8th track: goal

23 1 2
                                    

"You have traveled 3 kilometers, keep it up," tumigil ako sandali sa lumang bench ng parke para magpahinga. Uminom saglit ako ng tubig at hinayaan ang sariling makahinga nang maayos. Mamaya pang hapon ang klase ko kaya naisipan kong mag-bike ngayong umaga.



Nagpasundo ako kay Mang Sid para makauwi pero tinamaan ako ng sipag magbike kaya heto ako ngayon.



Mag 20 minutes na akong nakaupo pero walang anino nang kahit sino ang lumitaw sa tabi ko. I mean, nakakapanibagong walang Kiko na babati kung gaano kaganda ang umaga. Walang Kiko na magbibigay ng corny jokes. Walang Kiko na mag-iingay.



Walang Kiko na papaalalahanan akong magiging ayos lang ang lahat.



Iniiwasan na ba ako ng lalaking yun?



Maya-maya ay nakaramdam ako ng gutom. Parang gusto ko ng kimchi at noodles. Bigla akong nag-crave at pumunta sa pinakamalapit na convenience store. At yun ang lugar kung saan sya nagtatrabaho.



Maingat kong binuksan ang glass door at walang imik na pumasok sa loob. Laking gulat ko ng makita si Kiko na tahimik na natutulog sa counter.



Pumunta ako kung nasaan ang estante ng mga ready to eat foods para sa breakfast ngayong umaga. Kumuha rin ako ng para sa kanya para sabayan ako sa pagkain. Ayoko kumain nang mag-isa.



Agad akong nagtungo sa counter at tinitigan ang mukha ng lalaking natutulog pa rin hanggang ngayon. Kagabi pa sya nagtatrabaho kaya malamang ay pagod na pagod ang taong 'to. I gently caressed his head like a puppy. His hair was so soft and healthy, I wonder kung paano nya yun inaalagaan.



"Baby boy," I whispered. "What a baby boy."



Napabitaw ako sa ulo ni Kiko nang biglang pumasok ang isang matabang lalaki sa loob ng convenience store. Puno ng pagkadismaya at lungkot ang mukha nya nang makita si Kiko.



"Tanginang bata 'to, tinotoo nya talaga," kamot ulo syang tumungo sa loob at nagsuot ng apron bilang uniform. Kinumutan nya gamit ang suot nitong jacket ang kasamang cashier at mahinang tinapik-tapik ang balikat.



"Excuse me po, pero ano pong tinotoo? May nangyari po ba?" Banggit ko.



"Nanganak kasi Misis ko," sambit nya habang pinapunch lahat ng pinamili ko. "Hindi ko sya napalitan kaninang alas tres kaya sya nagbantay nitong convenience store para sa'kin," bumalik ang tingin ko sa inosenteng mukha ni Kiko.



"Sobrang bait ng batang 'to," napatigil si Drew at muling tinitigan ang kasama. Drew ang nakalagay sa name pin tab niya sa apron. "Wala akong masabi sa kasipagan nito. Bali, 200 lahat, Miss," iniabot ko ang bayad at hinintay na mapainit ang lahat nang yun.



Tahimik akong umupo sa table malapit sa counter at pinagmasdan ang natutulog na si Kiko. Hindi ko alam pero sobra akong napapabilib ng taong 'to. Ewan pero lahat na yata nang makasalamuha nya ay may magagawa syang kabutihan sa kanila.



"Kuya Drew," sambit ko at agad naman nya akong hinarap. "Congratulations po sa inyo," kumurba ang tipid na ngiti niya habang inilalagay ang lahat ng pinamili ko sa tray.



Kinuha ko ang tray mula sa kanya at bakas ang pagtataka niya ng ilapag ko rin ang laman nun sa mismong harap ng counter.



"Kumain po kayong mabuti. Alam ko pong gaya ni Kiko, konti lang din ang naging pahinga nyo," dahan-dahan kong hinalo ang noodles at tinapat sa kanya ang chopsticks. Binuksan ko ang pakete ng Nori at ibinalot yun sa riceball gamit ang isa pang chopsticks.



One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon