1st Track: one night

21 1 1
                                    

"Mukhang uulan na naman," napalingon ako sa ate na nasa cashier. Napatigil sya sa pag-papunch ng mga pinamili ko dahil sa malakas na kulog at kidlat.



"450 pesos po lahat, Ma'am," agad kong ibinigay ang perang papel sa cashier at umalis agad ng bookstore.



Pero malas nga naman, naabutan ako ng ulan. I checked my wrist watch, mag-aalasais pa lang ng gabi pero mukhang alas-otso na sa sobrang itim ng ulap.



Agad na sumilong ang ilang kabataang kakatapos lang ng shift ng klase sa gilid ng bookstore. Ang iba sa kanila ay nagtanggal na ng medyas at sapatos. Ang ibang mag-aaral ay ginamit ang kani-kanilang bag pangharang sa rumaragasang baha.



Sinubukan kong tawagan si Ranz pero out of coverage ang phone nya. I dialed Ashton's number instead, pero maski sya ay hindi sumasagot.



Wala akong choice kundi ang magcommute. Usually, sinusundo ako pauwi galing university dahil medyo malayo ang bahay namin sa pinapasukan ko. Pero dahil umuulan, kailangan kong magbus. Mahirap na magkasakit sa panahon ngayon.



"Miss, sakay ka na. Tulungan na kitang buhatin gitara mo, hija. Baka mabasa," napansin yata ni Manong konduktor na nahihirapan akong makasakay ng bus dahil na rin sa siksikan at sa gitara na nasa likod ko. Ibinalik niya rin ang gitara nang makaupo ako.



"Kuya, salamat po," nginitian nya ako pabalik at tinulungan ang iba pang matatanda sa labas. Naupo ako malapit sa bintana para makita kung ano ang nangyayari sa labas.



Ang dami pa ring estudyante mula sa department ko ang nakisilong sa mga bubong ng resto. Yung iba, nasa 7-Eleven para magpatila ng ulan.



Napaka-aesthetic lang ng datingan ng rainfall, parang rainy city lights na nakikita sa Pinterest. Nagsuot ako ng earphones para mas lalong maenjoy ang view at para na rin malibang ako habang naghihintay na mapuno ang loob.



Nakatigil kami sa tapat ng isang waiting shed,sa tapat ng isang mall. Paalis na sana ang bus na sinasakyan ko nang may sumingit na malaking truck ng softdrinks dahilan para maharangan yung dadaanan namin.



"Tanginang truck naman 'to. Ayaw mamigay," rinig na rinig ko ang pagbusina ng driver ng bus na sinasakyan namin, malapit lang din ang pwesto ko kaya maririnig ko ilang angal nya.



Nilibot ko ulit yung tingin ko sa labas at nahagip ng atensyon ko ang dalawang bata na nasa waiting shed. May kasama silang lalaki na matangkad na nakasumbrero. Nakasuot nang pamilyar na uniform yung lalaki. Uniform ng school namin.



Pilit kong pinalinaw ang mga mata ko mula sa malayo para makita kung ano yung binigay nung lalaki sa dalawang bata.



Tinapay.



Tsaka tumbler.



Lalo akong napangiti nang inilabas nung lalaki sa bag niya yung varsity jacket ng university namin at isinuot niya yun sa batang babae. Tapos hinubad nya yung puting polo nya at ipinasuot naman dun sa batang lalaki. Sinamahan nya silang kumain ng tinapay at nakikipagtawanan sa kanya yung dalawang bata.



Kapatid nya kaya yun? Pero parang hindi naman sila magkakamukha.



"Sa wakas, umalis na rin ang tae sa daan," umandar ang bus na sinasakyan ko at lumiko. Pinasadahan ko pa yung lalaki na nasa waiting shed, pero kahit anong gawin ko, hindi ko siya makilala. Ni hindi ko alam kung saang department siya pumapasok.



One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon