Chapter 39

1.3K 55 19
                                    

Ria's POV

"Jess, I never really had amnesia."


Oo, tama ang narinig niyo. Simula't sapol, kahit kailan ay hindi naman talaga ako nakalimot.


Tumingin siya sakin, halatang gulat. "W-what?"


Huminga ako ng malalim. "Nakiusap ako sa doktor, na ipaalam sa lahat ng kaibigan at kamag-anak ko na nakalimot ako. Lalo na sayo, kasi gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon mo. Kung sasabihin mo ba sakin ang totoo, o kung itatago nalang ito. At kung susubukan mo bang ipaalala sakin ang nakaraan natin, o ibabaon nalang ito sa limot."


Tuluyan na siyang umiyak. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa saya na hindi talaga ako nakalimot, o sa inis at galit dahil nagpanggap ako.


"You know, Ri. I'm happy na hindi mo ko nakalimutan, na wala kang amnesia." Yayakapin ko na sana siya nang umatras siya. "Pero alam mo yung masakit?"


My heart dropped. I hope it's not what I think it is.


"Yung pinagmukha mo kong tanga. Patagong nasasaktan at nagpipigil na sabihin sayo kung gaano kita kamahal. Hindi mo alam kung anong pagtitiis ang pinagdaanan ko, para lang hindi ka masaktan. Tapos biglang malalaman ko na nagtiis pala ako para lang sa wala?" she laughed bitterly.


Kinuha ko ang kamay niya. "I'm sorry, Jess. Hindi yun ang intensyon ko. Humanap lang talaga ako ng paraan para magkabalikan tayo." naluluha kong saad.


She bit her lip. "Hindi pa nga tayo nagkakabalikan, naghiwalay nanaman tayo."


Para namang tinapon niya ang puso ko sa kalsada at pinasagasaan ito. Ramdam na ramdam ko yung pagdurog eh.


Binalot kami ng katahimikan.


Hindi ko alam ang iniisip niya. Pero ako, takot ako.


Takot na takot dahil baka mawala nanaman siya sakin.


Dahil sa isa nanamang pagkakamali ko.


"Ria, anong nangyari sa atin?"


Durog na talaga puso ko. Wala na.


"I-I....don't know." I replied.


She sighed. "I need time, Ri."


Ito nanaman ba? Mangyayari ba ulit? Just when I thought I'd have her again, I lose her.


Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at humarap sa akin. "Hindi ako sumusuko. Alam mong mahal kita, pero I need time. Time to think, and find myself."


"P-pero babalikan mo ko, diba?" naluluha kong sabi. Kung gusto niya ng oras makapag-isip, ibibigay ko yun sa kanya. Kahit gaano pa katagal, maghihintay ako hanggang handa na siya ulit. Pero yung tuluyan na siyang mawawala siya sa akin? Hindi ko naman kaya yun.


"Oo? Hindi? Baka? H-hindi ko pa alam, Ri..." she smiled sadly. "Tingnan natin...."


Ito na ata ang pinakamasakit na pinagdaanan ko sa lahat ng naging relationships ko. Si Jessey, she's not your typical girl. Hindi siya tulad ng ibang babae na maarte kumain, at mapili. Hindi siya tulad ng ibang babae na maarte sa katawan. Hindi siya yung tipong girlfriend na palaging nakadikit sayo kahit saan ka pumunta. Itataboy ka niya, pero yun yung paraan niya para ipakitang gusto niyang makasama ka. Iba si Jessey, ibang iba.


"Promise me na babalik ka." I said, hopeful while looking into her eyes.


But instead of getting the response and the assurance I needed, she kissed my cheek instead and whispered into my ear. "I love you, Ri."


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon