7th track: unanswered

19 1 3
                                    

"You're actually good at drums. Bakit nasa Kids Ministry ka?" He helped me with my heels. He made me wear his white sneakers, napansin nya kasing medyo namumula ang mga paa ko kanina pa. Nakapaa na lang siya ngayon at parehas kaming papunta sa kitchen kung nasaan ang iba.



"I love kids. Masaya sa pakiramdam tawaging Kuya," sambit nya habang pinupunasan ang pawis sa noo gamit ang polong puti. Buhat buhat nya pa ang gitara ko at halata sa mga mabibigat nyang mga yapak na pagod siya.



"Ako na, Kiko," agad nya akong sinamaan ng tingin, dahilan para tumigil ako sa pag-agaw ng gitara mula sa kanya.



"Good, baby. Good girl," he chuckled.



Parehas kaming pumasok sa kitchen at nakisabay sa iba para kumain. Ni-reserve kami nina ate Aira ng upuan, magkakasama kami nina Ashton, kuya Jaden at Tiffany sa iisang table.



"Anong gusto mo?" He asked. Nagpunta kami malapit sa kuhaan ng mga ulam. He carried two plates in one hand and asked me questions about my preferences for lunch.



Sumosobra na siya sa sobrang gentleman kaya hinayaan ko na lang.



"Ew, kumakain ka nito? Pang kambing lang 'to di'ba?" He uttered. He looked disgusted while looking at a piece of lettuce.



"Tanga, masustansya yan," nilagyan ko nang ilang pirasong lettuce at pipino ang pinggan namin. Aangal pa sana siya pero hinila ko na siya papunta sa mga karne.



Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansing nakatitig siya sa mga kamay namin ngayon na magkahawak.



"Loko ka, ano na namang iniisip mo?" I asked.



"Astrid, yung totoo, crush mo na ba ako? Nag-eenjoy kang hinahawakan kamay ko," I made a face. Muntik ko siyang matulak sa kinatatayuan niya. Buti na lang napigilan ko kundi parehas kaming tataob sa mga pagkain.



"Mama mo crush. Mandiri ka nga," I feel embarassed. He really needs a therapist.



Kung anu-ano na lang nagagawa at nasasabi nya in a glimpse. Minsan, nakakatuwa na may kaibigan kang kagaya niya. Like, you can see his safe and comforting side as a friend. Pero nakakapangsisi rin dahil sa ilang topaking banat at kalokohan niya na minsan hindi ko alam kung saan nanggagaling.



"Sana alam mo yang pinagsasabi mo. Sana nasa wisyo ka pa. At sana aware ka na magkaibigan lang tayo," sambit ko habang tinutusok ng tinidor yung mata ng inihaw na bangus. Humiwalay kami ng table dahil naunahan kami ng iba naming kachurchmates na umupo sa nireserve ni Tiffany for us.



"May magkaibigan bang nagkiss na?"



"Maybe? Sa cheeks? Beso ganon?"



"Hindi. I mean sa lips?" He's really testing me.



"Maybe? Siguro?"



"Kahit passionate or French ganon? Nangyayari talaga yun sa magkaib-



"O-Okay, stop. Huwag mo ngang pinapasok yang topic na yan," I'm done with his jokes and teasing. Akala ko pa naman, hindi na ako maiinis sa kanya ngayong araw.



We ate lunch peacefully maliban na lang sa mga panakaw na tingin ni Kiko na nang-aasar na naman.



It's Monday, guess what? Back to normal. Walang katapusang plates at maths na hindi ko alam kung kaya pa bang i-take nang limitado at kakaunti kong braincells. Too exhausted to the point na hindi ko alam kung tama pa ba mga ginagawa ko o hindi na.



One Lyric AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon