10th track: first love

20 1 7
                                    

Dedicated to my angel, staykidsrcool

"Wala sya dito, Miss," agad akong sinalubong ni Kuya Drew pagkapasok ko pa lang sa convenience store. Kumurba ang ngiti sa labi ko at natawa sa sinabi nya.


Agad akong kumuha ng breakfast at kumain kasabay ni kuya Drew. Aangal pa sana sya pero ako na mismo ang nagserve. Ibinalot ko ang nori at hinati ang iba't-ibang flavor ng riceball para sa aming dalawa. Nilagyan ko ng tubig ang mga plastic cups namin ni kuya Drew. Nginitian nya ako at pinasalamatan.


"Kamusta naman po si baby?" Tanong ko.


"Sinong baby? Yung akin o yung Kiko mo?" Muntik akong mabulunan sa kinakain. Agad nya akong inabutan ng tubig at inalalayan sa pag-inom.


"Kuya Drew, ano ba yan. Syempre po yung sa inyo," napaiwas agad ako ng tingin.


"Okay naman sya. Gusto mo ba syang makita?" Kinuha nya ang wallet at ipinakita sa akin ang picture ng anak nya. Ang gwapo nung bata, he got the nose of his father.


"Ano pong pangalan?" I asked. Naglagay ako ng tubig sa mga baso namin.


"Asahi," he replied. Ngumiti ako at tinuloy ang pagkain. Asahi is a good name.


Nagpaalam ako nang matapos. Agad akong umuwi sa bahay at naghanda na sa pagpasok.


"Ano yan?" Tanong ko nang may inabot syang kahon sa akin. Sinabayan ako ni Kiko sa paglalakad papunta sa building ko.


"Buksan mo," he smiled.


Sinunod ko sya at nakita ang isang necklace. Napangiti ako nang makita ang pendant na design. White Rose. Kamukha nung pinitas ko sa garden nya.


"Thank you, Kiko," lumiwanag ang mukha nya.


"You're welcome, my Astrid," he bowed. Natawa ako sa pinaggagawa nya. Parang bata. Nakita nyang nahihirapan ako sa pagsuot sa necklace. Tumigil ako sa paglalakad para maisukbit yun nang maayos pero hindi ko talaga maipasok.

"Ako na," hinawakan ni Kiko ang necklace at inalalayan ako sa pagkabit. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng pag-iinit sa pisngi nang mapansin kung gaano sya kalapit sa mukha ko.

"Don't blush," he mumbled.


"I'm not," I stuttered. "Bakit ang tagal? Hindi pa ba tapos?"

"Luh, parang hindi nagkiss. Magkalapit pa lang oy," hinampas ko sya sa braso. Tumakbo agad sya palayo para hindi ko na masundan ng sapak sa mukha. Nagtatawa-tawa sya paalis na parang sira papuntang CBA building. I rolled my eyes.


Sandali kong tinignan ang sarili sa salamin.


"Pero ang ganda ha," I whispered, still staring at the white rose.


Nagsimula na ang klase at hindi namim namalayan ang pagtunog ng bell. Masyado kaming binabad ng Prof sa iba't-ibang dimensions at plates kaya parang lahat kami ay wala sa sarili.


"Bakit parang ang saya nyo naman ngayon?" Tanong ni Jireh habang kumakain ng manok. Nandito kami ngayon sa cafeteria para kumain ng lunch. Nalalapit na naman pala ang Final Exams, dagdag mo pa ang preparation para sa research namin. Dapat ay mukha kaming stressed ngayon pero parang tuwang-tuwa pa kami sa mga nangyayari. Lalong lalo na sina ate Aira at Tiffany na hindi na halos makausap nang matino.


Ngayong araw rin ang unang araw namin sa trabaho.

"Jireh, naniniwala ka ba na age is just a number?" Tanong ni Tiffany habang nilalaro ang buhok. Kita ko ang pandidiri sa mukha ni Jireh nang harapin ako.


One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon