Chapter 40

1.3K 62 13
                                    

8:30 nang makauwi si Jessey sa dorm at naabutan si Mela Jelo at Chloe sa sala. Si Ria, nauna na sa kwarto.


"Oy daga, kamusta date?" pang-aasar ni Jelo sa kanya na tinadyakan ni Chloe para manahimik siya.


"Tss. Hindi date yun." sabi nalang ni Jessey at naupo sa couch.


"Whatever you say. Pero nakapili ka na ba kay Riri at Rex?" tanong ni Mela.


Napasapo si Jessey sa noo. "Hindi pa nga eh. Hay, di ko na alam."


"Mahal mo pa ba si Riri?" tanong naman ni Chloe.


Mabilis namang sumagot si Jessey. "Tinatanong pa ba yan? Syempre!"


"Eh si Rex? Nahuhulog ka na ba?" sabi naman ni Jelo.


Dahan-dahang tumango si Jessey.


"Naku po. Patay tayo diyan." Napahampas si Mela sa isang unan sa couch.


"Malaking problema yan kaya pag-isipan mong mabuti yan, Stick." seryosong sabi ni Chloe.


"So paano na? Paano ka makakapili?" nag-aalalang tanong ni Jelo.


"Honestly, hindi ko alam. Sabi nila, follow your heart. Pero it's hard when your heart is more confused than your mind."


Natahimik silang lahat. Alam nila na napakahirap ng sitwasyon ni Jessey at Ria ngayon. Kung kailan kala nilang magkakabalikan na, biglang mauudlot nanaman.


Nagpaalam na rin si Jelo, dahil may aasikasuhin pa ito bukas.


"Stick, akyat na rin kami ah. Matulog ka na rin ah." sabi ni Mela at tinapik ang balikat ni Jessey.


"Sige, sunod na ko." Umakyat na ang dalawa at naiwan si Jessey sa sala na nag-iisip pa rin. Pero hindi nila alam, na narinig ni Ria ang mga pinag-usapan nila.


Umakyat si Jessey at naabutan si Ria sa kwarto na nakatalukbong sa kumot.


"Gising ka pa, Ri?" tawag ni Jessey sa kanya. Ngunit walang sumagot kaya tinanggal niya ang kumot at nakitang mahimbing ang tulog ni Ria.


Lumapit siya dito at hinaplos ang buhok. "Hindi ko alam kung paghihintayin pa ba kita, kasi ayokong masaktan ka. Pero ayoko rin namang sukuan mo ko. Haay. Sana mahintay mo ang desisyon ko, Ri. Please."


Pero narinig ni Ria ang lahat ng yun. Naramdaman niya ang luhang malapit nang tumulo, kaya nagkunwari siyang mahimbing ang tulog at umikot sa kabila.


**


Kinabukasan, nagising si Jessey at nakitang tulog pa si Ria. Gusto niyang lapitan ito pero naramdaman niyang medyo cold si Ria sa kanya for the past few days, kaya hinayaan nalang muna niya.


Bumaba na siya at nakita sila Mela na kumakain na.


"Mornin, Ria." inaantok na bati ni EJ.


Natawa si Jessey dahil parang lasing at wala na sa sarili ang itsura ni EJ. At napagkamalan pa siyang si Ria.


"Anyare sayo?"


Bumagsak nalang ulit ang ulo ni EJ sa table, kaya pinagtawanan siya ng lahat.


"May tinatapos kasi yan na report kagabi. Pinipilit talaga niyang tapusin tapos sabay nalaman niya kanina sa kaibigan niya na bukas pa pala ang deadline. Ayan, knockout at bad trip. HAHA." sagot ni Mela.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon