START
"Lian! Naku namang bata ka! Nasaan ka?" Humagikgik ako at tinatakpan ang bibig para pigilan ang pagtawa.
Tinataguan ko kasi si lola dahil alam kong isasama na naman niya ako sa kabilang baryo ngunit ayoko sumama dahil doon nakatira ang babaeng kinaiinisan ko.
"Kapag hindi ka pa lumabas ay ikukulong kita sa dark sphere!" Napasimangot ako at lumabas na ng cabinet na nasa kanyang likuran lang.
"Lola naman eh! Huwag dun! Ang dilim dilim dun tapos ang tahimik" Kinurot ni lola ang tenga ko kaya napatangay na rin ako sa kanya.
"Aray lola! Tama na po!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit ang lakas ni lola, "Ikaw talagang bata ka! Tara na at aalis na tayo!" Tumango na ako dahilan para bitiwan na niya ang tenga ko.
Minasahe ko ang tenga ko at sumimangot, "Alam niyo naman pong nandun si Kiara!"
Si Kiara ang mortal enemy ko simula bata pa lang kasi napaka spoiled brat niya at selfish at palagi niya akong pinapahiya sa mga kalaro ko na kesyo wala raw akong kapangyarihan o mahina naman ako.
Sa totoo lang meron akong kapangyarihan pero hindi ito kasing lakas ng kapangyarihan ng iba kumbaga parang ako ang pinaka least na malakas dahil ang tanging nagagawa ko lang ay mabasa ang isip ng isang tao pero hindi ko pa ito masyado kontrolado dahil mahirap pumasok sa isip ng tao.
"Bakit ba hindi kayo magkasundo ni Kiara? Halos magkasama na kayo simula bata pa lang..." Never!
"Lola naman! Puro away lang kami noong bata pa lang hanggang ngayon nga ay nag aaway pa rin kami" Hirit ko pa.
Habang dada ng dada si lola tungkol sa amin ni Kiara ay nakarating na kami sa baryo.
Speaking of the devil, "Lianna! What a nice day to start" Kumunot ang noo ko sa kanyang pagtawa. Mukhang baliw.
"Not nice to see you too" Inirapan ko ito at sumunod na kay lola patungo sa bahay nila Kiara
Magkaibigan ang lola ko at lola ni Kiara at lagi kami pumupunta dito tuwing sabado at sa linggo naman ay sila Kiara ang pumupunta sa amin.
I froze when I was going to take another step. Literally froze! Kiara froze my feet kaya hindi ako makahakbang.
"Kiara ano ba! Tanggalin mo nga 'tong nasa paa ko!" Pero instead na tanggalin niya ay tumawa lang ito.
"You should see your face! It's so ugly and disgusting!" Nakakainis! Bakit ba hindi na lang katulad ng kanya ang kapangyarihan ko para Ifreeze ko ang bunganga niya sa kakatawa!
"Kiara stop that! Huwag mo nang asarin ang kaibigan mo" Nakita ko ang lola ni Kiara sa pintuan kasama si lola. I sigh dahil miski ang lola ni Kiara ay tingin ay magkaibigan kami.
"Lola we're not friends! I don't befriend a weakling such as her" Nakakaimbyerna na talaga itong malditang 'to!
Inangat ng lola ni Kiara ang kamay niya at tinutok kay Kiara at may sinabi siyang salita at doon bigla rin nag freeze ang paa ni Kiara! Serve her right!
"Lola! Why did you do that? Remove this in an instant!" Umiling lang ang lola ni Kiara habang ang lola ko naman ay tumatawa. Great ang dalawang baliw na lola.
"Buti nga sayo" Inirapan ako ni Kiara. "Diyan muna kayo hangga't hindi pa kami tapos mag usap ng lola mo. Enjoy the view kids" at bumalik na ang dalawang lola sa loob habang kami ay nasa labas at pinagtitinginan na ng mga tao.
"Ugh! This is your fault!" Sisi niya sa akin, "Wow ako pa? Eh ikaw nga 'tong naunang mag freeze ng paa ko!" She just tss.
"Kiara tanggalin mo na kasi 'tong yelo sa paa ko" Pagmamakaawa ko sa kanya pero she just said, "No way in hell I'm gonna do that then kapag natanggal ko yan ay ako na lang ang magiging miserable? It's better to be the two of us than I alone." See? Napaka selfish!
Habang naghihintay kami sa pagbalik nila lola ay may narinig kaming pagsabog sa loob ng bahay.
"What was that?" I asked her.
"Duh, nakikita ko ba? Kita mong nandito tayo pareho sa labas" Aish!
"Kiara unfreeze my feet sa tingin ko nanggagaling yun sa loob ng bahay niyo dali ichecheck ko!" Kiara snapped at tinanggal niya ang yelo at dali dali akong tumakbo
"Lola?" I saw my lola and Kiara's lola na hingal na hingal na tila'y nakikipaglaban o nakikipaglaban ba sila?
"Lian what are you doing here? Get out and run with Kiara" Sabi ni lola sa akin pero hindi ako lumabas dahil gusto ko ng sagot.
"What's happening lola?" Tinignan ko ang nasa harap nila at doon nakita ko ang tatlong naka hood na itim na hindi ko kilala.
"Just get out of here Lian and run with Kiara! Tinanggal ko na ang nakafreeze sa paa niya. Out now!" Wala na akong nagawa ng pwersahang tinulak na ako ng lola ni Kiara papalabas.
Habang tumatakbo ako ay nakita ko si Kiara na papalapit, agad ko siyang hinila at bumalik sa kanyang pinanggalingan at tumakbo.
Nandito kami ngayon sa sumunod na baryo. Ang baryo ng mga karamihan ay gumagamit ng kapangyarihang apoy. Baryo Fiar ng South City.
Nagpahinga kami ni Kiara sa isang punong lilim.
"What the hell? Anong nangyari sa loob? Nasaan si lola?" Sa tingin ko ay nakalayo na kami mula sa kanila.
"Answer me!" Tinitigan ko si Kiara na galit na galit at tanging iling na lang ang nasagot ko.
"Don't tell me..." Nanlaki ang mata ko sa naiisip niya, "No they're not! Sabi ng lola mo ay tumakbo tayo papalayo dahil may kalaban silang mga naka hood na itim!"
"Then why the hell are we running! We should help them!" Umiling ako sa sinabi niya, "Hindi pwede, ang sabi ng lola mo ay dapat tayo tumakbo"
"I'm not as weak as you are! I can help them!" Agad ko siyang hinatak at niyakap para tumigil.
"Kiara listen! Pinatakbo nila tayo dahil alam nilang magiging sagabal lang tayo sa kanila at isa pa malakas ang mga lola natin" Pagpapagaan ko ng loob sa kanya.
Lumayo siya sa yakap ko at tila ay nag-iisip.
"But what if..." Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya at hindi ako nabigo ng mabasa ko ang sinabi niyang baka mamatay sila o baka patay na sila ngayon.
"Kiara don't think like that, we're going back after an hour to check but for now let's rest dahil hingal na hingal ako sa kakatakbo" bumuntong hininga na lang si Kiara at tumahimik na.
"Did you just read my mind?" She said, tumango ako at nanlaki ang mata niya.
"Privacy please!" Tumawa na lang ako at hindi namalayang nakatulog na pagtapos ng ilang minuto.

BINABASA MO ANG
CMA #1: The Mind
FantasyJoin Lianna Raven on her adventure of finding out her greatest weakness that turned into her greatest strength that everyone is not aware of. "The weakness can be your strongest."