"Astrid!" Sigaw nya sa hallway. Nakangiti akong sinalubong ni Tiffany ng yakap.
Dinumog ng mga estudyante ang bawat kanto ng pasilyo. Lahat ay may sari-sariling mundo. Ang ilan ay tila hindi pa nakakahinga nang maluwag sa hirap ng final examinations. Tulala ang iba sa kanila at parang pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam ang dapat maramdaman ngayong tapos na naman ang isang semester para sa taon.
I did my best. Okay na yun kaysa sa wala.
"Nagugutom na ako," sambit ni Tiffany habang tinutungo namin ang gate palabas. Hindi pa tapos ang oras sa CBA kaya hindi namin kasama si ate Aira. Si Kiko naman ay may dalawang subjects pa kaya baka mamayang hapon na sila matatapos.
"Tara, kain tayo. Ako na manlilibre," nakangiting tugon ni Tiffany. Sumunod lang ako sa loob ng mini bus. Sinalubong agad kami ni Manong konduktor at binati pagkapasok. Gaya nang dati, tinulungan nya ako sa pagbuhat sa malaki kong gitara.
Katabi ko sana si Tiffany sa upuan pero may biglang lumitaw na lalaki sa harapan namin. Hindi nya man lang kami pinansin, dire-diretso lang syang tumungo sa bakanteng upuan na para sana sa amin at tahimik na naglagay ng headphones sa tenga.
"Kutusan ko yan e. Sa likod na lang ako, sis. Ito yung bayad ko," tumango ako bilang pagsang-ayon. Umupo ako malapit sa bintana at tumabi na lang sa lalaki. Inakap ko ang bag at umayos ng upo. Isinukbit ko ang airpods sa tenga para makaiwas sa usapan.
Pinanood ko ang tanawin sa labas habang bumabyahe. Tahimik na lumilipad ang mga ibon sa himpapawid. Ramdam ko ang lamig ng hangin na humahampas mula sa labas ng bintana. May mga ilang tao na rin ang nakikita kong nagkakabit ng iba't-ibang dekorasyon sa labas ng kanilang shops. Ang pinupuntahan naming mall na malapit sa Park Avenue ay napuno na nang makukulay na palamuting pampasko.
Tinignan ko ang orasan sa harap ng bus. Mag-aalas dose pa lang. Maaga pa para umuwi. May pagkain kaya sa canteen ng building? Daanan kaya namin ng pagkain si ate Aira pagkatapos mag-lunch?
Si Kiko? Ano bang paborito nyang pagkain?
"Anong iniisip mo?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Jireh. Nakababa na ang headphones nya sa tenga at nakatingin na sa akin.
"Wala naman," tipid kong sagot. Muli akong dumungaw sa labas ng bintana. Naramdaman ko rin ang paglingon ni Jireh, hinahanap kung anong tinitingnan ko.
Tumigil ang bus nang lumabas ang pulang ilaw mula sa stoplight. Maya't-maya ay nakaramdam ako nang mahinang tapik sa balikat, dahilan para mapalingon ako sa direksyon nya.
Sandali nyang sinalubong ang tingin ko at iniwas rin yun mula sa akin. He cleared his throat and spoke casually.
"K-Kumusta ka?" Tanong nya, nahihiya pa.
"Okay lang," tugon ko. "Yun lang ba?"
"Ano..." Napansin ko ang pamumula ng tenga at pisngi nya. "S-Sorry na. Kausapin mo na ako."
Hindi ako sumagot. Pinanood ko lang sya kung paano hindi mapakali sa kinauupuan. Tinanggal nya ang I.D nya at ang dalawang butones na nasa itaas ng polo uniform. Pulang-pula pa rin ang mukha at tenga nya. Hindi naman masyadong mainit sa lugar namin.
"Nagsosorry ka kasi?" Seryoso kong tanong.
Napansin ko ang pagkailang nya nang pasimple nyang kagatin ang kanyang ibabang labi. Lumikot din ang mga mata nya na parang may hinahanap na kung ano sa itaas ng bus. Huminga sya nang malalim bago ako harapin.
BINABASA MO ANG
One Lyric Away
RomanceI fell inlove with someone whom I thought I'm going to spend my life with, but unluckily, it turned out that he spent his rest with someone like me. © All Rights Reserved, 2021