Chapter 12

9 4 0
                                    

THE UNEXPECTED TEACHER

 Napatingin ako kay Miss Arcade na nakangiti pa rin habang manghang mangha sa pagbabanta ng ikalawang grupo sa amin. 

 Hindi ba niya pagsasabihan ang mga ito dahil sa pananakot sa amin? 

 "I'm Gabriel Savedra, Fire Mage from Central City." Pakilala ng leader nilang nagbanta sa amin. Tsk! Mukhang masungit! Ay hindi masungit talaga! 

 "John De Vera, Card Manipulator from North City." Walang gana nitong pagpapakilala at mababakas pa sa mukha nito na inaantok pa.

 "Samantha Dy, Water Mage from Central City." Kilala ko si Samantha dahil siya ang nagiging representative sa ibang palahok ng paglalaban laban ng lahat ng Magic Academy at naroon kami sa South Magic Academy o SMA upang manood ang nagaganap na palahok sa CMA.

"Clay Zamora, Earth Mage from South City." Nerd looking siya pero makikita mo pa rin ang pagka cold niya at ang highlights nitong berde ang kapansin pansin.

"Evangeline Samson, Weapon Maker from East City." Woah! Ang cool naman ng trait niya! She can make weapons through her trait without the needs of materials.

"Ardaze Revista, Summoner from North City" Summoner? Ano kaya ang nasusummon niya?

After they introduced themselves ay totoo ngang nakakagimbal ang presentation nila dahil detalyadong detalyado ito pati dugo ay nagawa nila at ang mga sigaw. Masyado nilang ginawang horror ang presentation nila!

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ang isa pang grupo at grupo ni Allana. At ang susunod ay kami na!

At dahil ayoko na rin pahabain pa at pare parehas lang din naman ang aming presentation ay hindi ko na lang isasalaysay ang naganap basta nagawa namin ng maayos ang presentation kahit na dalawa lamang ang gumagawa ng visual.

Matapos ang klase ay pumunta na rin kami sa Cafeteria upang kumain. Mababakas sa mga mukha namin ang pagod at ang iba pa nga'y natutulog na.

"Hays! Ngayon na lang ulit ako napagod sa klase ng ganito! Wala pang training class ah!" Saad ni Allana na nag uunat pa. Hindi naman ako tumutol sa kanyang sinabi dahil kahit ako'y napagod din sa klase ngayong araw.

Kumain na lamang kami at balak na mamili sa labas ng akademya ng mga kakailanganin namin sa pagsasanay sa weekends para sa paghahanda sa lunes dahil gaganapin na ang pagkuha namin ng I.D.

Ngunit ng paalis na kami ay may naramdaman kaming malakas na presensya na siyang kinatigil naming apat sa paglalakad. What the---

Kaninong presensya 'yun? Mahahalata mong malakas siya dahil ang naging epekto samin ng presensya niya ay ganito na lamang kahit na hindi namin labanan ay manginginig naman kami sa takot! Taga Dark Realm ba siya?

"Good afternoon students of CMA, this is your Headmaster speaking,  please proceed to the open field for an announcement."

"Again, please proceed to the open field for an announcement." Nawala na rin ang presensya matapos magsalita ng Headmaster kaya imbes na umalis na kami upang mamili ay dumiretso na lang kami sa open field.

Marami na agad ang taong naririto at nagbubulungan, mukhang naramdaman din nila ang kaninang presensyang nararamdaman namin dahil narinig ko ito sa likuran namin na kanilang pinag-uusapan.

Kaya ba kami pinapunta dito sa open field ay dahil sa presensyang 'yun? Or may iba pang dahilan?

"Good day my dear students, did you felt the strong presence earlier?" Everyone said yes in unison.

Nagpatuloy muli magsalita si Headmaster, "Don't be scared it's just one unexpected guest that I haven't invited to teach here. Yes it's a new teacher! I can't say No dahil isa siya sa malakas at may malaking impluwensya sa digmaan noon. It is no other than Shindo Alistar, one of the Elite 3!"

Naglakad ang naka kapang lalaki at naglakad paakyat sa stage. Nawala na ang malakas niyang presensya malamang ay tinago na niya ito upang hindi na matakot ang ibang estudyante.

Tinanggal nito ang kapang nagtatago sa mukha niya at bumungad sa amin ang 'di katandaan ngunit may itsurang lalaki pero makikita mong masungit ito dahil hindi man lamang ngumingiti. Hindi ba kasama siya nila lola? Bakit parang mas bata siya kumpara sa lola namin ni Kiara?

"I will be teaching Mastery and Combat Class" Ito lamang ang sinabi niya at umalis na agad sa stage. Wow, man of few words! Hahaha!

"Also, next week is the start of our 3 days I.D completion so enjoy your weekend everyone and take a good rest!" Dagdag ni Headmaster na halata mong nainis din sa inasal ni professor Shindo Alistar.

Nagsialisan na kami matapos ang maikling announcement na ginawa sa open field at tumuloy na kami sa pamimili.

"Look! Ang cool ng bow! I want to buy!" Kinaladkad ni Allana si Krista at tumakbo sila sa isang store na puro mga pana.

Hays! Wala naman ako maisip kung anong bibilhin ko dahil hindi ko alam paano ko ma iimprove ang trait ko. Tanungin ko kaya si Kiara?

"Kiara anong---" Walang hiya! Paglingon ko ay wala na ito! Iwan ba naman akong mag-isa! Bumuntong hininga muna ako at naglakad lakad na lang dito sa pamilihan.

Hmm. To enhance my mind, ano kayang dapat na gawin bukod sa mag focus? Ugh! Hindi ko rin alam!

"Hey, what are you doing to your hair?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang isang babaeng kaedaran ko na nakatingin sa akin at nagtataka sa ginagawa kong pagsabunot sa sarili ko.

"Uhm... Wala ito nag-iisip lang ako hehehe" Awkward kong sabi at inayos ang buhok ko.

"Are you alone? Want me to accompany you?" Ha? Hindi naman kami magkakilala bakit gusto niya akong samahan? Hindi rin naman ako sigurado kung katulad ko ba siyang nag-aaral sa CMA dahil wala itong suot na uniporme ng skwelahan.

"Ay hindi okay lang! Hinihintay ko lang mga kaibigan ko, namimili pa sila at malapit na rin siguro matapos." Tumikhim ito nanparang dismayado kaya nagtaka ako.

"What kind of friends they are to leave you here? I insist let's go and eat while waiting on them. I don't want to see you alone in this huge crowded place." Wow! Ang bait naman niya! Pero ayoko pa rin sumama sa hindi ko kilala. Huhuhu!

"My bad! I should've introduce myself first to you. My name's Seraphine Reveznia" Wow ang pretty ng name! Siguro magpapakilala na lang din ako tutal sabi niya kakain naman daw kami at maghihintay dito.

"Ako naman si Lianna Raven. Nice to meet you, Seraphine!" Ngumiti ito ng kay ganda ganda! Hala natitibo na ata ako dahil gumanda lalo siya sa pag ngiti niya!

"Just call me Sera."

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon