Chapter 7

8 4 0
                                    

STUDENT COUNCIL

Maagang natapos ang klase namin dahil half day lang kami tulad nga ng sabi ko ay puro orientation lamang.

Balak ko sana pumunta ngayon sa Silid-Aklatan para alamin ang katauhan ng Elite 3 pero siguro ay bukas na lang tutal napagod ako ngayong araw.

"Ang cool talaga ng tatlo kanina sa Cafeteria, 'no!" Napatingin naman ako sa katabi ko sa paglalakad na si Allana.

"Kilala mo sila?" Tumango siya.

"Yup! Kabilang sila sa Student Council at talagang hinahangaan sila dito kahit na taga Class A at hindi sila kabilang sa mas mataas pa" Student Council?

"Student Council?" Tinignan muna niya ako na parang nagtataka pero nawala rin 'yun ng marealize niya na bago pa lamang ako.

"Si Miss Dale, Jake and Ezekiel ay part ng Student Council, although may iba pang part ng Student Council na nasa pinaka unang Class o ang Class S, ang rinig ko pa nga ay apat lamang silang nasa Class S at ang bali balita ay nakakatakot daw silang apat dahil sila ay may matataas na rank sa Student Council" Tumango tango ako sa paliwanag niya.

"May isa pa pala! Actually classmate natin siya ngayon! Her name is Chandria part din siya ng Student Council at kapatid niya si Ezekiel" 'Yung baliw na babaeng 'yun? Part ng Student Council? Magugunaw na ba ang mundo?

Hindi namin namalayan na nasa Dorm na kaming dalawa, nang makapasok kami ay naabutan namin si Krista na nagsasanay ng kanyang trait, ang telekinesis. Ang trait naman ni Allana ay ang far sighted nito na talagang kamangha mangha.

Mukhang wala pa si Kiara kaya pumunta muna ako sa aking kwarto para magpalit ng damit. Maggagabi na rin naman kaya't nagpalit na ako para sa salo salo mamaya sa Dine hall ng Dorm. Sama samang kumakain ng Dinner ang mga nasa Dorm maging ang mga nasa Boy's Dorm ngunit magkahiwalay ang Dinner kung kaya't puro babae lamang ang makakasalamuha namin mamayang Dinner.

Rinig ko ang pagbukas ng pinto kaya sumilip ako sa labas ng aking kwarto at nadatnan ko ang banas na banas na mukha nito. Anong nangyari sa kanya?

"Bakit ganyan mukha mo? Para kang pinagsakluban ng lupa" Asar ko dito ngunit tinitigan lang ako nito ng masama. Mukhang masama ang nangyari sa kanya matapos ang klase.

"Ugh! That guy! He'll meet the hell soon!" Rinig namin na sigaw niya matapos niyang makapasok sa kwarto. Woah, mukhang may lovelife na ang bruha.

Lumapit naman na ako sa pwesto nila Krista habang sila ay nag eensayo, "Gusto mo rin ba mag training Lian?" Tanong ni Allana ngunit umiling ako. Gusto ko kasi sana makausap si Krista para magpasalamat at humingi ng tawad sa kanya.

"Ah Krista pwede ka bang makausap?" Bago niya ako nilingon ay tumingin muna siya kay Allana at si Allana naman ay pinandidilatan siya ng mata na parang sinisindak na huwag tumanggi kaya wala na siyang nagawa kung hindi ay tumingin na sa akin.

Naglakad ako patungo sa kwarto ko at sumunod naman siya. Kaya ko 'to!

"What?" Malamig nitong bigkas ngunit hindi ako nagpakita ng kaba.

Humarap ako dito dahil nasa likuran ko siya, "Gusto ko lang sana humingi ng patawad dahil nakita mo pa ang nangyari sa klase kanina..." Huminto ako saglit upang tignan ang magiging reaksyon niya ngunit hindi pa rin ito nagbabago.

"At salamat dahil kahit na mahina..." Nabigla naman ako ng tignan niya ako ng masama, oo nga pala ayaw niya na tinatawag ko ang sarili ko na mahina.

"I mean salamat na kahit na ganito ako ay alam kong pinapahalagahan mo ang mga nasa paligid mo at salamat dahil pinakita mo sa akin na kaya ko pang tumayo at lumaban para patunayan sa sarili ko at maging sa iba na kaya ko rin na umangat at makipagsabayan na hindi porke't ako ay hindi pinagpala ng kasing lakas na trait ay hindi ko na kayang sumabay..." Mahaba kong sabi at nakita ko naman na ngumiti siya saglit pero nawala rin 'yun. Ako naman ay manghang mangha dahil ngumiti siya!

"That's all?" Ngumiti ako dito at tumango. Alam ko kasi na tinanggap niya ang pasasalamat at paghingi ko ng tawad dahil sa ngiti niya.

"Alright let's go, it's dinner" Nauna siyang lumabas ng kwarto ko habang nakasunod ako sa kanya na nakangiti pa rin

"Ayan tara let's go na sa Dine Hall! Lian tawagin mo na rin si Kiara at nang makaalis na tayo" Masiglang sabi ni Allana na kinatango ko na lang.

Pumunta na ako sa tapat ng kwarto ni Kiara na naka lock kaya kumatok ako, "Kiara kakain na tayo sa baba lumabas ka na diyan"

"Go away!" Pasaway talaga! Gusto pa atang magpagutom!

"Kiara buksan mo na 'to kakain na tayo, lahat ay kailangang kumain sa baba dahil bilang ang mga studyante sa Dorm" Bumukas naman ang pinto at kita ko pa rin ang mukha nitong banas na banas kaya hindi ko mapigilang tumawa.

"Stop laughing stupid!" Tinakpan ko naman ang bibig ko at hinayaan na lang siya. Ayoko muna siya patulan dahil bad mood talaga siya.

Nang kumpleto na kami ay bumaba na rin kami patungo sa Dine Hall.

Dahil na rin sa nangyari kanina ay agad kaming pinagtinginan ng mga tao nang makapasok kami.

Hindi na lang namin ito pinagtuunan ng pansin at pumwesto na sa isang lamesa for 6. Pagka upong upo namin ay dumating ang mga waiter at nilapag ang mga pagkain.

"Hi guys! Still remember me?" May umokupa ng mga bakanteng upuan kaya tumingin kami sa dalawang taong ito. Kung minamalas ka nga naman!

"Miss Dale and Chandria! Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Allana kay Dale ngunit sa katabi niya ako nakatingin na siya rin na nakatingin sa akin habang nakangiti.

"Hi Miss Mind Reader! Nice to see you again!" Bigkas nito.

"Ah makiki dine in na muna kami dito tutal naman ay for 6 ito at dalawa lang kami ni Chandria sa Dorm namin" Tila nagningning naman ang mata ni Allana dahil idolo niya ang mga Student Council. Okay lang sana kung si Dale tutal naman ay mabait ito pero si Chandria, may pagkasa demonyo!

"Ayos lang ba?" Muling tanong ni Dale sa amin. Ngumiti naman ako dahil wala na rin kami magagawa at kumakain na rin siya habang nagsasalita.

"Opo naman!" Masayang tugon ni Allana pero nang tignan ko ang dalawang mag best friend na si Krista at Kiara ay wala silang pakielam at patuloy lang sa pag kain.

"So Lianna and Kiara, how was your first day so far?" Tanong ni Chandria sa amin. Mukhang alam na niya kung paano kami nakarating dito dahil na rin sa mga kasama niya.

"Very exciting" Sarcastic na tugon ni Kiara at nagpatuloy na muli sa pagkain. Talaga nga naman!

"How about you Miss Mind Reader?" Mukhang inaasar ako nitong si Chandria kaya nginitian ko muna

"It was surreal..."

CMA #1: The MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon