Chapter 35

1.3K 50 10
                                    

Jessey's POV

"Girlfriend ko naman siya eh, diba?"


"Girlfriend ko naman siya eh, diba?"


"Girlfriend ko naman siya eh, diba?"


I saw Kaye smirk at me, and then I realized what exactly she did. As soon as she found out na may amnesia si Riri, she told her that she was her girlfriend.


Parang napako lang ako sa kinatatayuan ko at hindi makapagsalita. Hindi pa ba nakuntento si Kaye na naghiwalay na kami? Kailangan pa talaga ganito?


"Diba, Ate Jessey?" Aba'y sa akin mo pa tinanong, Riri ah? Kung kaya ko lang sabihin sayo ang totoo, gagawin ko. Pero hindi ganun kadali, kasi malamang hindi ka maniniwala.


Naramdaman ko na maluluha nanaman ako. "Um excuse me....."


Lumabas ako ng kwarto at tumakbo paakyat ng rooftop. Buti nalang at walang tao kaya dun ko nilabas lahat. Umiyak, sumigaw, lahat na.


Bakit ba kasi ang tanga mo, Jessey? Papakawalan mo tapos iiyak-iyak ka diyan. Kasalanan mo 'to eh. Kung hindi mo siya hiniwalayan, hindi siya malulungkot. Kung hindi siya nalungkot, makakapag-drive siya ng maayos at hindi malalim ang iisipin niya. Kung hindi malalim ang iniisip niya, edi sana nakaiwas siya dun sa kotseng paparating. See? It all comes down to me.


Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Sana binigyan ko siya ng pagkakataon para mag-explain. Sana hindi ako naging selfish. Sana naisip kong nasasaktan ko rin siya. Sana hindi ako sumuko agad. Kasi kung ginawa ko lahat ng yun, sana nasa akin pa rin siya ngayon.


Tinatanaw ko ang mga kotse at ilaw sa baba nang may narinig ako.


"Nanghihinayang,

Nanghihinayang ang puso ko

Sa piling ko'y lumuha ka lang

Nasaktan lamang kita"


Aba't. Hanggang dito ba naman?


May tao rin pala dito, hindi lang ako. Nakakahiya naman, baka narinig niya mga pinagsisisigaw ko.


"O sige. Sige, bye." Napatingin ako sa nagsalita.


"IVY?!"


"JESSEY?!"


"Uyyy! Ginagawa mo dito?" tanong niya sakin at umupo sa tabi ko. "Teka, umiiyak ka ba?"


"Tingin mo?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Obvious naman diba! "Binibisita si Ria..."


Napatingin siya sakin. "Ha? Anong nangyari kay idol?"


Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. "Naaksidente. Nagka-amnesia." Nang sabihin yun, naiyak nanaman ako.


"HA?! Sorry, Jess..." Gulat na gulat siya sa narinig at hinagod ang likod ko.


"Pero alam mo yung masakit?" Umiling siya. Napayuko naman ako. "Wala na nga kami, pati ba naman ni isang alaala namin nawala na rin....."


"WALA NA KAYO?!" sigaw niya. Teka nga, kanina pa ko sinisigawan nito ah.


Binatukan ko naman. "Aray ah! Kanina mo pa ko sinisigawan! Pero oo, wala na...tanga ko kasi."


"Ano bang nangyari?" malungkot niyang sabi. Kahit niligawan niya ako dati, siya rin ang naging daan para maging kami ni Riri. Isa rin sa number 1 supporters namin yan eh. Tsaka may girlfriend na siya ngayon, si Zoe.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon