DORM
"Wow ang lawak naman ng dorm natin!" Magiliw kong sabi pagka alis ni Dale.
"Malamang apat tayong nagsisiksikan dito kaya malaki talaga, bakit nga ba kasama kita sa iisang dorm" Inirapan ko na lang si Kiara dahil sa sinabi niya. Kahit kailan hindi ko talaga siya makakasundo sa ugali niya!
Pumunta na kami sa magiging kwarto lang na magkakatabi lang din naman. Nakita ko ang dalawang pintuan na sa tingin ko ay galing sa dalawa pa namang makakasama.
Tinignan ko ang pinto at nandoon nakalagay ang pangalan nila, ang isang pinto ay puno ng dekorasyon at ang pangalan ay Allana habang ang isang pinto naman ay walang kadeko dekorasyon pero nakalagay ang pangalan na Krista.
Dito pa lamang ay malalaman ko na agad ang pag-uugali ng makakasama namin kaya't napangiti ako.
Pumasok na ako sa magiging kwarto ko at inayos ang mga gamit. Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng pagbukas ng pinto na sa tingin ko ay galing sa makakasama namin dito.
Agad akong lumabas ng kwarto at sumilip. Nakita ko ang isang red hair na babae at may katangkaran ito na mas matangkad pa sa akin. Humarap ito sa gawi ko at kapansin pansin talaga ang mata niya dahil hindi ito kulay itim o brown o asul na karaniwan sa isang tao ngunit kulay berde ito na bumagay talaga sa maamo niyang mukha at sa tingkad ng buhok niya. Isa lang ang maidedescribe ko sa kanya. Ang ganda!
Matapos niyang pumasok ay bumukas ulit ang pinto at pumasok naman ang isa pang babae na blonde ang buhok at katangkaran ko lang ito. Nang humarap siya sa gawi ko ay iba din ang kanyang mata dahil may pagkabrown ito na dumidilaw.
"Krista sabi sa akin ni Chandria ay may bago daw tayong ka dormmates! Excited na akong makita sila!" So ang blonde hair at si Allana habang ang red hair ay si Krista.
"Mhm" Tumango lang si Krista dahilan para mag pout si Allana. Hala ang cute nila!
Dahil na rin sa gusto ko silang makilala ay agad na ako lumabas sa kwarto ko at lumapit sa kanila
"Hi! Ako pala yung makakasama niyong bago sa dorm, my name's Lianna Raven" Nilahad ko ang kamay ko at kinamayan naman agad ako ni Allana habang si Krista ay tinanguan lang ako. Wow magkakasundo sila ni Kiara!
"My name's Allana Celestine while eto namang si tango girl ay si Krista Celestine, we're cousins! Nice meeting you Lianna! By the way ang sabi ay dalawa kayong bago nasaan na yung isa?" Psh. Pustahan natutulog si Kiara sa ganitong oras
"Puntahan niyo na lang sa kwarto niya malamang tulog mantika na naman 'yun" I laugh at tumawa din si Allana habang si Krista ay dumiretso na sa kwarto niya.
Habang nagkekwentuhan kami ni Allana ay lumabas na din si Kiara na wala pa ring mababakasang emosyon. Ganyan talaga 'yan kapag bagong gising.
"Hi! What's your name?" Tanong ni Allana sa kanya ngunit tinaasan lamang ito ng kilay ni Kiara. I tried to hide my laugh but failed.
"Pasensya ka na Allana ganyan talaga 'yan manang mana sa trait niya. Siya si Kiara Blackwood, Ice manipulator" Tumango tango naman si Allana.
"How about you? What's your trait?" Tanong nito sa akin
"I can read mind" I said. Nanlaki naman ang mata niya at tinakpan ang noo na para bang ginawa niyang barrier. Dahil sa ginawa niya ay napatawa ako.
"Relax, I'm not reading your mind at saka isa pa hindi ko pa ito masyadong kontrolado" Pagpapaginhawa ko sa kanya na siyang nagpakalma na rin.
Maya maya lang ay bigla siyang nagsalita.
"Magkakasundo sila ni Krista! Parehas na tahimik!" At doon tumawa kaming dalawa ni Allana.
"Noisy!" Oops! Narinig kami ni Krista mula sa kwarto niya kaya hininto namin agad ang aming pagtawa.
Tinuon ko muli ang pakikinig ko kay Allana lalo na't makakatulong ito sa amin ni Kiara simula bukas. Sinasabi sa akin ni Allana ang mahahalagang detalye patungkol sa Akademya tulad na lamang na may limang section bawat year level at may mas umaangat pa sa ika unang section na hindi pa rin nila alam kung sino sino dahil hindi pa raw sila bumabalik dito simula ng pumasok sila last week. Nalaman ko rin ang mga events na gaganapin sa mga susunod na araw pati na rin ang pagkakaroon ng bakasyon at ang pagkuha ng identification card na siyang napaka halagang araw sa mga studyante dahil dito malalaman kung saan ka mapapabilang na section.
Kasalukuyan kaming nasa ikatlong year at transferee pa kami. Sabi ni Allana ay next week magaganap ang pagkuha ng identification card at ang section na kung nasaan kami ngayon ay temporary lamang.
Nang matapos ang pagbibigay ng impormasyon sa akin ni Allana ay nakita kong kumakain si Kiara sa sala ng mag-isa. Lumapit ako dito at tinabihan. Gutom na rin kasi ako.
"Kiara..." Tinitigan ako nito na parang nagtataka. Kaya lalo ko pang ginalingan ang pag acting ko dahil hindi ko na talaga kaya.
"Kiara... gutom na gutom na kasi ako pwede ba makahingi ng kinakain mo?" Binigyan ko siya ng nakakaawang mukha pero inirapan lamang ako nito
Napaka sungit talaga! Dahil sa banas ko ay nabasa ko ang nasa isip niya ng hindi sinasadya.
"I can't wait for tomorrow!" Kaya nanlaki ang mata ko at pasimpleng tumalikod dahil kung hindi ako tumalikod ay makikita niyang nagpipigil ako ng tawa.
Tignan mo 'to excited talaga sa pagpasok niya bukas. Napangisi ako dahil dito, magiging maganda kaya ang pagkapasok namin sa akademyang ito?
Bukas magsisimula na kami bilang studyante ng CMA, ang pinaka malakas na Akademya bukod pa sa apat na Akademyang umuugnay dito.
BINABASA MO ANG
CMA #1: The Mind
FantasyJoin Lianna Raven on her adventure of finding out her greatest weakness that turned into her greatest strength that everyone is not aware of. "The weakness can be your strongest."