Chapter 28

2.1K 45 14
                                    

Ria's POV

Di ako makapaniwala. To be honest, I was positive naman pero part of me didn't have high hopes of winning the championship. But then again, we beat the odds. Two days before Game 2, bumalik ako sa doktor at nalaman nilang magaling na pala ako. Miracle, actually. That's the first time daw na gumaling ang patient nila from MCL in less than 2 weeks. I told my teammates, then I wanted to surprise Jessey so sabi ko kay Coach kung pwede akong ipasok if ever we reach championship point na. Nung tinanong naman ako ni babe kung ba't suot ko ang jersey ko, syempre ready na ko sa mga palusot. Hahaha.


Nasa team dinner kami ngayon sa Gerry's Grill at hindi na kami nahiya sa mga tao dito. Kami lang ata maingay dito grabe. May sasabihin sana ako kay Jessey nang biglang tumunog ang phone niya.


"Excuse, guys ah. Sagutin ko lang 'to." Tumango naman ang teammates ko.


Tatayo na sana siya nang hilain ko ang kamay niya. "Ingat ka babe ah."


"Hoy Ria. Kala mo naman gagala sa bagyo, sasagot lang ng tawag 'no!" kantyaw ni Chloe.


Kumunot ang noo ni Mela. "Bakit naman naisip mo yung gagala sa bagyo?"


"Mahirap na kaya, baka tangayin 'no!" sagot ni Chloe na tinawanan ng lahat. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jessey.


Umalis na siya at sinagot ang tawag. Ganun kami kaingay na kailangan mo pang lumayo para lang makasagot ng tawag ng maayos hahaha.


*FF*


Napansin kong malapit na pala kami sa dorm kaya ginising ko na 'to.


"Psst, Jz."


"Psst, Stick. Uy."


"Psst, Daga. Halika na."


Tulog mantika bwiset HAHAHA joke lang. Hmm....ayaw mo ah.


"Psst, MVP! Nandito na tayo. Pag hindi ka pa bumangon diyan, hahalikan kita."



Napagalaw naman siya ng onti. Aw, sayang. Ay mahalay ka Ria!


Ang kulit. Ayaw talaga. One last try. Pag hindi bumangon 'to, ako na mismo bubuhat dito.


"Pssst, babe."


"Hmmn?" Napangiti ako. Asuuuus. Yun lang pala gusto; iniintay lang pala akong tawagin siyang babe. Yieee.


"Wag kang ano diyan, Meneses. Alam ko iniisip mo." Kilalang kilala niya talaga ako awww. Nakaka-flatter.


Napangiti nalang ako lalo. "Sana sinabi mo nalang kasi na 'babe' lang pala ang makakagising sayo. Edi sana hindi na ko nahirapan, diba?"


Binatukan niya ko. Oh kahit tulog yan, na-target pa rin niya ulo ko ah.


"Shattap!" Natawa lang ako at gumising na rin siya. Pagkadating namin sa dorm, pumasok agad kaming lahat sa kanya kanyang kwarto dahil sa sobrang pagod. At ang iba pa sa teammates ko, uuwi pa sa kanila since Sunday naman bukas.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon