Chapter 43

1.5K 53 30
                                    

Mela's POV


"Oh anong ginagawa niyo dito?" bungad sa amin ni Ate Bing.


"Parang ayaw mo naman kaming makita, ate. Ouch." pagdadrama ni Chloe.


"Psh. Drama mo. Pasok kayo."


Pumasok kami sa loob at naupo sa sofa. "May kailangan kang malaman."


"Ano yun?"


Huminga ng malalim si Pam. "Siguro naman alam niyo na kung bakit nagkakaganyan si Riri. Well, sino ba namang hindi masisiraan ng bait kung ganyan mangyari sa kanila diba? Pero ang totoo kasi niyan...hindi talaga si Rex ang pinili ni Jessey, ate."


Napatingin si Ate Bing sa amin na bakas sa mukha ang pagkalito. "Edi sino?"


"Malamang, Ate. Si Riri!" sabi ni EJ at tinaas pa ang kamay. Sira talaga 'to.


Pero hindi pinansin ni Ate ang pagkapilosopo niya at nagpadala sa emosyon niya. "HAAA?! JUSKO SINASABI KO NA NGA BA EH NAKO TAMA ANG HINALA KOOOO!"


"Shhh! Ate! Baka marinig ka ni Ria!" sabi ko at pinakalma siya. Maka-react kasi kala mo siya si Riri eh.


"Ok ok. Sige na. Pero seryoso? Alam niyo kasi, etong si Ria gusto nang mag-move on para pagbalik niya sa dorm, hindi na siya ma-awkward kay Jessey."


Napaisip ako. "Pero kahit naman ilang taon pa ang lumipas, alam naman nating lahat na hindi mo naman makakalimutan ng ganun lang yung taong pinakamamahal mo diba?"


Napatingin silang lahat sakin.


"May pinagdadaanan ka ba?" seryosong tanong ni Chloe.


"Sira! Tsk." Inirapan ko nalang ang bruha.


"Oo, pero alam niyo naman 'tong si Marivic diba? Kung makasalita, kala mo sobrang dali lang kahit alam naman niya sa sarili niyang mahihirapan siya. Hay." sabi ni Ate Bing.


"Uhm, ate...paano kaya kung tulungan natin silang magkabalikan?" biglang sabi ni EJ.


Napalingon kami sa kanya. "Hmm. Pwede. I mean, tayo ang nagtulong-tulong para magkaaminan yang dalawang yan. Kaya ngayong nagkakaproblema sila, tayo naman ang magtulungan para magkabalikan sila, diba?"


"Good idea. We'll do everything we can, pero pag ayaw talaga, wag na nating ipilit. Baka mas lalong makasama sa kanila." sabi ni Pam.


"Makakasama para kanino?"


Natigilan kaming lahat at napalingon.


Oh shit.


"H-ha? Wala. May iba lang kaming pinaguusapan. Hehe. Hi Riri." Wew. Magaling sumalo si EJ.


Nagkibit-balikat lang si Ri at bumaba ng hagdan. "Oh? Kala ko ba anti-social ka ngayon?" biro ni Ate Bing sa kanya.


"Oo pero syempre na-miss ko 'tong mga 'to kaya okay lang." natatawang sabi ni Ria. Yehes naman. Miss daw kami. Weh. Baka si Jessey lang naman miss niyan, nahiya pang sabihin. Kala mo hindi namin kilala ang pagkatao niya.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon