4th Track: surprised

13 1 4
                                    

Walang nangyari buong week kundi practice, aral, practice, tapos aral ulit. Mas nakikisama na si Ranz at mas naging okay yung flow ng rehearsals namin compared last week. I don't know, maybe tinamaan na kami ng totoong maturity at growth.



Nag-uusap na rin kami pero formal lang like during practices at lunch breaks. Mas okay na yung ganito. Kaysa magmukmok sya at wala kaming matapos.



"Ranz," tawag ko sa kanya. Nakaupo lang sya sahig at tahimik na kumakain. Lunch break namin ngayon.



"Bakit?" Tipid nyang sagot. Sinalubong ako nang inosente niyang mga mata. Napangiti ako nang mapansing hindi nakakunot ang noo nya habang nakikipagtitigan sa akin.



"Tikman mo 'to," inoffer ko sa kanya yung paborito nyang fried chicken. Kapag nagpupunta sya sa bahay namin, ito lagi yung niluluto ni Mama para sa kanya.



"Ayoko," he looked away. Pero dahil makulit ako at gusto kong maglambing, ako mismo naglagay sa baunan nya. Sinamaan nya ako ng tingin pero nginitian ko lang sya. Kaya ayun, wala rin syang nagawa at tahimik na kinain yung manok.



Alam kong nasasarapan sya kahit na hindi nya sabihin. Ang taas lang talaga ng pride ng lalaking 'to.



"P-Pahingi pa nga," napangiti ako at agad na binigay sa kanya yung tupperware na may lamang ulam. Natatawa na lang sina Top at Kyle sa gilid habang pinapanood nila si Ranz na kumain dun at magpanggap na hindi nasasarapan.



"Tanga, yung manok yung gusto nya. Hindi ikaw. Magpasalamat ka sa manok," kasama ko ngayon sina ate Aira at Tiffany maglakad pauwi. Kinuwento ko sa kanila yung nangyari kanina.



"Hindi, baka makikipag-ayos na talaga sya. Ang tagal na rin, magtwo weeks na rin kaming hindi okay," I defended.



"Paano yung nakita ko na babae nun? Napag-usapan nyo na ba ni Ranz?" Tanong ni Tiffany.



"Baka naman na-misunderstood lang tayong lahat. Besides, sabi rin sa akin nina Top, bagong kaibigan lang daw nila yung babae kaya medyo close sila."



"Okay. Basta huwag ka na lang din magpakampante masyado dun sa babae. Pero, I'm happy for the both of you. Buti naman at naisipan na ni Ranz na kausapin ka," napangiti ako sa sinabi ni Tiffany. Samantalang si ate Aira naman, pabulong bulong lang sa gilid.



Kesho daw, malandi daw si Ranz at magaling sa role nya na pakitang tao. Na kung walang manok, hindi nya ako papansinin. Na dahil daw sa magaling na pag-marinate ng nanay ko kaya hindi nya natiis makipag-usap sa akin.



"Patay gutom lang talaga si Ranz," I rolled my eyes.



Dahil weekends naman bukas, niyaya ko silang mag-mall. Besides, wala na rin naman kaming rehearsals. Last na practice na namin yung kanina kaya mahaba-haba yung free time bago yung laban. Pero may gagawin daw si Tiffany na plates nhayong Saturday at Sunday kaya hindi sya pwede. May gagawin naman daw si ate Aira sa simbahan.



Galing ne. Hindi halata pero nagsisimba talaga yan.



Kinabukasan, nagpahatid agad ako kay Ashton papuntang mall. Nagalit pa nga sya sa akin kasi nag AFK sya sa laro nya para lang maihatid ako.



"Anong gusto mong pasalubong?" Tanong ko. Natanggal naman agad yung busangot sa mukha nya.



Basta libre talaga.



"Fries," tumango ako at nagpababa na lang ako sa tapat. Hindi pa man ako nakakapasok ay may napansin agad akong pamilyar na mukha malapit sa entrance. Gilid lang ng mukha yung nakikita ko pero alam ko kung sino yung lalaking naka-white shirt na nakasumbrero.



One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon