Chapter 37

1.3K 58 16
                                    

Jessey's POV

After a few days, nakalabas na rin si Riri ng ospital. Pero nandiyan pa rin ang epal na Kaye na yan. Naiinis ako kasi hindi ko magawang sabihin kay Riri ang totoo; na hindi niya girlfriend si Kaye. Pero hindi naman siya maniniwala sa akin, at iisipin niyang sinisiraan ko lang si Kaye. Tsaka para saan pa, diba? Isang hamak na ex lang naman ako eh.


"HUY!"


"Ay Ria!"


"Huli ka!"


-______-


Ayan nanaman sila Ara. Nahawaan talaga ni Mika 'to. Grabe.


Inirapan ko si Ara. "Trip niyo nanaman ako. Tss."


"O, wag ma-high blood. Ikaw naman kasi, you need time to relax. You need....a vacation! Yun. Kailangan mong kalimutan si Riri, kahit sandali lang." sabi ni Kim sakin at inakbayan pa ako with matching gestures.


Inexpect ko ang mga reaction nila Mika na "Baliw!" o kaya "Sira ulo!" pero iba ang nangyari.


"Tama! Bf, you need a getaway. May resthouse yung Tita ko sa Bulacan, malapit lang sa amin. Or kung gusto mo, dun tayo sa resort namin." Himala. Sumang-ayon si Mika kay Kim.


May naalala bigla ako. "Guys, taga-Bulacan si Ririiii."


Napasapo silang lahat sa noo nila. Matagal na nila akong tinutulungang maka-move on kay Riri, simula nung aksidente. But that doesn't mean na hindi niya malalaman ang totoo, ang past namin. Syempre sasabihin ko sa kanya yun, but first I have to move on. Para pag nakaharap ko na siya, hindi ako matatakot na sabihin sa kanya dahil nga naka-move on na ako. For the meantime, tinutulungan nila akong mag-move on at nag-iisip rin ng paraan para patigilin yang Kaye na yan.


Hinawakan ako ni Melasa balikat. "Jess, kailangan mo na talaga ng vacation."


I sighed. "Saan naman yan?"


"Sa resthouse nga ng Tita ni daks. Or kung gusto mo, sa resort ni Ye mismo. It's up to you." sagot ni Ara.


"Trust me, it's going to help. Pag hindi nakatulong yan, ililibre mo kaming apat. Game?" hamon ni Kim. Alam talaga nilang ayokong nanlilibre kung wala namang okasyon eh. Tsk.


"Sige na nga." Nag-apir naman silang lahat nang pumayag ako. "Kailan ba 'to?"


Napaisip si Mika. "Hmm. G ka ba kung bukas na? Linggo naman bukas eh."


"Sige, pwede naman." sabi ko at tumango.


"Oh FO, Jess, mauna na kami ah. May training pa eh."


"Ay oo nga pala. Tayo rin, may training. Ughhh." Mela said and grunted.


Binatukan ko naman. "Apat na taon na nating ginagawa 'to, ganyan ka pa rin araw araw? Jusko ah!"


Natawa naman ang lahat pati ang teammates namin. Sinamaan lang ako ng tingin ni Mela.


"Pwe. Eh sa tamad ako e!"


**


Kinabukasan, maaga akong nagising para sa 'getaway' ko. Nakapag-impake na naman ako kagabi kaya magbibihis nalang ako at magaayos tapos gorabells na!


Pagkatapos kong mag-ayos at lahat lahat, nakarinig ako ng malalakas na tawa mula sa baba. Aga-aga, iingay talaga ng teammates ko. Tsk. Bumaba ako ng hagdan bitbit ang bag ko kaya napatingin sila kahat sakin.


Skinny LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon