Chapter 25

1.9K 52 10
                                    

Jessey's POV



"Family and friends of Ria Meneses?"


Nagsitayuan naman kaming lahat. Kinakabahan ako.



"Well, looks like a miracle happened. We all thought it was ACL, but it's just MCL Grade 2. It's going to take about two to four weeks to heal. She can't play yet unless she's 100% recovered, kailangan niya magpa-check ulit after a week." At least she's safe 'no. Tumango naman kaming lahat at umalis na rin ang doktor. Pumasok kami ni Mika, Ara, Kim, at ng teammates ko sa kwarto nang makita namin siyang nakayuko.


"Ri..." Teka, umiiyak ba 'to? Naiiyak na rin ako eh. "Wag ka umiyak please."


Tiningnan naman niya ko. "Paano na ang team? Hindi ako makakapaglaro sa Finals. Ugh. Kung hindi nalang kasi mali binagsak ko eh. Kahit MCL lang 'to, malaking chance pa rin na hindi ako aabot sa games eh."


Umupo ako sa harap niya. "Walang may gusto ng nangyari, okay? And most definitely, wag mo sisihin ang sarili mo. It was an accident, so hindi sadya diba? Don't put pressure on yourself, Ri." Ngumiti naman ito sakin at hinalikan ako sa pisngi. Syempre hindi sa lips, nakakahiya 'no.


Weh, Jessey? Pakipot ka lang e.


"Hay. Ang swerte ko sayo, babe." May injury na nga, nakuha pa kong pakiligin! -__- "Pero ang sakit kasi manood sa team ko ng walang magawa eh."


Inakbayan naman siya ni Ara na namamaga pa rin ang mata sa kakaiyak. Syempre, after appearing in the Finals for so many seasons, biglang hindi sila nakapasok ngayon. Natural iiyak sila. "Kambal, tingin mo ba kaya ng team mo?" Tumango si Riri.


Si Mika naman ngayon ang umakbay kay Ria. Na-KaRa sandwich si Ri HAHAHA. "Then have faith in them. Natalo niyo nga kami eh, straight sets pa." Tumawa naman kami sa sinabi ni Mika. "Pero seriously, tiwala lang. Manalo o matalo, I know they dedicate the Finals to you."


"Tsaka Ri, kung manalo tayo, edi masaya diba? Pero kung matalo, okay lang. Kasi mas importante naman ang recovery mo kesa sa championship title eh." ngiti ni Mela.


"Ri, tawagan mo lang ako pag magaling ka na ah. Hanap tayo ng chix." sabi ni Kim at ngumiti. "ARAY! Ano ba!" Hinampas namin siya ni Mela. Bad kasi. HAHA


Natawa naman si Ria. "Thank you talaga, guys. Hindi ko alam gagawin ko kung wala kayo." Nag-group hug kaming anim, kasama si Kim at Mela. "Good game nga pala, Kimmy, Miks and Kambal. Haha."


Lumapit naman si Alex. "Buti MCL lang, Ri. Kasi baka lumala pa yung ACL mo, if ever."


Tinapik naman ni Pam si Riri sa pisngi at ngumiti. "Yakang yaka mo yan, ikaw pa! Ria Meneses kaya 'to."


"Nakakainis ka! Pinag-alala mo kami. Minsan lang ako umiyak ah!" pagda-drama ni Madam Chloe. Tumawa naman kaming lahat. Nag-group hug rin kami ng teammates ko with Riri.


"Ay oo nga pala, Riri. Someone wante to see you...." I opened the door and pinapasok na si Tita.


Nanlaki ang mata ni Ria (kung may ilalaki pa yun joke) nang makita niya ang Mama niya. At naiyak nanaman po siya. "Ma....." Niyakap niya si Tita. Tumabi kami at hinayaan muna silang mag-moment. "Ma, I'm so sorry."


"Bakit ka humihingi ng tawad?"


Namumula na si Ria ngayon. "Kasi alam kong gustong gusto mo kong makita maglaro sa Finals pero wala eh, eto ako. Pilay."


"Wag ka nga magsalita ng ganyan. Oo, hiniling ko yun pero di bale nalang kung ang kapalit naman nun ay ang mai-injure ka, diba?" sabi ni Tita at hinaplos ang pisngi ni Riri.


"Awww. I love you, Ma. Thank you sa lahat."


"Love you too, Riri." At nagyakapan sila. Napa-"aww" nalang kaming lahat.


Bigla naman kaming may narinig na singhot at maliit na hikbi. Napatingin naman kami kay......


"Kim???" Napatingin naman siya sa amin.


"Huy. Ba't ka umiiyak? Saya saya mo kanina ah?" natatawang tanong ni Ara.


"Uy hindi ako umiiyak 'no!" pagdepensa niya at nag-iwas tingin. "Ang sweet kasi nila Tita at Ria. Sobrang nakaka-touch lang kasi---ah basta! Hindi ako umiiyak!"


Napataas naman ang perfect kilay ni Ara. "Oh eh anong tawag mo diyan sa nangyayari sayo?"


"Nagpapawis lang yung mata ko, ano ba kayo! Wag niyo na nga ako tingnan!"


Tumawa nanaman kaming lahat. Ang lakas talaga ng tama ni Kimmy.


**


Umuwi na kami at nagpaalam na rin sina Kim, Mika at Ara. Magkasama kami ngayon ni Riri sa kwarto, at magkatabi kaming nakahiga sa kama.


"Jess....."


"Hmm?" sagot ko.


"Wag ka sanang magsawa sakin ah."


Nagulat naman ako sa tanong niya. Napabangon ako at hinarap ko siya. "Ri, kailangan mo pa bang hilingin yan? Alam mo naman simula't sapol hinding hindi ako magsasawa sayo eh. Ganun kita kamahal. Kasi kahit ilang beses mo pa ko saktan, hinding hindi kita pagsasawaan. Baka nga ikaw pa magsawa sa akin, sa ugali ko at sa mga problema ko eh."


Ngayon, siya naman ang napaupo at magkaharap na kami ngayon. "Pang-ilang beses ko na sasabihin 'to, pero sobrang swerte ko talaga sayo. Iniintindi mo ko kahit sobra yung mood swings ko, pag mainit ulo ko, at kung busy ako sa academics. Tsaka babe, nang mag-commit ako sayo, nag-commit na rin ako sa ugali mo - maganda man o hindi - at sa mga problema mo. Kaya tandaan mo, hinding hinding hinding hindi ako magsasawa sayo. Kahit anong mangyari."


Naluluha na ko ngayon. Riri naman eh! Huhu.


"Hey. Look at me." Inangat naman niya ang ulo ko at tiningnan niya ko diretso sa mata. "I love you."


Nang tumingin ako sa mata niya, naaalala ko lahat. Yung dinedeny ko pa kanila Mela na wala akong nararamdaman sa kanya. Yung alam ko nang may something, pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Yung hindi ako aware, pero sobrang nagseselos at bitter na pala ako sa kanila ni EJ. Yung hindi ko pa maamin sa sarili ko na mahal ko na pala siya. At higit sa lahat, yung parang kahapon lang, pinapangarap ko lang si Marivic Meneses. Pero ngayon, yung dating pinangarap ko lang, nagkatotoo na. Akin na siya.


Ngumiti naman ako. "I love you too. Sobra."


--

Sana kinilig kayo ng bongga sa last part. 😉 Hehe.

20+ votes and more comments for the next chapter! Para maganahan akong mag-update, hehe. 😊

Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon