Chapter 34

1.3K 51 24
                                    

Ria's POV


Ang tanga tanga mo, Ria! Hindi mo man lang nagawang itulak si Kaye palayo? Mali tuloy ang inisip ni Jessey! Ugh. Nasayang yung 6 months niyo ng ganun ganun nalang. Sana mas pinush mo pa para makapag-explain ka nang hindi siya sumasabat. Kung kelan tanggap na kayo ng Daddy niya, ito pa mangyayari. Oh ayan tuloy. Ano ka ngayon? Nganga.


Galing ako sa dorm nila Kambal. Alam na nila, sa kanila nga ako nag-rant eh. Naiinis ako. Hindi kay Kaye, o kay Jessey. Kundi sa sarili ko. Kasi sobrang tanga ko.


Ayaw mo na ba, Jessey? Suko ka na ba? Ako kasi, hindi pa. Pero kung yan ang gusto mo, oo nalang ako. Mahal na mahal natin ang isa't isa, parang kelan nga lang 6th monthsary natin, tapos biglang ganito. Ano tayo, mataya-taya? Kapag pagod ka na, sasabihin mo lang na ayaw mo na.


Nagd-drive na ako pabalik sa dorm pero sobrang lalim pa rin ng iniisip ko. Kausap ko ngayon si Ate Mela.


Ate Mela: Teka, ba't ganyan boses mo? Umiyak ka ba?


"Ha? Hala hindi, ate ah. Sipon lang 'to." sagot ko. Umiiyak nanaman pala ako, ni hindi ko man lang napansin.


Minsan talaga madaya ang love. Kung kelan kayo masaya, atsaka pa magkaka-problema; atsaka pa maghihiwalay. Ginawa mo na ang lahat, binigay mo na ang lahat, pinaglaban mo na ang lahat, pero sa dulo ikaw pa rin ang talo.


Hindi ka naman ata kriminal para sumuko sa atin. Ayaw mo na ba talaga? Hay. Sana true or false nalang ang love. Pag true, edi masaya. Pag false, write the correct answer. Para pag false ako, mahahanap ko kung sino talaga ang para sakin.


*BEEEEEP*


Ay jusko naman. Nagulat ako dun ah, buti naiwas ko agad ang kotse ko.


Ate Mela: Huy ano yun, Ri? Busina ba yun?


"Ewan ko, ate. Lasing ata si Kuya sa tabi ko. Hahaha."


Sorry, Jess ah. Kung minahal kita. Di ko kasi mapigilan eh. Sabi nga ni Newton: To every action, there is an equal but opposite reaction. In short, karma. Sige na, layuan mo na ko. Pero hayaan mo lang akong mahalin ka, kahit sa malayo.


Ate Mela: Tsk. Bye na nga baka mapaano ka pa diyan eh. Umuulan pa naman at madilim na. Ing---ALSJFHLSDK


*SCREECH*

*BEEEEEEP*

*BOOOGSH*


Sumakit ang ulo ko. Lumabo ang paningin ko. Puro pulang ilaw ang nakita ko.


Ang huli kong narinig ay ang boses ni Jessey.


"I'm sorry pero......s-suko na ko, Ri. I-I'm so sorry."
.
.
.
.
.
.
.
And then everything went black.


**


Jessey's POV


"Naaksidente si Riri."


Kinuha ko agad ang susi ng kotse ko at tumayo.


"Jessey!" Nilingon ko si Pam. "Akin na yung susi."


"No. Dali na, we need to get to the hospital! Come on guys."


"Ibigay mo yung susi kay Pam, maaaksidente rin tayo pag ikaw nag-drive!"


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon