Chapter 5

11 4 0
                                    

FIRST DAY

Maaga akong bumangon upang maghanda para sa pagpasok namin sa klase mamaya. May binigay na rin na uniporme na dinala dito ni Dale kanina lamang. Matapos kong kumain ay nagbihis na ako. Hinayaan ko na lamang muna si Kiara dahil hindi niya naman ako alila para gisingin pa siya. Bahala siyang mahuli sa unang klase niya. Naalala ko na naman ang nasa isip niya kagabi, sa sobrang excited ay mukhang mahuhuli pa siya sa unang araw niya. Napatawa na lamang ako sa naiisip ko.

Naglakad lakad na ako at nasa labas na rin ng dorm. Mapapansin ang magagandang tanawin sa paligid na siyang kinamangha ko ng todo. Oo nga naman maganda talaga itong school dahil dito nagmumula ang mga mayayamang angkan at dito rin nagtapos ang mga may malalakas na trait.

Tumingin ako sa aking relos at napansing malapit na magsimula ang klase kung kaya't tumungo na ako sa ikatlong palapag ng school at dumiretso sa dulo ng hallway dahil nasa last section ako pero hindi naman ito magtatagal hangga't hindi pa nagsisimula ang pag alam sa aming mga kakayahan o ang pagkuha ng aming identification card.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan. Hindi pa puno ang mga upuan dahil maaga pa at tanging pito lamang na studyante ang aking nadatnan.

Tinitigan nila ako pero iniwas ko lamang ang aking tingin at nagtuloy tuloy sa paglalakad hanggang sa makaabot sa pinakadulong pwesto at doon ay sinimulang umub-ob muna tutal ay wala pa naman ang aming guro.

Hindi pa ako masyadong nakakatulog ay may tumatapik na sa akin kung kaya't nag angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang isang babae na todo ang ngiti.

"Hi! Ngayon lang kita nakita dito, transferee?" Tanong niya. Tumango na lamang ako at babalik na sana ulit sa pagtulog ng magsalita ulit siya. Ano ba naman yan bakit ayaw niya ako patulugin.

"What's your name?" Tanong niya. Inis kong inangat ang tingin ko sa kanya. Nakakainis kasi siya napaka istorbo.

"You'll know later tutal magpapakilala naman ako mamaya" at natuluyan ko na rin ang umub-ob ng tahimik pero mukhang hindi talaga ako makakatulog!

"Lianna!" Inis ko na namang inangat ang aking tingin sa taong sumigaw ng pangalan ko.

"Bakit ba Kiara kita mong matutulog yung tao!" Hindi niya pinansin ang sinabi ko at dire diretso pa din sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ko.

"Bakit hindi mo ako ginising?" May gigil niyang sabi at napa taas ako ng kilay. Seriously? Sabagay, excited kasi siyang pumasok kaya galit na galit ngayon dahil muntik na siyang mahuli.

"Bakit naman kita gigisingin? Hindi mo naman ako yaya" Tinaasan niya rin ako ng kilay at magsasalita pa sana siya ngunit nagsipasok na ang iba pa naming makakasama at ang guro kung kaya't wala siyang nagawa ay umupo na lang sa katapat kong upuan nakita ko rin na pumasok si Allana at si Krista. Kumaway sa akin si Allana bago umupo sa pwesto niya habang si Krista naman ay diretso lamang sa paglalakad hanggang sa umupo na rin.

"Good morning class, I'll be your temporary homeroom teacher my name's Arcadia LeBlanc call me Miss Arcade..." Masayang bati nito sa amin.

"Nagka emergency kasi yung dati niyong teacher kaya't ako ang pinalit para magbantay sa inyo kaya ngayon..."

Nilibot niya ang tingin niya na parang kinikilala kami. Dumako ang tingin niya sa akin at kumunot ang noo pero nawala rin yun kalaunan at nagpatuloy sa pagtingin sa iba.

"Alright now I know all of your names gusto kong kayo naman ang magpakilala sa mga classmates niyo. Now please count 1-5 and make a circle each group." Agad nagsimulang magbilang ang nasa unahang hilera hanggang sa umabot na sa akin na siyang pinaka huli.

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon