"Astrid, anak," nakaramdam ako nang mahinang yugyog sa balikat kaya napabangon ako sa pagkakahiga. Si Yaya Auntie.
"Bakit po? Ano pong meron, Auntie?" Napatingin ako sa mga mata nya. Pulang pula yun, na para bang kakagaling lang sa pag-iyak. Anong nangyayari?
"Si Ashton. Nasa hospital," para akong binuhusan nang malamig na tubig sa narinig. Tuluyan akong napabangon sa kama at agad na pumunta sa kwarto nya.
Sobrang kalat ng mga gamit. Basag-basag ang mga picture frames, at may mga bote rin ng alak na nasa sahig. Amoy yosi rin sa loob.
"Dinala sya ng Papa at Mama mo sa hospital. Nakita nilang walang malay si Ashton kanina," mahina akong napahikbi habang pinupulot isa-isa ang mga nakakalat nyang damit sa sahig. May napansin akong litrato sa baba, at may parte dun na sunog.
Litrato nila ni Kaela.
"Saang hospital po dinala si Ashton?" Tinulungan akong mag-impake ni Yaya ng mga damit na dadalhin ko mamaya sa hospital. Nakaconfine daw sya ngayon, at wala pa ring malay.
Mahina akong napahikbi sa gilid. Hindi ko man lang nagawang kamustahin o tanungin kung anong nangyayari sa kanya. Kung kinausap ko lang sana siya kagabi, baka hindi nangyari 'to.
"Salamat po, Auntie. Magpapahatid na lang po ako kay Mang Sid papunta sa hospital. Paayos na lang po nung kwarto nya, tsaka po kapag pumunta po si Tiff mamaya, pasabi na pang po na hindi ako makakapasok," agad namang tumango si Yaya Auntie at inalalayan akong makasakay papasok sa kotse.
May napansin ako sa upuan ng sasakyan sa likod. May ilang patak dun ng dugo. Lalo akong kinabahan at nataranta sa kinauupuan. Ano bang nangyayari?
Mag-aalas sais pa lang nang umaga kaya wala pang masyadong dumadaang sasakyan. Habang tumatagal, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Kahapon, okay pa naman sya. Sinundo pa nya ako sa concert. Ano bang problema nya?
"Tulungan ko na po kayo, Ma'am Astrid," si Mang Sid na yung nagbuhat nung mga gamit. Ako naman ay dumiretso na agad sa counter para magtanong tanong sa mga nurse na nandun.
May nakabangga pa akong ilang pasyente sa sobrang pagmamadali ko.
"Hala, ate. Pasensya na po. Okay lang po ba kayo?" Tinulungan kong makatayo yung babaeng napahiga sa sahig. Medyo malakas yung pagkakabunggo ko sa kanya.
"Okay lang po," nginitian nya ako. Pumunta ako sa room na sinabi nung nurse pero wala namang tao dun.
"Yung lalaki ba kanina yung hinahanap nyo? Yung tinakbo kanina dito?" Napalingon ako ulit dun sa babae at agad na napatango.
"Opo, ate."
"Aishi na lang. He was brought kanina sa ICU tapos inilipat sa ibang room I think. Follow po kayo," sinamahan ko syang maglakad papuntang elevator. Hindi ako makapag-isip nang diretso. Ni hindi ko na alam kung anong pinindot na floor nung Aishi.
"Diretsuhin nyo na lang po ito hanggang sa dulo. Nandun po yung boy," nagpasalamat ako dun sa Aishi at dire-diretsong pumunta sa tinuro nyang kwarto. Sumusunod lang si Mang Sid sa akin. Pagkapasok ko sa loob ay nadatnan kong nakahiga si Ashton at tahimik na natutulog sa kama.
Nasa gilid naman sina Mom at Dad. Yakap yakap nila ang isa't-isa. Umiiyak naman si Mom at mahina naman syang pinapatahan ng tatay ko.
BINABASA MO ANG
One Lyric Away
RomanceI fell inlove with someone whom I thought I'm going to spend my life with, but unluckily, it turned out that he spent his rest with someone like me. © All Rights Reserved, 2021