"Astrid Miykal Alliñada po, Ma'am," I passed my plates na tinapos ko nung Saturday night. Tinanggap naman nya iyon at agad na pinalabas sa klase nya. Pinasadahan ko ng tingin si Tiffany na nakaupo sa last row.
Hindi tinanggap yung gawa nya kaya pinapaulit sa kanya. Mangiyak-ngiyak niya pa akong pinakyu sa gilid.
I checked my wrist watch, 10 in the morning pa lang. Mamayang 2 pa yung next subject ko kaya naman mahaba haba na naman yung break time. Balak ko sanang mag-rehearse, pero ang alam ko, may klase pa rin sila ngayon.
"Hoy, nagka-cutting ka na naman," naramdaman ko ang mahinang paghampas ni ate Aira ng bagpack niya sa ulo ko. I glared at her, pero natawa lang siya.
Sabay kaming nagpunta sa canteen para dun muna magpalipas ng oras. Sa ganitong oras, nag-aaral dapat ako in advance pero dahil tinatamaan na naman ako ng katamaran, umupo na lang ako at nakinig sa mga nasagap na tsismis ni ate Aira.
"Yah, I saw him nga with someone," bulong ni ate Aira sa akin habang iniinom yung coke. Nagpalibre na naman.
"No way. Hindi daw po pumasok si Ranz sabi nina Top kanina," I defended.
"Pumasok sya. Sabay nga kaming pinagalitan nung guard kanina sa gate. Tapos may akbay syang babae na nakasuot ng uniform na pang AB Comm. Nakalawit pa nga braso nung babae sa bewang ng jowa mo," I rolled my eyes. Ranz is a good man. Hindi nya yun gagawin.
Maybe, may alitan kami pero alam kong cheating is not in his vocabulary. Besides, sinabi niyang may ginagawa siyang report kaya hindi niya ako maconsult ngayon.
"Liar," I replied.
Then she smirked. "Duh, ikaw rin. If I were you, kakausapin ko yan. He is the perfect definition of a white man, Astrid. a walking red na bandila," I rolled my eyes.
Tumayo na si ate Aira sa kinauupuan nya at naglapag ng bente sa harap ko. Bayad dun sa coke na ininom nya. Naiwan naman akong mag-isa sa table.
Nag-open na lang ako ng stan account ko sa Twitter at nagbasa ng kung anu-anong walang kwentang nagtetrend. Ngayon pala yung concert ni Taylor Swift. Mamayang gabi na.
Gusto ko sanang pumunta kaso wala akong concert ticket. Si Ashton kasi, sabi ko sa kanya nun, kuhanan nya na ako kahit Gen Ad lang, pero mas inuna nya yung sa kanila ng fling nya. Kaya ayun, naubusan agad ako.
Gusto ko manood! May mga nagreretweet na sa Twitter about sa tracklist na kakantahin nya mamaya sa concert. May mga nagpapakitaan na rin ng mga merch kaya mas lalong nakakainggit.
BINABASA MO ANG
One Lyric Away
RomanceI fell inlove with someone whom I thought I'm going to spend my life with, but unluckily, it turned out that he spent his rest with someone like me. © All Rights Reserved, 2021