"Are you ready?" he asked me. I nodded and smiled at him, feeling nervous. Pero nilabanan ko ang kaba at ipinakita na kakayanin ko kung anuman ang mangyayari mamaya.
Kinuha ko ang gitara na nasa taas ng kama at ipinatunog ang ilang strings nito, tinono ko na rin para maging maayos yung tunog. Ilalagay ko sana yung kapo pero bigla itong nadulas sa kamay ko, dahilan para mapalingon ulit siya sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Lumapit sya sa akin at mariing hinawakan ang dalawang palad ko. "Kinakabahan ka ba?"
Napatigil ako sa pagpulot ng kapo sa sahig. The moment I met his gaze triggered my whole being. Biglang nanlambot ang tuhod ko at agad na napahawak sa dibdib.
"Hey, Astrid," binitawan ni Kiko ang mga hawak nyang papel. Dahan dahan nyang inangat ang ulo ko para makita nya ang mga mata ko.
His eyes were a bit worried. And his hands were warm.
I looked at him, hindi ako okay. Alam kong nababasa nya ang mabibigat na paghinga ko. Then in a glimpse, he hugged me. I felt his hands tapping my head.
"Everything will be okay, Astrid. I'm always here," hinarap ko ang mga mata nya. Alam kong ninenerbyos pa rin ako pero nakaramdam ako ng kakaiba nang magtama ulit ang tingin namin.
His brown eyes were my safe space. Nagiging kalmado ako kapag tinitignan ko ang mapupungay nyang mga mata.
Those eyes were his asset ever since then.
I breathe. 5 deep breaths. Pinapanood nya lang ako habang pilit na pinapakalma ang sistema ko.
"Ilang beses mo na 'tong ginawa, Astrid. Bakit kinakabahan ka pa rin?" Tanong nya habang hinahaplos pa rin ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ko.
"Ito yung unang beses na sasalihan ko na TV-related, mas maraming taong makakapanood kapag nagkamali ako," he bit his lower lip and raised his left eyebrow. Nagulat ako nang hawakan nya ang dalawa kong braso. Then he chuckled.
"Astrid, wala namang pinagkaiba yung ginagawa mo sa bar at tsaka yung gagawin mo sa audition mamaya kaya wala kang dapat ikakaba. Tsaka bakit mo kasi iniisip na magkakamali ka? Ang galing mo nga e," then he winked at me.
I bit the insides of my cheeks. To prevent myself from saying stupid things. Heto na naman ako, heto na naman yung sakit ko sa utak.
Napakahilig kong mag-overthink at wala akong bilib sa sarili. Bumabalik na naman yung anxieties.
"I'm scared, Kiko," sambit ko. Nawala ang tipid nyang mga ngiti sa labi. I avoided his brown and sad eyes. "Ayoko na madisappoint ka sa akin. Baka kapag natalo ako, iwan mo rin ako gaya nang ginawa nila," napapikit ako. Ayokong maiyak sa harap nya.
"Hey, Astrid," he gently touched my face then he smiled at me.
"Hindi ako sila," he paused for a moment. "Hindi kita iiwan," biglang lumiwanag ang mukha ko nung narinig ko kung anong sinabi nya. Nawala pansamantala ang kaba, at nahawa sa ngiti nya.
This is the power of his words. He can make my heart melt using his simple and sweet phrases.
Pinulot nya ang kapo at kinuha ang gitara mula sa kamay ko. Pinatunog nya at ipinakita sa akin kung paano dapat tumayo kapag kakanta na.
"Smile, Astrid," he said. Pinatunog nya yung gitara at sinimulang kantahin ang ilang parte nung kantang ginawa namin. Napapangiti ako sa tuwing titignan nya ako sa mata para ipakita na ayos lang ang lahat.
BINABASA MO ANG
One Lyric Away
RomanceI fell inlove with someone whom I thought I'm going to spend my life with, but unluckily, it turned out that he spent his rest with someone like me. © All Rights Reserved, 2021