa lineup for the season.


To: Bf

Tapusin ko lang work ko. Mga 5pm siguro!


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon