5th Track: first kiss

15 1 4
                                    

I took a break from school. Tatlong araw na akong hindi pumapasok. I contacted Ranz multiple times, pero hindi nya ako sinasagot. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin kung gaano kabigat. Kung gaano kasakit ang ginawa nilang lahat.



Ever since that day, ilang beses kong tinanong ang sarili ko. Kung may nagawa ba akong hindi nya nagustuhan. Kung may mali ba sa akin, kung kamahal-mahal ba ako.



Where did I go wrong?



Saan ako nagkulang? Hindi ba ako maganda? Ano yung nakita nya sa ibang babae na hindi nya nakita sa akin? Ako ba yung nagkamali?


Bakit nya ako niloko?



Tulala lang ako magdamag sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Hindi ko alam kung may dapat pa ba akong gawin.



O hindi ko alam kung may magagawa pa ba ako.



Tinungga ko ang isang bote ng alak habang nakatitig sa buwan na natatakpan ng ilang maiitim na ulap mula sa bintana ng kwarto. Pilit na inaalala ang lahat ng napagdaanan naming dalawa.



"Ang pangit mo kasi kaya ka iniiwan," I murmured. Muli ay bumagsak ang mga luha na hindi ko alam kung kailan titigil sa pagbuhos.



Ganito pala ang pakiramdam nang magmahal ng sobra.



Sa una lang masaya.



"Oy, Astrid," nilampasan ko lang si Ashton at tuluyang lumabas ng bahay. I skipped breakfast. Tiffany kept on calling me about my plates. Sya na mismo ang gumagawa ng mga responsibilities ko sa school to the point na sya na rin ang tumatapos.



I felt guilty. Ayoko namang idamay pa sya sa problema ko.



Hindi pa rin kami nag-uusap nina Mama at Ashton about sa nangyari. I knew, they were there. Alam din nila kung anong nangyari. That is why, ayoko muna silang kausapin. Nahihiya ako sa kanilang lahat. Hindi nila inaasahan yung nangyari nung gabing yun.



Ayoko munang mag-isip. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin sa kanila.



"Astrid, okay ka na ba?" Ani Tiffany habang gumuguhit ng panibagong structural design. I tried to maintain my act and nodded. Nandito kami ngayon sa canteen para tapusin yung mga naiwanan kong plates.



Wala pa namang tao kaya mas makakapag concentrate kami nang maayos. Pero hanggang ngayon, walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko alam kung anong pinaggagagawa ko. Nagsasalita si Tiffany pero ni isang statement, wala akong naiintindihan.



"Astrid, mali yung measurement. 4 inches lang, hindi 6. Ang pangit ng kakalabasan kapag ganyan. Wait--



"Tiffany," Agad na nanlambot ang mga kamay ko at nabitawan yung hawak na lapis. "P-Pangit ba ako?" I uttered. Natigil kami sa paggawa at hindi ko napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Inalis agad ni Tiffany yung mga cartolina at canvas para hindi matuluan ng luha ko.


"No, I mean yung gawa yung papangit, hindi ikaw. Wait-- Huhu, halika ka nga muna dito, gaga ka. Yakap kita," I covered my face. Hanggang ngayon, ang bigat pa rin. Napasabunot na lang ako sa gilid habang pinapakalma ako ni Tiffany sa pag-iyak.


"Astrid, sorry sa words. Wait, don't hurt yourself--- wait. Hala, Oh my God. Dapat pala hindi muna kita pinapasok," Tiffany comforted me. I tried my best to compose myself and gave her a smile. Nabasa ko pa yung uniform nya sa sobrang pag-iyak.



One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon