ELITE 3
Matapos ang salo salo kagabi ay agad din naman kaming nagsitulog at ngayon ay ang ikalawang araw namin.
Dahil nga sa maaga na ay ginising ko na rin si Kiara dahil alam kong gusto niya at ang lola niya dati ang gumigising sa kanya dahil hindi siya sanay gumising ng maaga.
Nang nasa tapat na ako ng room niya ay kumatok muna ako bago pumasok, hindi naman siya nakalock dahil siguro ay inaasahan niyang gigisingin ko siya ngayong araw. Kakaiba talaga.
"Kiara gising na papasok na tayo" Niyugyog ko ito sa kama niya ngunit hindi pa rin dumidilat at puro ungol lang ang sagot.
"Kiara hinahanap ka na ng lola mo may dalang pamalo..." Sinadya ko itong sabihin malapit sa tainga niya para matakot siya. Takot kasi siya sa lola niya lalo na tuwing hindi ito agad bumabangon at may dala nang pamalo.
Nasaksihan ko ito ng isang beses noong maaga kami pumunta ni lola sa kanilang bahay kaya sigurado akong magiging epektibo ang aking panakot sa kanya.
Dahan dahan niyang minulat ang mata niya na nakasimangot pa rin at nang magtama ang paningin namin ay lalong sumama ang mukha nito.
"Bakit nandito ka sa kwarto ko?" Bungad nito. Napasimangot naman ako dahil hindi bagay sa kanya ang pagiging inosente dahil tiyak kong inaasahan niya talagang gigisingin ko siya ngayon.
"Wala man lang bang good morning diyan?" Inirapan lamang ako nito at saka na siya bumangon at nagtungo sa kanyang cr pero bago siya makapasok ay agad akong nagsalita.
"Grabe ka naman Kiara! Alam ko namang inaasahan mo akong gisingin ka ngayon kaya hindi mo ni lock ang pintuan mo. Tama ako diba?" Hindi man siya lumingon ay nasilip ko ang pag ngisi niya at dumiretso na sa loob.
Maling desisyon talaga na gisingin siya!
Lumabas na rin agad ako sa kwarto para sana maghanda ng makakain pero mukhang naihanda na ni Krista ang aming breakfast.
"Can you wake up Allana for me?" Pakiusap nito sa akin na tinanguan ko. Aba minsan lang siya humingi ng pabor kaya pagbibigyan ko na.
Naglakad na muli ako sa katabing kwarto ni Kiara, nakasiwang ang pinto nito kaya hindi na ako nahirapan pang pumasok.
"Allana wake up, papasok na tayo..." Niyugyog ko din ito tulad ng ginawa ko kay Kiara ngunit nanatili pa rin ito sa pwesto niya at wala man lang bakas na reaksyon ang mukha.
"Allana pinapagising ka sa akin ni Krista, bumangon ka na diyan" Wala pa rin akong natanggap na anumang reaksyon kaya chineck ko kung humihinga pa siya. Ngunit pagkapa ko sa kanyang pulsuhan ay napaso ako sa sobrang init niya.
"Allana wake up!" Sigaw ko na dito ngunit hindi pa rin talaga siya bumabangon kaya no choice ako kung hindi ay tawagin si Krista.
"Krista! Ayaw magising ni Allana, ang init niya!" Tila'y bigla namang may dumaang hangin ng biglang pumasok si Krista sa kwarto at agad lumapit sa kanyang pinaan at hinawakan din ang pulsuhan ngunit napaso rin siya tulad ko.
"Get out of the room Lianna, you don't want to see what will happen next" Napalunok ako dahil sa lamig ng boses sa sinabi niya at lumabas na ng kwarto. Grabe!
Nang makalabas ako ay saktong lumabas na rin si Kiara na nagtataka dahil hingal na hingal ako. Iniwas ko na lamang ang tingin ko dito at dumiretso na sa sala.
"Anong nangyari?" Huminga ako ng malalim dahil sa tanong ni Kiara na sinundan pala ako papunta dito.
"Ewan ko pero may kakaiba kay Allana kasi ayaw niya magising tapos noong kinapa ko ang pulsuhan niya ay sobrang init kaya tinawag ko si Krista ngunit pinalabas niya lang ako dahil ayaw niya ipakita sa akin ang gagawin niya kay Allana." Tumango tango si Krista at nang tignan ko ito ay kumakain na siya.
"They're weird, indeed." Maikli nitong sabi. Sinabayan ko na lang din sa pag kain si Kiara dahil alam ko namang hindi pababayaan ni Krista ang pinsan niyang si Allana.
Matapos namin kumain ay niligpit ko na rin ang mga pinggan na aming ginamit at tinabi ang luto ni Krista para makakain sila kapag lumabas na sila sa kwarto.
Sasabay sana ako kay Kiara pumasok ngunit mukhang inunahan na naman niya ako kaya ako na lang ulit ang mag isang naglalakad patungo sa room namin.
"Good morning class!" Masiglang bati ni Miss Arcade.
"Good morning Miss Arcade!" Bati namin. Nilibot ulit ni Miss Arcade ang paningin niya para siguro malaman kung may mga lumiban.
"Mukhang marami ang lumiban sa inyo ngayon..." Hindi ko na masyado narinig ang sinasabi ni Miss Arcade dahil nilibot ko rin ang paningin ko at nadismaya dahil wala pa rin si Krista at Allana. Si Kiara naman ay hindi ko alam kung saan nagtungo dahil miski siya ay wala dito ngayon.
Matapos ang klase ay ang break namin ngunit imbes na sa Cafeteria ang tungo ko ay pupunta ako ngayon sa Silid-Aklatan para maghanap ng libro patungkol sa Elite 3 na tinalakay ni Miss Arcade kahapon.
Tumungo ako sa namamahala ng Silid-Aklatan para magtanong kung saan matatagpuan ang libro na may kinalaman sa Elite 3, agad naman niya akong tinugunan at binigyan ng papel kung saan doon makikita ang mga librong patungkol sa Elite 3.
Nasa History ang librong aking kinuha at agad ako nagtungo sa Talaan ng Nilalaman para mahanap ang Elite 3 at hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko ito.
"Elite 3. Noong panahong 198* sa pamumuno ni Haring Zed, naganap ang digmaan sa pagitan ng Light Realm at Dark Realm, nagtulong tulong noon ang bawat City na pinangunahan niya kasama ang kanyang mga kaibigan sa iba't ibang City. Sa lakas ng pwersa ng Pinuno ng Dark Realm ay natatalo ang Light Realm ngunit mula sa mga Akademya ay pinadala nito ang mga Class S sa iba't ibang Akademya para tumulong sa digmaan. Marami na ang nasawi ngunit sa gitna ng labanan ay may dumating na mensahe galing sa Diyos para sa mga Light Realm at iyon ay ang nagbigay sa kanila ng pag-asa ngunit may halong pagtataka dahil binanggit umano ng mensahador na kailangan nilang hanapin ang tatlong studyante noon na kanilang ipinatapon sa labas ng Central Magic Academy dahil sila ang inaasahang susi para sa tagumpay ng mga Light Realm. Hindi nag atubili ang Haring Zed at binigyan ang lahat ng mission sa paghahanap sa tatlong studyante noon na nagtataglay ng malakas na trait ngunit sila ay nakakatakot at palaging lumalabag sa batas na siyang kanilang naging dahilan para sila ay ipatapon mula sa Akademya."
Hindi ko mapigilan ang maamaze sa nababasa ko dahil ngayon ko lamang ito nalaman at ang dating digmaan ay malapit sa aking kapanganakan.
"Sina Shindo Alistar, Lilith Blackwood at Rianna Raven..." Teka! Ang lola namin ni Kiara ang nabanggit ngunit hindi ko kilala ang isa pa nilang kasama.
Lola marami kang dapat sabihin sa akin! Umiling iling ako at 'di napigilang ngumiti dahil totoo nga na malakas ang lola namin ni Kiara dahil silang dalawa ang sumasanay sa aming dalawa at talaga ngang nakakatakot sila!
"...Sila ang tatlong hinanap noon at hindi naman sila nabigo dahil natagpuan si Shindo Alistar na nasa West City, at si Lilith Blackwood at Rianna Raven ay sa South City. Nakumbinsi ng Hari ang tatlo upang labanan ang pwersa ng Dark Realm at ilang buwan ang lumipas bago naideklara ang pagkawagi ng Light Realm mula sa kasamaan ng Dark Realm..." Huminto na ako sa pagbabasa dahil tumunog na ang bell hudyat na pagtatapos ng break at ang pagsisimula ng susunod na klase.
Binalik ko na ang libro mula sa dati nitong pwesto at lumabas na rin sa Silid-Aklatan para tumungo sa classroom.
Sa aking pagbabalik ay nakita kong halos kumpleto na kami dahil nandito na si Kiara, Krista at maging si Allana na nakangiti sa akin.

BINABASA MO ANG
CMA #1: The Mind
FantasyJoin Lianna Raven on her adventure of finding out her greatest weakness that turned into her greatest strength that everyone is not aware of. "The weakness can be your strongest."