Prologue

20 6 0
                                    

Sa distrito ng Safre ng South City ay makikita ang magagandang tanawin at ang pamumuhay na payapa na malayong malayo sa pamumuhay sa syudad

Umuulan noon ng may isang babaeng nakataklob ang tumatakbo habang palinga linga na tila ay sinusundan siya

Habang may isang matandang babae naman ang naglalakad pauwi sa kanyang bahay

Nakita ng babaeng nakahood ang matanda at agad itong nilapitan. Binigay niya ang sanggol niyang dala sa matanda at sinabing alagaan ito at protektahan. Hindi na nakapalag ang matanda dahil agad na naglaho ang babae sa kanyang harapan.

Nalaglag ang isang pendant kung kaya't agad itong kinuha ng matanda at umuwi na sa kanyang bahay.

Sa kanyang pag uwi ay tinitigan niya ang sanggol na umiiyak at napansing may pendant din ito ng katulad ng napulot niya

Inalo niya ang sanggol upang tumigil na ito sa kakaiyak. Napangiti ang matanda dahil parang isang anghel ang sanggol na ibinigay sa kanya

At doon pinangalanan niya ang sanggol

Lianna. Lianna Raven

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon