Chapter 38

1.3K 66 36
                                    

Jessey's POV


"Sorry guys. Excuse me." Nagmamadali akong pumunta sa kwarto. Eto nanaman ako, iiyakan nanaman siya. Alam kong wala akong karapatan dahil ako ang nang-iwan; ako ang sumuko, pero baka mas lalo kaming masaktan pag ipinagpatuloy pa namin ang relasyon.


May kumatok sa pinto. "Jess?" Si Ara pala.


Mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Pasok."


Unti-unting bumukas ang pinto. Ay, silang lahat pala. "Uy, sorry ah." sabi ni Ara.


"Ano ka ba Ars, wala yun. Okay lang nga ako." sagot ko at pilit ngumiti. Pero kilalang kilala nila ako, kaya hindi naman sila naniwala.


Sumagot naman agad si bf. "Anong okay? Eh namamaga na mata mo tas pulang pula na ilong mo oh!"


Hindi ko talaga sila matatakasan.


"Alam niyo naman kung bakit ako nagkakaganito eh. It's always the same reason and the same person every time." I said sadly.


Nagtinginan lang sila, tahimik kaming lahat. Hindi nila alam ang sasabihin, kasi totoo ang sinabi ko.


"This isn't gonna work, is it?" Mika asked, breaking the silence. We all shook our heads and sighed.


"But at least we tried?" Ara said.


Nginitian ko lang siya ng malungkot. "At least we did. Pero mahirap lang talaga kalimutan yung kapreng yun. Malakas yun sakin eh."


**


Kinabukasan, maaga kaming nagising dahil maaga pa kaming babalik sa Manila. Kailangan nandun na kami by 9am kasi may training kami ni Mela ng 10 at sila Mika naman, 10:30.


Sabay sabay kaming kumakain ng almusal ngayon sa sala at nagk-kwentuhan. More like, sila lang pala.


"Panget, gusto mo nito?" sabi ni Mela kay Kim.


"Sige, pero konti lang ha. Baka gusto mo rin eh." sagot ni Kim at ngumiti kay Mela. Ang tamis shet.


"Daks, kain na kasi. Bakit ba ayaw mo kumain?" pangungulit ni Ara kay bf.


"Wala nga akong gana." Kunwari pa 'tong si bf eh. Kitang kita kong kanina pa takam na takam yan sa pagkain. Ewan ko ba, baka nagpapalambing lang kay Ara. HAHA.


"Luh, wala raw gana. Kailan pa, daks?" pang-aasar ni Ara. Tinulak lang siya ni Mika at umirap. "O sige, subuan nalang kita."


Nakita kong kumislap ng very very slight ang mata ni bf. Ay sus. Yun lang pala ang gusto eh. Nagpapalandi lang. Chos.


Pero agad naman siyang nag-iwas ng tingin kay Ara. "Ayoko nga sabi eh."


Hawak na ni Ara ang kutsara at nilalapit na ito kay Mika. "Ye naman ehhh."


"Ayaaaaw." Namumula na si bf dahil linalapit na rin ni Ara ang mukha niya sa kanya. Pero carry on pa rin sa pagpakipot.


"HOY UTANG NA LOOB NASA HARAPAN KAYO NG PAGKAIN!" bulyaw ni Mela na ikinatawa naming lahat. Nagsalita! HAHA.


Biglang nag-beautiful eyes si Ara at nag-pout. "Pleaseeee, daks?"


Kunwaring napilitan si Mika at umirap pa. "Sige na nga. Psh."


Pakipot pa! If I know, gustong gusto naman niya yan. Nakooo.


"Say ahh..." Nilapit ni Ara ang kutsara kay Mika. Sinubo naman ito ni bf.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon