Chapter 44

1.2K 37 13
                                    

Three days ago......


"@marivicmeneses: weekend getaway 🌊"


"Nako. Mukhang moving on process na nga talaga si Riri. Paano na si Jz?" nag-aalalang tanong ni Jelo.


"Naaawa ako sa kay Jessey. Nandito siya at hindi magkanda-ugaga sa pagmo-move on habang nagpapakasaya si Ria. Pero hindi naman natin siya masisisi, mukhang final na talaga ang desisyon niyang mag-move on." sabi ni Mela.


"Di ko na kaya makita silang ganito, ate. Parang pati ako nahihirapan sa kanilang dalawa." nanghihinayang na dagdag ni EJ. Dalawang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Ria sa dorm. Si Jessey naman, lumalabas na ng kwarto at kumakain na naman pero umiiyak pa rin paminsan-minsan.


"Konti nalang talaga ipapadala ko na si Jz sa Boracay nang magkita sila ni Ria."


"Sira ka talaga, Mela." sabi ni Pam at tinulak pa siya ng mahina.


"Syempre joke lang yun 'no."


PRESENT TIME


"MELA?!"


"What? Hindi ko naman pinadala si Jessey sa Boracay para magkita sila ni Ria ah!" depensa ni Mela.


"Pero nagkita pa rin sila." sabi ni Alex.


"Sorry! Hindi ko naman alam na magkasabay na darating si Kimmy at Ria eh." napakamot-ulong sabi ni Mela. Pinasundo niya kasi si Kim kay Jessey sa airport kanina dahil nag-extend sila since may prinesent siyang proposal sa prof niya. So ang ending, nasa iisang kotse si Kim, Jessey at Ria. Hindi alam ni Kim kung anong gagawin at sinong kakausapin niya dun sa dalawa kaya tumahimik nalang siya.


"Pero aminin mo, nung nakita mo si Jessey, back to zero ka 'no." baling ni Mela kay Ria at kumindat pa.


"Hala! Hindi ah! Naka-move on na nga ako sabi eh!" biglang sigaw ni Ria na halos napatalon sa upuan niya nang tanungin siya ni Mela.


"Okaaay. Defensive much?" pang-asar ni EJ.


Inirapan nalang siya ni Ria at nagsalita ulit. "Pero seryoso, naka-move on na talaga ako."


"Eh ano yung tinginan niyo kanina?" biglang sulpot ni Kim.


"ANONG TINGINAN?!" sigaw ng Tigresses at tumingin kay Ria. Maging si Pam na kalmado kanina ay biglang napasigaw na rin.


"Ate Kimmmm!" ingit ni Ria. Nag-peace sign lang si Kim sa kanya. "Wala. Ewan ko diyan kay Ate Kim."


"Suuus. Pero gaya ng sinabi ni Mela kanina, aminin mo, back to zero ka kanina 'no?" ulit ni Kim sa sinabi ni Mela.


"Hindi naman sa back to zero. Naka-move on na ako sa sakit na naramdaman ko noon, pero sa pagmamahal ko sa kanya? Never. Hindi na ata mawawala yun. Siya lang yung babaeng minahal ko ng ganito, kaya alam kong hindi ko pwede pilitin ang sarili kong kalimutan siya kasi imposible yun." seryosong sabi ni Ria.


"Awwww." Napatingin ang Tigresses sa likod ni Ria.


"Ay nandiyan ka pa pala." sabi ni Chloe kay Jelo na ikinatawa ng lahat.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon